22

352 48 13
                                    


KAIRA

Tumigil na ako sa kakaiyak dito at tahimik nalang ako dito. Natutulala at nalulutang na ako dito. Anytime, gusto ko na namang umiyak dahil naaalala ko yung nasayang cupcakes. Yung reaction ni Minhee.

Wala pa yung bwisit na Big Nose Watanabe dito. Aba! Mabuti nalang! Sana talaga hindi na siya bumalik dito!

Pero si Minhee.. hanggang ngayon, wala pa rin. Kinakabahan na talaga ako. Tsaka sana kanina, kasama ko nalang siya. Para siya yung.. yung nandyan sa akin para kay Big Nose Watanabe.

Gaya lang nung kahapon na tinapunan ako ni Big Nose Watanabe ng choco shake.

Pero ngayon, wala si bestfriend.

Pero talagang kinakabahan ako. Pinaghirapan niya yun, tapos..nasayang lang.

"Uy Kaira. Naaalala mo naman ba si Minhee?" tanong sa akin ni Jillian.

Tinignan ko siya at napatango naman ako, "Oo. Kinakabahan talaga ako sa reaction niya. Hindi naman ako pwedeng magsinungaling na kinain ko yun lahat, kasi.. hindi ko kaya at masyadong madami yung ginawa niya." sambit ko.

"Ano ba, Kaira? Wala ka bang tiwala sa kanya? Bestfriend ka kaya 'non at maiintindihan ka 'non. Ikaw pa." nakangiting sambit niya sa akin.

Huminga ako ng malalim, "Pero Jill, sa tingin mo maiintindihan niya kaya ako na nasayang lang lahat ang pinaghirapan niya? Sobrang hirap gawin yung mga cupcakes na yun." sabi ko. "Bahala na nga, aaminin ko sa kanya mamaya yung nangyari."

"Oo naman. Di mo naman pwede ilihim sa kanya yung nangyari. Tsaka isa pa, ang daming nakakita kanina." sabi niya at medyo lumapit siya sa akin. "Even Haruto's friends saw it." dagdag niya at napailing nalang ako.

"Ah, Kaira." napaharap naman ako sa tumawag sa akin sa side namin, yung Mashiho.

"Oh?" tanong ko.

"Ako na nagsosorry sa katangahan ng kaibigan ko. Naghahabulan kasi silang dalawa ni Asahi. Di niya talagang alam na papapasok ka." paliwanag niya sa akin.

Natawa naman ako, "Bakit ka ba nagsosorry sakin para sa kanya? Kahit sobrang napakadami pang sorry ang sabihin niya sa akin, wala akong pake." sabi ko at mukha namang natigilan yung Mashiho.

Pero natawa si Jillian, "Ano Mashiho, pagpasensiyahan mo na si Kaira. Ganyan talaga pag galing sa away, nagiging harsh." natatawa niyang sambit sa akin.

Mabilis naman akong napatingin kay Jillian, "Harsh na ba ako?" tanong kong natatawa at napatango lang naman siya. Napatingin ako doon sa Mashiho, "Sorry kung harsh akong pakinggan. Nakakabwisit kasi yang kaibigan mo. Kung may karapatan lang akong i-kick out siya dito."

"Pero may mali din naman ako. Nakatingin lang ako sa cupcakes at di ako tumitingin sa dinadaanan ko. Pero ang OA ko lang kanina sa cupcakes, syempre galing yun sa bestfriend ko. Tapos yun lang ang nangyari. Nasayang." kwento ko. "Okay lang sana na galing talaga sa akin yun. Pero galing yun sa bestfriend ko."

"Pero bwisit talagang Big Nose Watanabe na yun eh! Sobra! Kung di lang sana siya naging tanga!" naiinis kong sambit. Kaya natawa naman sila ni Jillian.

"Bestfriend? Yung Minhee ba?" tanong ni Mashiho sa akin at napatango ako.

"Sa tingin ko, maiintindihan niya naman yun. Alam niya namang hindi mo sinasadya kasi hindi mo naman sasayangin yun kung hindi ka lang nabangga ng pinakamaayos kong kaibigan." sabi ni Mashiho at napatango naman si Jillian.

"Sana nga." sabi ko. "Siya lang yata naiiba sa inyong magkakaibigan. Siya lang yata yung siraulo sa inyo." sabi ko at narinig kong natawa naman yung mga boys sa harapan namin.

boy | harutoWhere stories live. Discover now