Chapter 20

89 7 0
                                    

“HIGH SCHOOL: BATCH 2012”
(The story of love and friendship)

CHAPTER 20:

<March 2013>

—AICELLE POV—

Maaga kaming pumasok anim, ngayon kasi ang final exam namin.

“Daan muna tayo sa Cafeteria. Nagugutom ako, 'di kasi ako nakapag almusal kanina.” saad ni Janice.

“Ako rin eh.” natatawang pagkasabi ni Marigold.

“6:30AM palang naman. 7AM pa ang start ng exam natin. Sige, sa Cafeteria muna tayo.” sabat ni Daniel.

Pagdating sa Cafeteria ay agad kami omorder ng pagkain saka kami humanap ng bakanteng upuan at lamesa.

—JANICE POV—

“Sabi mo 'di ka kumain ng almusal pero bakit Cappuccino lang iniinum mo? May Sandwich naman doon bakit 'di yun ang binili mo. Mabubusog ka ba sa Cappuccino lang?” sermon sakin ni Daniel.

“Umagang umaga nasermonan ka tuloy.” natatawang pagkasabi ni Marigold.

“Sorry na po.” mahinanon na pagkakasabi ko.

Agad naman kinurot ni Daniel ang pisngi ko saka ngumiti sakin.

“Pag nasa New York kana, baka naman puro Cappucino lang laman ng sikmura mo?” sermon muli ni Daniel sakin.

“Grabe concern na concern.” natatawang pagkasabi ni Aicelle.

“Mga 5 to 10years from now kaya. Ano na kaya tayo?” nakangiting tanong ni Zeddrick.

—MARIGOLD POV—

“Sabi nga nila, we don't have any idea what future holds. Pero para sakin, siguro successful na tayo sa mga buhay natin. CEO na siguro ang karamihan satin, pwede naman na si Aicelle at ikaw Zeddrick kung hindi mag asawa na, baka sikat narin na singer dahil sa husay niyo sa pagkanta.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Pero isa lang sigurado ko, baka single ka parin.” pang aasar ni Terrence sakin.

“Janice, iniinum mo pa ba 'tong Cappucino mo? Kasi kung hindi na, may bubuhusan lang ako.” sarcastic na pagkakasabi ko.

“Joke lang ito naman.” natatawang pagkakasabi ni Terrence.

Agad naman kaming nagtawanan.

—DANIEL POV—

“Pero kung ano man ang maging kapalaran natin sa next 5 to 10years sana magkakaibigan parin tayo. At sana, walang makalimut sa pagkakabigan nating anim.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Friends Forever.” nakangiting sabat ni Aicelle.

“Friends Forever ka d'yan, eh kayong apat nga more than friends ang turingan sa isa't isa. Ako ba niloloko niyo?” natatawang pagkakasabi ko.

“Naku Marigold, kapag may nanligaw sayo doon sa France sabihin mo kaagad samin ha. Kasi hindi kami papayag na masaktan ka ng kung sinong lalake lang.” seryosong pagkakasabi ni Daniel.

“Tama si Daniel, dapat sabihin mo kaagad samin.” sabat naman ni Zeddrick.

—TERRENCE POV—

Pagkatapos namin kaumain at tumambay sa Cafeteria ay agad na kaming nagtungo sa classroom.

Nadatnan namin ang mga kaklase namin na pinag uusapan ang tungkol sa JS Prom.

“Buti dumating na kayo. Naku nakaka-excite 'tong sasabihin ko. Sa March 22 na yung JS Prom natin. Kasi sa March 25 daw start na ng practice natin para sa Graduation.” nakangiting pagkakasabi ni Tasha.

“Kanino niyo nalaman?” excited na tanong ni Janice.

“Sa class adviser natin. Dumaan dito si Ma'am kanina sinabi niya yung tungkol sa JS Prom.” sagot ni Bryle.

“Saan gaganapin yung JS Prom natin? Dito ba sa school?” tanong ni Marigold.

“Oo sa Party Hall daw. Catering daw ulit sabi ni Ma'am, then Masquerade daw ang theme natin. 9PM to 12Midnight.” sagot naman ni Tasha.

“OMG nakaka-excite. Masusuot ko na ang dream gown ko.” excited na pagkakasabi ni Aicelle.

—MARIGOLD POV—

Ilang saglit pa ay dumating na ang class adviser namin upang simulan na ang final exam namin.

Tahimik kaming lahat na nagsasagot pero hindi ko alam kung bakit bigla na ako nakaramdam ng lungkot.

Siguro kasi, ito na yung huling exam na sasagutan namin na magkakasama ng mga kaibigan ko.

To be continue...

HIGH SCHOOL: Batch 2012Where stories live. Discover now