56

211 14 0
                                    


KAIRA

"Laro tayo ng truth or dare!"

Nagkatinginan naman kaming lahat sa sinabi ni Jeongwoo. Inaya niya kasi kaming lahat dito at nakapalibot pa kami dito. Yun pala, mag-lalaro lang naman kami ng truth or dare.

"Truth or dare?" nagtatakang tanong ni Asahi at napatango lang naman si Jeongwoo.

"Ano namang nakain mo at nagyaya kang makipag-truth or dare?" tanong sa kanya ni Mashiho.

"Wala lang, just for fun. Wala namang magawa. Ayaw niyo ba?" natatawang tanong ni Jeongwoo.

Nakita naman namin na napapatango yung ibang kasama namin dito kaya napatango nalang din kami ni Jillian, "Sige! Gusto namin yan!" protesta ng ibang boys dito.

"Sige nalang." natatawang sambit ni Jillian.

"Ganito, reminder muna. Wag magpadalos-dalos sa pagpili sa truth at dare. Hindi lang basta-basta yung iuutos at iaamin sa'yo. Lalong-lalo na yung truth ha. Make sure na susundin yung dare or mag-sasabi ka ng totoo sa truth." paalala niya sa amin at nagsireklamo naman yung mga iba dito.

"Ano ba yan! Unfair!" pasigaw na sambit ni Junkyu.

"Kinakabahan na ako." natatawang sambit ni Hyunsuk.

"Grabe naman yan." nagrereklamong sambit ni Jihoon dito.

Mas mahirap yung truth? Jusko. Kinakabahan ako mag-truth. Truth sana ako, pero dare nalang. Mas mahirap daw yung truth so wag nalang. Hehehe.

"Wag na kayong mag-reklamo diyan. Just for fun lang 'to." natatawang sambit ni Jeongwoo. "O ano? Shall we start guys?" tanong niya sa amin.

Tumango naman kaming lahat, "Sige!" sagot naming lahat.

"Paano tayo mag-lalaro niyan? Daisy apple ba?" nagtatakang tanong ni Big Nose Watanabe.

Napailing naman si Jeongwoo at may bigla siyang inilabas na empty bottle, "Spin the bottle. Kung kay nino tatapat yung bote, siya yung pipili ng dare or truth."

"Ha? Paano? So lahat tayo idadare or tatanungin yung taya? Ang dami kaya natin." sabi ni Jillian na katabi ko at napatango naman kaming lahat.

Ang dami kasi namin dito at matatagalan kami kapag lahat-lahat kami magdedare or tatanong.

Tinaas naman ni Jaehyuk ang kanyang kamay at napatingin naman kami sa kanya, "Ganito nalang. Kung sino yung dalawang katabi nung idadare o tatanungin, magbato-bato pick nalang sila. Kung sino yung nanalo don, siya ang magdadare or magtatanungin. Para mas madali. Tsaka yung tapos na sa truth or dare, aalis na hanggang sa kumonti tayo. Gets?"

Tumango naman kaming lahat dito, "Gets!"

"Good idea. Papaikutin ko na 'tong bote ha." sabi ni Jeongwoo at napatango lang naman kaming lahat. Tsaka ipinagmasdan lang naman namin siyang pinaikot ang bote. Agad naman 'tong tumapat kay Mashiho.

"Oyaaahhh Mashihoooooo!" asar ni Junkyu sa kanya.

"Ako na agad? Pambihira naman oh!" mukhang nagrereklamo pa siya ngayon. Ang cute.

"Wag na magreklamo, ano.. truth or dare?" tanong sa kanya ni Doyoung.

"Dare." nakangiting sagot niya.

Nagbato-bato pick naman yung dalawa niyang katabi na sina Junghwan at Yoshi. Tsaka ang nanalo ay si Junghwan.

"Wala ng bawian a? Dare na kita." mukhang nang-aasar na sambit ni Junghwan kay Mashiho at nakita lang naman namin na napatango lang siya, "Super dali neto. Makipagtitigan ka lang kay Jillian ng ten seconds."

boy | harutoWhere stories live. Discover now