14

456 77 12
                                    


KAIRA

Hindi ko na nireplyan yung laki ilong na yun at huminga nalang ako ng malalim. Seryoso ba siya? Puro siya biro. Tsk.

"Oh my god." dinig kong bulong ni Jillian na parang nabibigla.

"Bakit?" tanong namin ni Minhee sa kanya.

"Papapunta si Haruto dito, Kaira." sabi ni Jillian sa dahilan na agad akong kinabahan. "Ano namang gagawin niya dito?" tanong niya.

Hindi ko siya sinagot at mabilis lang akong napatingin kung saan nakatingin si Jillian. Tapos nabigla naman ako sa talagang nakikita ko siyang papalapit sa table namin. Shit? Talaga bang hindi siya nagbibiro? Seseryosohin niya talagang tapunan ako ng chocolate shake?

Pero inaamin ko, mabilis akong kinabahan. Akala ko talaga nagbibiro lang siya.

Halos tumigil ang mundo ko nang nakita kong tumigil na siya sa table namin. Ang sama-sama ng tingin niya sa akin. Kahit kinakabahan ako ng sobra, sinamaan ko din siya ng tingin. May mga estyudante na ding nagbubulungan at nagtitinginan dito kaya parang mas lalo akong kinakabahan.

"Bakit nandito ka?" malamig kong tanong sa kanya.

Nagulat ako na mabilis niyang kinuha ang chocolate shake sa harapan ko. Nanlaki lang naman ang mata ko. Nakita kong sineshake-shake niya yun at unting-unti siyang napapangisi habang sineshake yung chocolate shake ko. Mas lalo lang naman akong kinakabahan.

"Ano na naman ba 'tong eksena na ginagawa mo ha? Wag mong sirain ang araw ko, Watanabe." sabi kong malamig sa kanya.

Narinig kong natawa siya, "Di'ba sabi mo subukan ko? Nandito lang naman ako para malaman mong hindi ako nagbibiro at seryoso ako sa binabalak ko." sagot niya. Tapos nakikita kong binuksan niya yung chocolate shake ko at shinake niya naman.

"Tumigil ka na--"

Pero bago pa matapos ang pagsasalita ko, nagulat ako na agad sumapol sa mukha ko ang chocolate shake sa mukha at sa dibdib ko. Halos napapikit nalang ako sa sobrang lamig. Pero marinig ko na ang daming nagtatawanan na mga estyudante dito.

Hindi ko inaakala na gagawin niya talaga yun sa akin. Nakakainis siya! Nakakabwisit yang Haruto Watanabe na yan!

Unting-unti ko pinunasan ang mukha ko gamit ang kamay ko para maalis yung chocolate shake na tinapon niya sa akin bago lang. Minulat ko naman ang mata ko at tinignan ko siya ng sobrang sama. Pero nakikita ko lang naman na napapangisi siya sa akin.

Dahil hindi ko na mapigilan ang inis ko, tumayo ako, "Gago ka ba?! Bakit mo ginawa yun?!" inis kong tanong sa kanya. "Yung uniform ko, marumi na!"

He smirked, "Wala akong pakialam. Sabi mo namang subukan ko. Dahil obedient ako, sinunod ko." sagot niya.

"Bwisit ka! Sinira mo ang araw ko!" sigaw ko sa kanya.

"Hindi ko naman 'to gagawin sa'yo kung hindi mo lang ako iniinis." angal niya pa.

"Kasalanan ko bang pikon ka?! Nagagalit ka kasi, totoo yun!" sigaw ko sa kanya. Nagbago naman ang reaction ng mukha niya. Parang naiinis na naman siya.

"Anong totoo? Ayaw ko lang naman na inaapi ako na ganon-ganon lang. Lalong-lalo na pinapakialaman mo yung ilong ko. Pwede nang apihin ang ilong nang lahat, basta wag lang sa akin."

Putangina.

Natawa ako, "Bakit ba naiinis ka? Ineexpect mo bang maliit ang ilong mo ha? Wag ka ng umasa, BIG NOSE WATANABE!" sigaw ko sa kanya at nakikita kong namumula na siya sa galit.

"Aba tangina hindi pa ba sapat na tapunan ka ng shake para tumigil--" hindi natapos ang sasabihin niya dahil sa humarang si Minhee sa gitna namin.

"Haruto, tama na. Sumusobra ka na." kalma na pagpigil ni Minhee sa kanya sa dahilan na nabigla si Haruto. "Pati babae pinapatulan mo. Ikaw na nga ang nagsimula at nagpahiya sa kanya. Umalis ka nalang para matapos na. Wag mo nang palalain ang gulo." dagdag niya.

Mukha namang natigilan siya sa sinabi ni Minhee pero unting-unti sumasama ang tingin niya kay Minhee. Ang gulo-gulo niya! Siya naman nagsimula ang lahat ah! Bakit siya pa ang may ganang magalit? Nakakatangina siya sa totoo lang!

"Wag mo akong tawaging Haruto, di tayo close." malamig na sambit niya kay Minhee at nilipat niya ang tingin niya sa akin. Sinamaan ko lang naman siya ng tingin.

"Hindi pa tayo tapos." malamig niyang sambit sakin at ipinagmasdan nalang namin siya na bumabalik sa kaibigan niya.

"BALIW KA!!!" sigaw ko sa kanya nung nakalayo na siya. "Ang baliw non!" naiinis kong sambit.

"Omg Kaira! Ang dumi mo na sa uniform mo. Hindi ka pwedeng pumasok na ganyan ka." natatarantang sambit ni Jillian.

Huminga naman ako ng malalim, "Eh gago naman kasing laki ilong na yun! Nasayang pa yung shake ko at di ko man lang natikman." naiinis na sambit ko.

"Ano bang sabi niya sayo?" tanong ni Minhee sa akin.

"Basta ang dami sa chat. Hindi ko naman inaasahan na totohanin niya yun!" naiinis kong sambit sa kanya.

"Hay nako. Second day pa lang ganito na ang nangyayari sa'yo, Kaira. Hay! Tara nga sa locker room, sasamahan kitang magbihis." sabi ni Jillian. "Hintayin mo nalang kami Minhee. Madali lang naman kami."

Napatango naman si Minhee, "Sige."

Tapos sinamahan na nga ako ni Jillian sa locker room para magbihis ng bagong uniform. Tsk! Di ko aakalain na ganon ang ugali ng Haruto Watanabe na yun! Kasalanan ko bang pikon siya? Sinasabihan niya nga akong pangit pero hindi ko siya ginanyan! Basta bwisit siya!

Araw-araw ko pala siyang makikita so it means araw-araw din akong mabwisit! Waaahhh! Ayaw ko nalang siyang maging kaklase. Ayaw ko nalang siyang makita!

-

boy | harutoWhere stories live. Discover now