63

231 13 0
                                    


KAIRA

Class dismissed na at recess na. Inayos ko naman ang mga gamit ko dito. Buong araw, tahimik lang talaga ako. Except nalang kung kausapin at tanungin ako ng mga kaklase ko.

Nang dahil pa din sa pag-iwas sa akin ni Big Nose Watanabe. Hindi niya pa din ako pinapansin hanggang ngayon. Kaya hindi ko nalang din siya pinansin. Ayoko lang mag-mukhang tanga na kinakausap siya tapos dinededma niya lang ako.

Pero gusto ko talaga malaman yung rason kung bakit ganyan siya sa akin. Nakakatampo na din talaga.

Maski sa chat, hindi niya ako pinapansin. Seen lang yung ambag niya sa akin. Minsan nga, sarap niya ng itapon sa Mars. Pero kailangan ko nalang talaga siyang intindihin.

"Tara bes, sabay na tayo recess. Nang-aaya sina Mashiho satin." nakangiting sambit ni Jillian sa akin habang inaayos yung mga gamit niya.

Tumango naman ako, "Sige." nakangiting sambit ko sa kanya. Napalingon naman ako sa katabi niya, si Big Nose Watanabe na nakatingin sa labas ng bintana. Looks so cold and... malalim yung iniisip niya.

Huminga nalang ako ng malalim at iniwas ko nalang yung tingin ko sa kanya.

Bakit kaya bigla siyang nag-bago? Parang kelan lang na ang saya namin kasi close na kami.

"Arat guyz! Lezgo to canteen!" dinig kong aya ni Hyunsuk sa amin. Napatayo naman kami at nagtipon-tipon kaming lahat dito at sabay naman kaming lahat papuntang canteen.

Habang papapunta kami doon, nilipat ko naman yung tingin ko kay Big Nose Watanabe. Naka-headphone siya ngayon. Halos siya lang yung hindi nag-iingay sa amin at ang sobrang tahimik niya. Hindi ko man lang narinig ang boses niya. Ang cold niya.

Big Nose Watanabe, wag ka namang ganyan oh.

- - -

"Huy, okay ka lang?" tanong sa akin ni Jillian na katabi ko. Nakayuko nalang kasi ako ngayon.

Inangat ko naman ang ulo ko at tinanguan ko siya, "Oo naman." nakangiting sagot ko sa kanya.

"Sigurado ka? Hindi mo kasi ginagalaw yang pagkain mo kanina pa." sambit ni Jihoon.

"Ah, ganon ba?" tanong ko pa na natatawa. "Ano ba, okay lang ako 'no. Di pa kasi ako gutom."

"Kung hindi ka kakain Kaira, akin nalang yang pagkain mo ha?" natatawang tanong sa akin ni Junkyu pero binatukan lang naman siya ni Junghwan at Hyunsuk.

Ningitian at tinanguan ko nalang siya, "Sige." sabi ko at nagsimula na akong kumain ng binili ako.

Kanina pa kasi akong tahimik dito. Pero wala naman akong mood makipag-halubilo sa kanila. Hanggang ngayon iniisip ko pa din si Big Nose Watanabe.

"Yung iba dito, bakit hindi nagpapansinan?" tanong ni Jeongwoo sa dahilan na napatahimik kaming lahat dito.

Pero tinignan ko siya at nakita ko lang naman na nanatili siyang nakatingin sa malayo. Pero nahalata kong nainis siya sa tanong ni Jeongwoo.

Napailing naman siya tapos nakita naming lahat na napatayo siya at papaalis siya sa amin. Mukhang natigilan naman ako doon. Ano ba talagang problema niya sa akin?

"Nasisiraan na naman ba siya ng ulo?" Jaehyuk.

"Hayaan niyo na." Minhee.

Ipinagmasdan nalang namin siyang lumalayo sa amin. Hindi man lang siya nag-paalam sa amin at diretso lang siyang umalis. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya at napayuko nalang ako dito.

boy | harutoWhere stories live. Discover now