50

256 15 2
                                    

KAIRA

Kanina pa kami nandito ni Big Nose Watanabe sa mall. Kahit anong gusto niya, nililibre ko sa kanya. Pero okay lang naman! Halos mga pagkain naman yung nililibre ko sa kanya. Mga masasarap na pagkain ang binibili niya so bumibili na din ako yung para sa akin.

Sa ngayon, nagpabili naman siya ng milktea sa akin, Lychee flavor. Nung nakabili na ako, kinuha ko na yun. Dalawa ang binili ko at yung isa, para sa akin syempre.

Sineswerte naman siya kapag siya lang yung kakain at iinom ha. Porque magpapalibre siya sa akin, hindi na ako kakain. Loh, nakakagutom kaya yung mga nililibre ko sa kanya.

"Oh, yan na." natatawa kong sambit at binigay ko yung milktea sa kanya. Tsaka niya naman yun tinanggap.

"Thank you." nakangiting sambit niya at nagsimula na siyang uminom ng milktea.

"Dami ko ng nilibre sa'yo ngayon ah. Pasalamat ka talaga nanalo ka sa dota natin." natatawang sabi ko habang umiinom ng milktea.

Natawa naman siya ng tuluyan, "Kasalanan ko ba ang sobrang galing ko sa dota. Nagyabang ka pa nga sakin na ikaw yung mananalo e." nang-aasar niyang sambit sa akin.

Pabiro ko naman siyang binatukan sa kanyang balikat, "Tumigil ka nga diyan. Paulit-ulit ka e. Ikaw na magaling!" sermon ko sa kanya at natatawa lang naman siya.

"Sorry na." natatawa niyang sambit.

"O ano? Hindi ka pa busog? Kanina pa tayo kain ng kain ah. Wala ka yatang kabusugan." sabi ko sa kanya. Kumain na kami ng ice cream, donut, shomai, takoyaki at waffle. Tapos kumain pa kaming dalawa sa Jollibee. Jusko.

"This time, last na 'to." natatawang sambit niya habang umiinom ng milktea. Argh! Ang cute niya talaga! Swerte yung magiging girlfriend niya ano?

"Sigurado ka?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya, "Oo. Pero syempre lilibre mo pa din ako. Pero hindi na pagkain ngayon. Last nalang." nakangiting sambit niya sa akin.

"Ano naman yun?" tanong ko sa kanya.

"Libre mo ako sa arcade." nakangiting sambit niya sa dahilan na natatawa ako. "Bakit ka natatawa?" tanong niya sa akin.

"Seryoso ka? Arcade? Di'ba para lang yun sa pambata?" natatawa kong tanong sa kanya.

"Pambata? Wala sa edad yan. Gusto kong maglaro e. Sarap maging isip bata ulit." natatawa niyang sambit at tinignan niya ulit ako. "Libre moko don ha?" tanong niya sa akin habang nakangiti.

Gago 'to nagpapacute pa sa akin. Aba kung pwede lang suntukin e ang sobrang gwapo! Kung pwede lang siyang maging crush. Hehehehe joke!

Tumango naman ako, "Oo na, oo na. Kaya ubusin na natin 'tong milktea at pupunta na tayo doon." natatawa kong sambit sa kanya at nakita kong ningitian niya lang naman ako. Shet ang cute talaga!

Sa future jowa ni Big Nose Watanabe, ang sobrang swerte mo!

- - -

Kakatapos lang namin maglaro sa Arcade ni Big Nose Watanabe at nag-enjoy naman kaming dalawa doon sa arcade! Ang dami naming nilaro. Basketball, tekken, claw machine at madami pa. Feel ko tuloy seven years old pa lang kaming dalawa.

Dahil wala na kaming magawa at kanina pa kami sa mall, napag-isipan nalang namin na uuwi na kaming dalawa.

"Ano? Solve na yung gusto mo? Nalibre na kita ha. Ang dami nung pagkain at sa arcade pa kanina. Pera ko yun lahat tapos ikaw wala kang naiambag." natatawang sambit ko sa kanya.

boy | harutoWhere stories live. Discover now