20

379 52 11
                                    

KAIRA

"Class dismissed." paalala sa amin ng professor at lumabas na siya dito sa room. Pagkatapos, nagsigulo na naman dito sa loob ng room. Yung iba, sobrang excited sa mag-recess.

Inayos ko naman ang mga gamit ko dito. Tsaka naman ako napatayo. Hinihintay ko lang naman si Jillian na inaayos ngayon ang kanyang mga gamit. Tsk. Ano ba yan, ang bagal niya. Joke.

Pero maya-maya din ay tapos na siya sa pag-aayos. Tumayo na din siya at ningitian niya ako, "Let's recess, Kaira." nakangiting sambit niya sa akin at napatango lang naman ako.

Tsaka sabay naman kaming dalawa na lumabas sa room. Pero yung papapunta na kami sa canteen, biglang may tumawag kay Jillian.

"Ms. Jillian Go." napaharap naman kami sa tumawag sa kanya. Professor pala namin sa English. May dala-dala siyang mga papers.

"Yes, Prof." tanong ni Jillian at medyo siya lumapit kay Prof.

"Pwede ba kitang utusan na ihatid muna 'to sa Admin Office?" nakangiting tanong niya kay Jillian.

Tumango naman si Jillian, "Sure Prof. No problem." sagot niya at kinuha niya na yung mga papers na hawak-hawak ni Prof.

"Thank you Jillian." nakangiting sambit niya at ningitian lang naman siya ni Jillian. Tsaka niya na kami iniwan dito.

Tinignan naman ako ni Jillian, "Ihahatid ko muna 'to sa Admin Office, Kaira. Hintayin mo nalang ako. Madalian lang naman."

I nodded, "Sige."

Tapos ipinagmasdan ko lang naman siyang papalayo sa akin. Hinihintay ko lang naman siya. Ano ba yan, gutom na ako. TT_____TT

"Kaira."

Napaharap naman ako agad sa tumawag sa akin. Tsaka ko nakita si Minhee na may dalang pink na box.

"Oh Minhee. Sabay pala tayo!" natatawa kong sambit at ningitian niya lang ako. Pumababa naman ang tingin ko sa kanyang dalang pink na box, "Ano pala yan?" tanong ko sa kanya at tinuro ko yun.

He smiled to me, "This is for you, Kaira." nakangiting sambit niya sa akin na inaalok yung dala niyang pink box.

Tinanggap ko naman yun at napangiti naman ako ng makawak, "Talaga? Ano naman 'to?" naeexcite na tanong ko sa kanya.

"Open it."

Ningitian ko siya at sinunod ko nga yung sinabi niya. Tsaka halos namangha at mas lalo lang lumawak ang ngiti ko nang nakita ko ang loob neto.

Omoooo! My favorite! Cupcakes!

Tinignan ko naman siya, "Favorite ko 'to ah! Mukhang masarap na naman! Thank you talaga Minhee!" masayang sambit ko sa kanya at binalik ko uli ang tingin ko sa cupcakes. Argh, nakakagutom talagaaaa sa sobrang sarap.

Natawa naman siya, "Wala yun Kaira 'no. Ginawa ko yan kagabi para sa'yo. Kaya sana.. magustuhan mo." nakangiting sambit niya sa akin.

"Nako, oo naman! Alam ko namang masarap 'to eh! Syempre, gawa mo." nakangiting sambit ko sa kanya. "Nga pala, para saan 'to? Bakit mo ako ginawan ng.. maraming cupcakes? Malayo pa kaya birthday ko." natatawang sabi ko sa kanya.

Ningitian niya naman kami, "Di'ba lagi tayo nananalo sa dota kagabi? So.. ginawan kita. Galing mo kasi ka-team up."

Natawa naman ako nang dahil doon, "Yun lang naman pala. Wala yun no. Tsaka thank you talaga. Ang saya ko dito." natutuwa kong sambit at tinignan ko uli yung bigay niyang cupcakes.

"Wala yun, basta ikaw."

Tinignan ko naman si Minhee na nakangiti na sa akin ngayon. Awtsu! Ang gwapo talaga ng bestfriend ko!

Natawa naman ako, "Oo na, bestfriend." sabi ko at mukhang natahimik naman siya bigla. Ha? Bakit naman. "Hoy, Minhee? Okay ka lang?"

Bigla naman siyang bumalik sa katinuan, at agad siyang tumango, "Oo naman!" sagot niya. "Hindi pala muna ako sasabay sa inyo ngayon. Inaaya kasi nila ako nina Serim. Baka bukas nalang."

"Sige okay lang."

"Kainin mo yan ha?" natatawa niyang tanong sa akin.

Tumango akong natatawa, "Oo naman."

"Sige una na ako, Kaira." nakangiting paalam niya sa akin at ningitian ko nalang din siya. Tsaka ko nalang siya ipinagmasdan na papalapit kina Serim, bestfriends niya din.

Basta, ang bait talaga ni bestfriend!

Binalik ko uli ang tingin ko sa cupcakes, at lalo lang akong napangiti dito ng malawak. Yummy! Mukhang masasarap talaga! Yaaaaaachiiiiii! Ako lang kakain neto lahat-lahat! Amp!

"Sasarap niyo naman. Excited na akong kainin kayo." nakangiting sambit ko habang nakatingin sa mga cupcakes.

Nasa labas pala ako. Sa loob ko nalang 'to kakainin. Dala ko naman yung mga cupcakes papasok sa loob. Papasok lang ako sa classroom habang nakangiti ako sa dala kong cupcakes. Awts kakainin ko na kayoooo~

Pero maya-maya nabigla ako dahil may bumangga sa akin. Dahil sa sobrang lakas ng impact ang pagkabangga sa akin, muntik na akong matumba pero ang malas, nabitawan ko yung hawak-hawak kong cupcakes.

Nanlaki lang naman ang mata ko at halos tumigil ang mundo ko nang nakita kong nasasayang sa sahig yung cupcakes. Hala oh my god. Lagot ako kay Minhee kapag nalaman niya 'to!

Teka! Sino ba naman kasi 'tong tarantado na nakabangga sa akin?! Kung hindi niya ako nabangga aba edi sana hindi ko nabitawan ang cupcakes!

Tinignan ko naman kung sino yung bumangga sa akin. Halos kumulo ang dugo ko ng nakita ko kung sino ang bumangga sa akin. Nandidilim ang tingin ko sa kanya ngayon.

Kasalanan niya 'to kung bakit ko yun nabitawan! Hindi ko pa naman yun natitikman at sobrang sayang na sayang talaga yung effort ni Minhee dito! Ginawa at ipinaghirapan niya pa naman 'to para sa akin! Tapos nasayang lang nang dahil sa binangga niya ako!

Mas lalo ko lang siya sinamaan ng tingin ngayon. Hindi na ako natutuwa sa katangahan niya ngayon.

Bwisit ka Big Nose Watanabe!

- - -

boy | harutoWhere stories live. Discover now