70

252 13 0
                                    

KAIRA

Sa ngayon, bumabiyahe na kaming dalawa ni Junkyu papuntang Strayz Bar. Pinayagan ako ni Mama dahil nag-aalala na din siya.

Pero hindi ko mapigilan na kabahan at mag-alala kay Big Nose Watanabe. Sobrang lasing na lasing pala.

"Dalian mo, Junkyu. Nagpapanic na ako." nagmamadaling sambit ko sa kanya.

"Susubukan ko. Pero kailangan nating mag-ingat baka madisgrasya pa tayo." sabi niya at napatango naman ako.

Nandito lang naman ako at napapatingin lang sa labas ng bintaha. Ang sobrang bilis ng heartbeat ko ngayon. Pinapakaba ako ni Big Nose Watanabe. Lasing nga talaga siya. Halata pati sa pag-chat niya.

Pero totoo ba talaga yung pinagsasabi niya sa chat? Na mahal niya ako?

"Hindi mo ba talaga maramdaman Kaira?" napatingin naman ako kay Junkyu na nagtatanong.

"Maramdaman na ano?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Na mahal ka ni Haruto?"

Nang dahil doon, bigla akong natigilan at ang sobrang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Pero hindi ko inaakala na.. talagang mahal niya ako.

"So.. mahal niya talaga ako?" nagugulat kong tanong kay Junkyu.

Tsaka nakita ko namang napapatingin siya sa akin kaso mukha siyang nabibigla, "Naisip mo ba yan?"

"Hindi talaga. Kanina, chinachat niya ako. Ang gulo ng chat niya sobra at naisip kong lasing siya. Pero.. talagang lasing pala siya." kwento ko sa kanya.

"Tsaka doon niya sinabi na.. mahal niya ako." dagdag ko at nakita ko namang huminga lang ng malalim si Junkyu at napatango siya.

"Pag lasing ang tao Kaira, doon niya pinapalabas ang tunay niyang nararamdaman. Kaya nagsasabi siya ng totoo. Totoong mahal ka niya." kwento niya sa akin.

Taena bakit ang weird ng nararamdaman ko kapag naiisip kong mahal niya ako? Bakit parang ayaw kong maniwala?

"Mahal ka niya pero iniiwasan ka niya. Kasi nasasaktan siya sa'yo." dagdag niya.

"May alam kaming lahat. Nagkakaganyan siya kasi sa.. dare sa'yo ni Jeongwoo. Yung niyakap mo si Minhee at sinabihan mo ng 'i love you'. Nakaramdam siya ng matinding selos kahit ang sobrang babaw lang 'non at sinunod mo lang yung dare." kwento niya sa dahilan na natigilan ako.

"Naisip niya ding.. gusto niyo daw ni Minhee ang isa't isa. Kaya ka niya iniwasan dahil nagseselos siya sa inyo." dagdag niya pa.

Huminga ako ng malalim, "Bakit ba siya nagseselos? Mag-bestfriends lang kami ni Minhee. Nakakainis naman siya e!" pasigaw na sambit ko.

"Madaling mag-selos yun dahil sobrang mahal na mahal ka niya." sabi niya sa akin sa dahilan na natahimik naman ako.

"Hindi ko talagang inakala na.. mahal niya ako. Hindi ko yun naramdaman. Ang sobrang manhid ko. Kaya nagkakaganyan siya nang dahil sa akin." naiinis na sambit ko sa sarili ko.

"Okay lang Kaira, wala kang kasalanan. Magiging okay din si Haruto." sabi niya sa akin. "Matagal ka niya nang mahal, Kaira. Sana isipin mo yan." sabi niya.

"Sa'yo pa lang nagseryoso at nagkaganyan si Haruto, Kaira. Kahit gago yan, alam kong mahal na mahal ka niya."

"Alam kong hindi mo pa nararamdaman yung nararamdaman ni Haruto. Pero Kaira, wag mong hahayaan yung kaibigan namin. Hindi kita pinipilit na mahalin mo siya ng pabalik, ayaw naming nakita siyang nasasaktan. Pasayahin mo siya." nagulat ako dahil naiiyak na si Junkyu habang nagmamaneho. Kaya naiiyak na din ako ngayon.

"Sana dadating yung panahon na mahalin mo siya ng pabalik. Para doble yung lupa na kakainin ni Jihoon." sabi niyang naiiyak sa dahilan na natawa ako.

"Kakain ng lupa si Jihoon?" naiiyak na natatawa kong tanong sa kanya.

Tumango siya, "Oo. Yun kasi deal niya sa amin. Pag magustuhan ka ni Haruto, kakain daw siya ng lupa." sagot niya.

"Pero wag kang mag-alala, Junkyu. Alam kong dadating ang araw na yun. Sobrang napakabait na tao ni Haruto para mahalin ako. Nasanay na ako sa kanya at masakit din sakin na iwasan niya ako ng matagal." naiiyak na sambit ko.

"Ang sobrang kapal ng mukha kong saktan siya."

Narinig kong mas lalo lang namang naiyak si Junkyu, "Wag mong sisihin yang sarili mo, Kaira. Kahit naman hindi mo alamin na mahal ka niya, alam ko namang mamahalin ka pa din ni Haruto. Kahit saktan mo yun, mahal ka pa din 'non. Ganon kabaliw yung gago na yun sa'yo."

Nang dahil doon, mas lalo akong naiyak. Di talaga deserve ni Big Nose Watanabe ang sakit. Ang hina-hina ko. Tanong ako ng tanong sa sarili ko kung bakit niya ako iniiwasan. Yun pala nagseselos siya dahil mahal niya ako.

"Oo, nakikita mo lagi silang magkasama ni Wonyoung. Pero Kaira, ikaw pa din yung iniisip niya. Gusto niyang umamin sa'yo kaso natatakot siya sa'yo."

Pinunasan ko naman ang mga luha ko, "Gago ba siya? Mas natatakot ako na hindi niya ako pansinin. Nakakainis siya." naiiyak na sambit ko.

"Parang tanga naman tayo dito Kaira e, baka ano nang nangyari doon kay Haruto." naiiyak na sambit ni Junkyu at napatango lang naman ako.

"Dalian mo. Gusto ko na siyang makita." naiiyak na sambit ko at nagpatuloy naman siya sa pagmamaneho.

Gago ka naman kasi Big Nose Watanabe! Wag mong sirain ang sarili mo nang dahil sa akin. Parang baliw tuloy ako dito na iniiyakan ka.

- - -

boy | harutoWhere stories live. Discover now