Chapter 2

225 16 0
                                    

“HIGH SCHOOL: BATCH 2012”
(The story of love and friendship)

CHAPTER 2:

—JANICE POV—

Nasa Cafeteria na kami ngayon kasama ang new friend namin na si Terrence.

Nang makapili na kami ng pagkain ay agad yun binili ni Aicelle para samin tulad ng ipinangako niyang ililibre niya kami.

At agad narin kami humanap ng mauupuan.

Ang kaninang mahiyain na si Terrence ay nakikipag tawanan narin samin ngayon.

“Mamayang uwian ba, uuwe kana agad Terrence?” tanong ni Marigold kay Terrence.

“Anong oras ba ang uwian natin?” balik na tanong ni Terrence.

“12:30pm.” sagot naman ni Daniel.

“Hindi pa naman agad ako uuwe.” sagot naman ni Terrence.

“So, pwede ka pang sumama samin sa bahay nila Aicelle?” tanong ni Marigold.

“Bahay namin!?” gulat na reaction ni Aicelle.

“Ay oo, sumama ka samin na pumunta sa bahay nila Aicelle. Madalas kasi kami nag mo-movie marathon ay nagfo-food trip sa bahay nila. Don't worry, medyo malapit lang dito sa school yung bahay nila Aicelle.” sabat ko.

“Teka bakit sa bahay namin?!” awat ni Aicelle.

“Alangan naman sa mga bahay namin? Alam mo naman malayo mga bahay namin diba?” sabat ni Daniel.

“Saka, kailan pa tayo nag movie marathon at nag food trip sa bahay? Diba madalas natin yun ginagawa sa bahay nila Marigold kasi marami lagi silang stock na pancit canton?” pagtataka ni Aicelle.

Agad naman kami nagtinginan nila Marigold, Zeddrick at Daniel.

—MARIGOLD POV—

“Bakit ba ang slow mo? Tinutulungan kana nga namin mas mapalit kay Terrence eh.” bulong ko kay Aicelle.

“Hindi ba talaga pwede sa bahay niyo Aicelle?” tanong ni Terrence.

“Ah, p-pwede p-pwedeng.” nauutal na sagot ni Aicelle.

Napansin ko na napailing nalang si Daniel habang natatawa kay Aicelle.

—AICELLE POV—

Aamin ko naman na crush ko nga si Terrence, pero 'di ko naman inakala na ganito magiging ka-supportive mga sister/brother in heart ko.

After nga ng uwian namin ay agad kami nagtungo sa bahay namin. Wala si mommy sa bahay kasi gabi pa siya kung umuwe sa trabaho kaya ako lang mag isa nandoon at ang alaga kong pusa.

Naging masaya naman ang pagpunta namin sa bahay. Pero hindi ko talaga mapigilan na kiligin sa tuwing ngumingiti si Terrence.

<1week later>

—MARIGOLD POV—

“Hindi ka parin ba naamin kay Terrence?” bulong ko kay Aicelle ng tabihan ko siya sa upuan.

“Ano naman ang aaminin ko?” pagtataka ni Aicelle.

“Grabe may amnesia ka?” sarcastic kong pagkakasabi ko.

“Ayaw ko umamin, alam mo naman takot ako sa rejection diba?” sagot naman ni Aicelle.

“Akala ko kasi sa injection ka lang takot.” pang aasar ko.

Agad naman niya ako tinignan ng masama.

“Anong meron?” sabat ni Daniel na kararating lang.

“Wala. May pinag uusapan lang kami ni Aicelle.” sagot ko.

“About kanino?” tanong ni Daniel.

“Girls talk 'to ok? Kaya wag kana makisali.” seryosong pagkakasabi ko.

“Girls talk pala eh sali ako d'yan.” sabat naman ni Janice at agad na umupo sa tabi din ni Aicelle.

“Sige ganyan kayo, kapag nag usap kami ni Zeddrick wag kayo sasali ah.” banta ni Daniel.

“Sus, ano bang bago sa topic niyo ni Zeddrick bukod sa mga kalokohan niyo.” pang aasar ni Janice.

“Eh kesa naman sainyong tatlo, puro kadramahan.” pang aasar naman ni Daniel.

Natawa nalang ako dahil tila parang aso't pusa na naman si Janice at Daniel.

“Away kayo ng away tapos baka sa bandang huli magkatuluyan na kayo niyan.” nakangiting pagkakasabi ko kila Janice at Daniel.

“Oo nga, ngayon ko lang napansin na bagay kayong dalawa ni Daniel, Janice.” sabat ni Aicelle.

“Hoy ikaw Aicelle manahimik ka d'yan ah.” asar na pagkakasabi ni Janice.

Napansin ko naman na tinarayan ni Janice si Daniel. Napangiti nalang si Daniel sa inasta ni Janice.

To be continue...




HIGH SCHOOL: Batch 2012Where stories live. Discover now