78

280 13 5
                                    


KAIRA

"Good morning, mga fans namin diyan! Live po tayo ngayon sa facebook! React-react naman diyan!" natatawang sambit ni Junkyu habang nakaharap sa cam niya. Live kasi ngayon sa facebook. Nandito kami sa field. May inaabang kasi kami. HAHAHAHA!

"Sa ngayon, makikita niyong kakain si Jihoon ng lupa ngayon." natatawang sambit ni Junkyu sabay harap ng cam niya kay Jihoon na may hawak-hawak ng kutsara ngayon.

"May deal kasi kami, basta sa amin na yun. Kapag hindi siya kasi kakain ngayon, bibigyan niya kaming lahat ng tig-10k." natatawang sambit ni Junkyu at tinignan niya naman si Jihoon, "Jihoon.. ano sa feeling mo na kakain ka na ngayon ng lupa?" tanong niya kay Jihoon at natawa naman kaming lahat dito.

"Inaniyong lahat. Gagawin ko nalang 'to para di ko pa kayo mabigyan ng tig-10k." reklamo ni Jihoon at natawa naman kaming lahat.

"Guys! Wag niyong palampasin ang pagkain ni Jihoon ng lupa ha! Gumawa tayo ng hashtag na #KainLupaChallengeByJihoon at patrending natin! Di'ba guys?!" natatawang tanong sa amin ni Junkyu at hinarap niya sa aming lahat ang kanyang cam.

"Oo!" sagot naming lahat.

"Inaniyo talagang lahat!" mura sa aming lahat ni Jihoon at napatawa lang kaming lahat.

Hinarap naman uli ni Junkyu ang cam niya kay Jihoon, "Okay, sige na Jihoon. Padami ng padami ang views sa live natin o. Kain na ng lupa." utos niya.

Agad naman kaming lumapit nina Jillian doon at ipinagmamasdan naman namin na kumuha na ng lupa si Jihoon gamit ang kanyang kutsara. Kahit kumukuha pa lang siya ng lupa, nagsitawanan na ang mga boys dito.

"Tangena this is it na talaga!" natatawang sambit ni Jaehyuk.

"Gagawin din naman pala e!" Junghwan.

"Takot lang mag-bigay ng 1Ok e!" Hyunsuk.

"Tahimik na! Gagawin ko na!" reklamo ni Jihoon. "Pero dapat may countdown. 10 seconds." dagdag niya sabay tingin sa hawak niyang kutsara na may lupa.

"Osige! Start na kami ha?!" sabi ni Junkyu at agad niya inaasikaso yung fb live niya, "Sa mga nanonood! Makibilang kayo! 10... 9... 8..."

"Ano ba yan, ang bilis naman masyado yan! Yung tama-tama lang!" agad naman na reklamo ni Jihoon.

"Ano ba yan! Dami pang arte e!" angal ni Junkyu. "Osige viewers, medyo bagalan daw. Ulit! 10.... 9.... 8...."

"7... 6.... 5.... 4...," pabagal ng pabagal yung pagbilang namin ngayon at pinipigilan na namin ngayon ang aming tawa.

"3... 2... 1!"

Pagkatapos agad ng countdown namin, nakita naman naming agad na sinubo ni Jihoon ang lupa sa kanyang bibig. Halos namatay naman kami sa kakatawa dahil sa kanyang expression. Halatang napangitan siya sa lasa kaya agad niyang iniluwa ang lupa na nasa kanyang bibig.

Tsaka todo naman lapit ni Junkyu ang cam kay Jihoon at grabe 'to makatawa, "Viewers! Ang good looking niya talaga ngayon! Kamusta ang pagkain ng lupa?" natatawang tanong niya kay Jihoon.

Nakita naman namin na dumudura-dura siya sa damuhan at lalo lang naman kaming natawa dito, balak niya namang batukan si Junkyu pero agad namang lumayo si Junkyu sa kanya.

"End mo na nga yang live mo! Mas lalo mo akong pinapahiya e!"

"Trending ka na maya-maya! Ang daming comments o! HAHAHAHAHA!" natatawang sambit ni Junkyu. "Sa mga nanonood, sana nag-enjoy kayo. Tatapusin ko na 'tong live. Yung hashtag ha! #KainLupaChallengeByJihoon! Babye!" sabi niya tapos nag-flying kiss siya tapos ni-end niya na yung live.

Agad naman dito lumapit si Jihoon sa amin at agad siyang uminom ng maraming tubig. Tinawanan lang naman namin siya nung naalala namin yung katarantaduhan na ginawa niya bago lang. Kaya nabulunan naman agad siya.

"Kaibigan ko talaga ka'yo." natatawang sambit niya sa amin.

Inaasar naman ng mga ibang kasama namin si Jihoon at di talaga makamove yun yung iba. Lalong-lalo na si Junkyu na nire-rewatch yung live. Wala kaming magawa kundi tawa lang ng tawa.

Ano kaya lasa ng lupa? Jusko naman. Sino ba naman ang gustong kumain 'non? Kundi earthworms lang naman.

Habang natatawa ako. Nabigla naman ako na biglang may yumakap sa akin sa likod. Agad ko naman siyang tinignan. Napangiti nalang ako nung nakita kong si Big Nose Watanabe yun.

"Mukhang tae si Jihoon-hyung 'no?" natatawa niyang tanong niya sa akin.

"Kayo naman kasi e." natatawa kong sambit sa kanya.

"Kasalanan ko naman kung bakit kumain siya ng lupa. Kasi mahal kita." sabi niya sa akin. Shet naman yan. Korni niya masyado. Pero kinikilig ako.

"Asus naman." react ko.

Bumitaw naman siya sa pagkahawak sa akin at hinawakan niya ako sa kamay ko at ningitian niya ako, "Tara canteen. Gutom ako." natatawa niyang sambit.

Ningitian ko siya, "Sige." sabi ko at sabay naman kaming papunta sa canteen habang mag-kaholding hands kaming dalawa. Shet. >.< Hindi pa kami pero makaasta kami parang kami na.

- - -

boy | harutoWhere stories live. Discover now