44

247 14 3
                                    

KAIRA

Friday...

Wala akong magawa sa loob ng room dahil vacant naman namin ngayon. Halos lahat ng mga kaklase ko nagpasyal-pasyal lang kung saan. Konti lang naman dito ang mga kasama ko sa loob ng room. Si Jillian nga, lumabas at bibili daw ng pagkain sa canteen.

Dahil wala nga akong magawa, naglalaro nalang ako ng dota ngayon. Hindi ko kasama si Minhee at pinatawag siya ng adviser namin kanina. Kaya medyo boring yung paglalaro ko ng dota ngayon.

"Naglalaro ka pala ng dota, Kaira?" dinig kong tanong na nasa gilid ko, si Mashiho.

Tumango ako, "Oo. Matagal na." natatawa kong sagot habang nakatingin pa din ako sa phone ko. "Ikaw ba?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ako mahilig at marunong sa ganyan eh." sagot niyang natatawa. "Isa pa, si Junkyu, Jaehyuk at Haruto lang mahilig sa dota." dagdag niya.

Agad-agad ko namang pinause ang dota na nilalaro ko at tinignan ko siya, "Talaga?" tanong ko sa kanya at tumango lang siya. Hindi ko inaakala na naglalaro din pala ng dota si Big Nose Watanabe.

"Yes. Pero hindi kami pareho kay Haruto na sobrang adik sa dota ha!" pasigaw na sambit ni Junkyu.

"Oo nga!" Jaehyuk.

Nakita ko namang biglang napabangon si Haruto. Nakapatong kasi yung ulo niya sa arm desk tila parang natutulog siya. Pero hindi pala siya natutulog. Amp. Kanina pang tahimik eh.

"Mga sira. Lagi niyo nalang akong cinocompare sa inyo. Pake niyo ba kung adik ako sa dota?" tanong niya sa mga kaibigan niya sa dahilan na natatawa naman ang mga kaibigan niya sa harapan namin.

"Anong masama? Totoo naman ah!" angal naman ni Junkyu at nakita ko lang naman na napailing lang si Haruto. Tsaka bigla niyang nilipat ang tingin niya sa akin.

"Anong dota ba yang nilalaro mo?" tanong niya sa akin.

"Eto oh." sagot ko sa kanya at pinakita ko yung dota sa phone ko.. tsaka niya naman kinuha yun. "C.O.C din pala nilalaro mo?" mukha siyang nabigla. Amp.

Natatawa naman akong kinuha yung phone ko sa kanya, "Oo nga. Bakit ba?"

"Yan din yung dota na nilalaro ko eh." natatawa niyang sambit sa dahilan na medyo nanlaki ang mata ko.

"Totoo? Di ko yun alam ah." sabi kong natatawa.

Nakita ko namang kinuha niya yung phone niya at tinignan niya ako muli, "Tara. Laro tayong dalawa." aya niya sa akin.

"Osige game. Invite mo ako, now na." sambit kong natatawa.

"Sinasabi mong invite?" tanong niya sa akin sa dahilan na nagtataka ako.

"Bakit? Ganon naman ah." sabi ko sa kanya.

"Wala akong may sinabing magkakampi tayo. Magkalaban tayo sa dota." natatawa niyang sambit.

"Di ko naman alam ah. Pero gusto mo ba?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya. Amp! Akala ko talaga magkakampi kami sa dota eh.

"Osige deal. Sabi mo e." natatawa kong sambit habang nirerestart ko pa yung dota sa phone ko.

"Dapat may twist din." sabi niya sa akin.

"Pinagsasabi mong twist?" nagtataka kong tanong ko sa kanya.

"Ganito, magkakaroon ng six rounds. Kapag sino yung may pinakamaraming panalo, siya ang panalo. Yung talo, syempre talo." natatawa niyang sambit. "Tapos yung talo, kelangan niyang sundin yung gusto ng panalo. Ano.. deal?" tanong niya sa akin.

Napaisip naman ako. Maganda yang twsit na iniisip niya ha! Enjoying. Magaling naman ako sa dota.

"Ge deal! Alam ko namang matatalo ka eh ang galing ko kaya sa dota." pagmamayabang ko sa kanya.

Natatawa naman siya sa akin, "Wow ha. Paano ka nakakasiguro? Asa ka. Tignan nalang natin kung sino yung panalo at kawawa." natatawa niyang sabi sa dahilan na natawa nalang din ako.

"Ehem ehem!"

Natigil naman kami sa pagtawanan dahil naririnig namin na kunwaring nagsiubo yung mga boys sa harapan namin. Sila talaga. >.< Issue nila masyado.

Nakita ko lang naman na napapakamot lang sa ulo si Big Nose Watanabe, "Wag mo silang pansinin, Kaira. Start na tayo. First round." hamon niya sa akin at napatango naman ako.

"Sige ba." sabi ko at hinanda ko na yung phone ko. Huhuhu! Kailangan kong manalo kay Big Nose Watanabe!

- - -

boy | harutoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon