23

366 45 21
                                    

Jillian Go
active now

kaira:
jill :( hello good evening

kaira:
HSHSJSJSJSHAJSKAKKSA 😭 bwiset

jillian:
good eve din kaira

jillian:
oh okay ka lang? :(

kaira:
obviously, hindi. naalala ko pa rin yung nangyari kanina sa school.

kaira:
super nagtatampo talaga sa akin si minhee :(

kaira:
kaninang tanghalian, hindi siya sumabay sa atin, kina serim siya sumabay :(

kaira:
di niya man lang ako tinitignan at obvious na iniiwasan niya ako :(

kaira:
kahit gusto ko naman siyang pansinin kanina pero alam ko naman na hindi niya ako papansinin potaena yan :(

kaira:
tapos pag-uwian kanina di'ba jill? magsosorry na sana at magpapaliwanag na sana ako sa kanya.

kaira:
pero leche di niya ako pinapakinggan at iniwan niya na tayo non :(

kaira:
tsaka ngayon, hindi ko alam ang gagawin ko. :(( ayaw kong magtampo siya ng matagal sa akin.

jillian:
kaya nga, di naman natin masisi si minhee syempre pinaghirapan niya yun sayo

jillian:
tas nasayang lang hehe

jillian:
dapat nga kay haruto siya nagagalit ngayon kase hindi mo naman sinasadya? :/

kaira:
oo nga eh bakit sakin siya nagagalit at nagtatampo sakin hmp

kaira:
tanginang big nose watanabe naman kasi yun! nakakabwisit!

kaira:
pero tama naman kasi si minhee, bakit ko hinayaang magpabangga sa kanya.

kaira:
pero basta kasalanan niya kung bakit tanga din siya! 😠😡

jillian:
:((

jillian:
pano yan bes :( di ka pinapansin ni minhee, pati bukas.

jillian:
paano na yan?

kaira:
oo nga

kaira:
kinakabahan ako kasi baka nang dahil sa cupcakes, masisira friendship namin.

kaira:
ayaw ko non huhu 😭😭

kaira:
anong gagawin ko jill 😭 mukhang hindi ako makatulog neto

jillian:
HAHAHAHAHA di naman pwede yun, baka he needs space muna. kasi nga, nagtatampo :((

jillian:
what if chat mo nalang muna? he's active now.

kaira:
chat ko nalang? what if kung hindi niya pansinin? :(

jillian:
hindi kaira ah

jillian:
subukan mo lang

jillian:
malay mo

kaira:
sige sige jill chat ko nalang huhu kinakabahan ako

kaira:
goodluck sakin 😭😭

jillian:
go go kaira! andito lang ako HAHAHAHAHA

jillian:
support!! 💚💚

kaira:
yieeeee thank u so much jillianq! 💜💜


- - -

Kang Minhee
active now

kaira:
uy minhee :( good eve

kaira:
kumain ka na ba? sana naman kumain ka na.

kaira:
kung di pa, kumain ka na. wag palipas.

kaira:
sana okay ka lang kahit nagtatampo ka sakin

kaira:
bestfriend naman :( pansinin mo naman ako. sorry na kasi.

kaira:
talagang di mo ko pinansin at iniiwasan mo ako kanina.

kaira:
sorry na kasi

kaira:
kasalanan ko na kung bat ako nagpabangga ako sa bwisit na yun :(

kaira:
sorry na kung ang tanga ko

kaira:
pansinin mo na kasi ako minhee di ako sanay, sorry na :(

kaira:
ayaw kong tumagal yung pagtampo mo sa akin baka hindi na tayo magkaayos :(

kaira:
bestfriend naman, i'm so very sorry :((
seen by minhee.

kaira:
seen lang ba? wala ka man lang bang sasabihin sa akin?

kaira:
uy :( nakakaasar ka na

kaira:
ang dami kong sinabi sayo tapos seen lang? :(

kaira:
minhee naman alam kong nagtatampo ka ng sobra sakin pero sorry na nga :(

kaira:
notice me :((
seen by minhee.

kaira:
seener ka na talaga ngayon.

kaira:
di mo ba talaga ako papansinin? :( bukas ba iiwasan mo pa din ako?

kaira:
bahala ka nga diyan, yan gusto mo eh.

kaira:
di nalang din kita papansinin bukas kung di mo ako papansinin. mukhang tanga lang ako eh iiwasan mo din naman ako.

kaira:
basta sorry kung nainis kita

kaira:
goodnight bestfriend :(

kaira:
joke lang 😭 hindi ko kaya na hindi ka pansinin | deleted.

minhee:
hindi naman ako naiinis sa'yo, kaira. gusto kita eh | deleted.

minhee:
kay haruto lang naman ako naiinis | deleted.

- - -

boy | harutoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon