21

362 47 15
                                    


KAIRA

Halos matulala nalang ako sa cupcakes na nasayang sa sahig. Nasira na lahat! Ang sayang lang ng ginawa ni Minhee sa akin. Alam kong pinaghirapan niya 'tong cupacakes para sa akin!

Pero nilipat ko ang tingin ko kay Big Nose Watanabe na nakatingin lang sa akin ngayon. Mukhang nabigla din siya. Mas sinamaan ko lang siya lalo ng tingin. Medyo lumapit ako sa harapan niya.

"Nananadya ka ba talaga?! Tignan mo nga kung ano ang ginawa mo sa cupcakes ko?!" sigaw kong tanong sa kanya. Talagang hindi na siya nakakatuwa. Nakakainis na talaga siya ngayon.

Hinihintay ko lang naman na magsalita siya. Nakita ko lang na nabibigla pa din siya at napapakamot siya sa buhok niya. Magsasalita na siya pero inunahan ko na siya.

"Kung hindi ka lang sana tanga, hindi naman sana masasayang yang cupcakes ko!" galit kong sambit sa kanya at hindi ko na mapigilan ang sarili kong umiyak nang dahil lang sa cupcakes.

Mukhang isip bata ako dito ngayon. Pero naaalala ko kasi si Minhee. Ano kayang magiging reaction niya kapag nalaman niya 'to? Syempre, magtatampo yun sa akin.

Kasalanan naman 'to ni Big Nose Watanabe! Nakakabwisit!

Nakita ko namang naiinis din siyang tinitignan ako, "Di ko naman sinasadya ah! Hinahabol kasi ako ni Asahi! Kaya nabangga kita!" sabay turo sa kasama niya.

Wow. May gana pa siyang mainis sa akin? Siya na nga 'tong may kasalanan sa akin ah!

Nakikita kong marami namang estyudante ang nanonood sa amin. Pero wala akong pakialam. Di na ako makapagtimpi pa sa Big Nose Watanabe na yan! Grrrr!

"Yun naman pala! Alam mo namang hinahabol ka ng tao! Pero di mo naman alam kung may tao ba or wala ang tinatakbuhan mo!" sigaw ko sa kanya nang pinunasan ko ang mga luha sa mata ko.

"Kasalanan ko bang andyan ka pala?! Hindi ko nga alam kasi hinahabol nga ako!" naiinis niyang sabi sakin.

"Ayan kase! Pinapairal mo ang katangahan mo! Pinakadakilang tanga ka! Tanga!" sigaw ko kay Big Nose Watanabe at nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko.

"Anong sabi mo?!"

"Bingi ka ba?! Sabi ko ang sobrang tanga mo!" ulit ko sa kanya at naiyak naman ako ng ibinalik ko ang tingin ko sa cupcakes. Si Minhee. :(

"Sabi ngang hinahabol ako ni Asahi eh!" sigaw niya sa akin. Pero hindi ko siya pinansin at nanatili pa din akong nakatingin sa cupcakes na nasayang niya.

"Ah Kaira, kasalanan ko naman 'to. Kung hindi ko sana hinabol si Haruto, edi sana di sana nangyari 'to. Sorry na. Gusto mo, bayaran nalang kita?"

Napaharap naman ako doon sa Asahi, umiiyak pa din ako, "Wag na. Okay lang." kalma kong sambit.

Narinig kong natawa naman si Big Nose Watanabe, kaya napatingin ako sa kanya. "Ano ka ba talaga Kaira? Si Asahi na nga mismo nagsasabi, pero tinatanggi mo pa."

"Ano bang pake mo?! Eh sa ayaw ko nga!" sigaw ko sa kanya.

"Para kang baliw diyan. Ang daming cupcakes dito sa mundo, iiyakan mo talaga. Ano bang gusto kong gawin sayo para tumigil ka diyan sa kakadrama?"

"Wala akong gusto lalong-lalo na galing sa'yo! Bwisit ka! Sobra!" sigaw ko sa kanya at nanlaki naman ang mata niya.

"Anak ng putangi-- sorry na nga! Yan! Yan na! Nagsorry na ako! Okay na?! Okay ka na!" pasigaw niyang sambit sa akin.

"Hindi! Wala akong pake sa sorry mo kung galing sa'yo! Hindi ako magiging okay lalong-lalo na ikaw ang may kakagawan neto, Big Nose Watanabe!" sigaw ko sa kanya sa dahilan na nanlaki ang mata niya.

"Ano?! Ang arte mo!"

"Wala! Bwisit ka!"

Pero maya-maya, napangisi siya sa akin, "Para ka namang isip bata para lang sa cupcakes na yan. Pulutin mo nalang yan lahat, wala pa namang.. one hour. Kainin mo na agad." tapos natawa pa siya.

Gago ba siya?! Pupulutin ko?! Madumi na kaya! Pero.. I'm sure na madidissapoint ko si Minhee na 'to. Parang gusto kong magtago sa kanya mamaya.

"Siraulo! Bakit ko naman gagawin yun?! Edi ikaw nga pumulot kung kaya mo!" sigaw ko sa kanya.

Natawa naman siya, "Yun lang? Aba kayang-kaya ko Kaira. Parang pupulutin lang naman."

Tapos nagulat akong nakita kong kinuha niya yung box. Tsaka ginawa niya nga yung sinabi ko. Kahit magulo't sira na at kanina pang nasa sahig ang mga cupcakes. Talagang pinulot niya yun lahat-lahat at nilagay niya sa lalagyan.

Tanga talaga! Siraulo!

Narinig ko namang may nagbubulungan dito pero hindi ko yun pinansin. Ipinagmamasdan ko lang ang ginagawang katarantaduhan ni Big Nose Watanabe. Pagkatapos niyang ginawa yun, tinignan niya ako. Tsaka nagulat ako na bigla niyang inabot sa akin ang cupcakes. Napatingin naman ako sa mga cupcakes. Halos nainis ako nang nakita kong sira na ang mga cupcakes.

Tinignan ko ulit si Big Nose Watanabe, "Ano ba 'to?! Bakit mo 'to binigay sa akin?!" sigaw ko sa kanya.

"Cupcakes malamang! Para kasing mabaliw ka diyan kaya pinulot ko na para sa'yo! Magpasalamat ka nalang sa akin. Kainin mo na yan. Di na ako humihingi ng kapalit."

Nang dahil sa sinabi niya, halos nainis na ako sa kanya. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi niya. Pero yung sinabi niya, hindi ako natutuwa. Yaaaaaah bwiset! Ang tanga!

Huminga ako ng malalim, "Bahala ka!" at hindi ko mapigilan na itapon sa kanya yung cupcakes. Tumama eto sa mukha at uniform niya. Yan ang dahilan na mukha siyang clown ngayon. Ipinagmamasdan ko lang naman siyang inaalis yung mga icing sa mukha at uniform niya pero may mga natitira pa din. Bahala siyang makaramdam ng lagkit diyan!

Tinignan niya naman ako at halos nabigla siya sa ginawa ko. Bago pa siya makapagsalita, tinalikuran ko na siya at papabalik na ako sa loob ng room. Pero may mga luhang tumutulo sa mata ko. Feel ko sobra na akong natatakot para magpakita kay Minhee.

"Ano na naman ba Kaira?! Yung uniform at mukha ko! Obedient lang naman ako kaya ko sinunod yung sinabi mo! Tapos ganito pa ang gagawin mo sa akin?! Ang sobrang ayos mong kausap!" dinig kong pagprotesta niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin. Pumasok na ako kaagad sa room.

Padabog naman akong napaupo sa upuan ko. Tsaka napaiyak nalang ako ng basta-basta. Hindi ko alam kung paano ko 'to sasabibihin kay Minhee eh. Hindi niya pa 'to alam. Sayang yung pinaghirapan niya sa cupcakes. Hindi lang madali gawin yun 'no. Tsaka kahit ni-isa, wala akong may natikman doon at hanggang tingin lang ako kanina. Katangina kasi nung Big Nose Watanabe na yun!

"Omg Kaira!" nakita kong tumabi sa akin si Jillian. "Omg! Nakita ko yung nangyari kanina!"

"Bwisit naman kasi na Big Nose Watanabe na yun! Sobrang bwisit siya!" naiinis na sigaw ko dito sa loob ng room.

"Sayang yung cupcakes, Kaira. Ay, by the way, kanino galing yung cupcakes? Sa kanya ba?" tanong ni Jillian sa akin.

"Hindi yun sa kanya." naiiyak kong sagot. "Kay... Minhee." tapos medyo nabigla naman siya. "Pinaghirapan niya yun sa akin, alam ko. Pero siraulo naman kasing Big Nose Watanabe na yun, nabangga ako kaya sobrang nasayang!" naiiyak kong kwento ko sa kanya.

"Hala oh my gee. Sayang naman yun lahat-lahat. Paano na yan mamaya? Hindi niya pa naman alam na ganito na." sabi niya.

"Oo nga eh. Kinakabahan nga ako kasi alam kong sobrang magtatampo yun sa akin. Parang ayaw ko nalang ngang magpakita sa kanya." naiiyak kong sambit sa kanya.

Parang ayaw ko nalang talaga makita yung Big Nose Watanabe na yun! Sirang-sira na ang araw ko.

Pero si yung cupcakes na bigay sa akin ni Minhee, sayang. Paano na 'to?

- - -

boy | harutoHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin