Chapter 21

95 8 0
                                    

“HIGH SCHOOL: BATCH 2012”
(The story of love and friendship)

CHAPTER 21:

<2weeks later>

—MARIGOLD POV—

Pauwe na kami ng mga kaibigan ko, bukas na kasi ang Prom namin.

“Saan na lang ba tayo magkikita?” tanong ko.

“Dito nalang sa gate ng school. Susunduin ko muna kasi ang Prom Date ko.” nakangiting pagkakasabi ni Daniel ng tignan niya si Janice.

“Ganun din ako.” sabat naman ni Zeddrick.

“Oh edi kayo na may date.” kunwareng inis na pagkakasabi ko.

“Ayan si Terrence oh, Prom Date mo.” nakangiting pagkakasabi ni Aicelle.

“Tsk. Naku, dibale nalang. Mas gugustuhin ko pa na walang ka-date bukas. Saka hindi naman ako a-attend sa Prom natin ng dahil sa gusto ko ng ka-date. A-attend ako kasi gusto ko kayo makasama.” paliwanag ko.

“Oo nga tama siya.” pag sang ayon ni Terrence at kaagad ko naman siya tinignan.

“Oh, so paano ba yan. Kitakits nalang bukas.” nakangiting pagkakasabi ko saka ako sumakay sa kotse.

<Masquerade Party>

—ZEDDRICK POV—

8PM palang ay sinundo ko na ang Prom Date ko na si Aicelle.

Halos matulala ako kay Aicelle ng bumaba na siya ng hagdan. Sobrang ganda niya.

“Ok lang ba yung suot ko?” malumanay na tanong niya.

“Oo naman. You look so beautiful.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Talaga? Sinasabi mo lang yata yan kasi ako ang Prom Date mo eh.” nagdududang tanong ni Aicelle.

“Hindi ako nagbibiro, totoong napakaganda mo.” seryosong pagkakasabi ko kay Aicelle.

—JANICE POV—

“Janice, bilisan mo na d'yan kanina ka pa iniintay ni Daniel sa sala. Tama na yang pag papaganda dahil maganda kana, mana ka sakin eh.” nakangiting pagkakasabi ni Mommy.

“Oo naman mommy, manang mana ako sayo.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Oh sige na, lumakad na kayo. Mag enjoy kayo sa party niyo.” nakangiting pagkakasabi ni Mommy.

Ngumiti lang ako kay Mommy at agad na akong lumabas ng kwarto ko at pinuntahan si Daniel na nag iintay sala.

“Ano? Tititigan mo na lang ako?” nakangiting tanong ko kay Daniel ng halos isang minuto na yata siyang nakatitig lang sakin.

“Ah, n-napakaga ganda mo.” nauutal na pagkasabi ni Daniel sakin.

“Siyempre ako pa ba?” pagmamayabang ko at agad na tumawa.

—MARIGOLD POV—

8:45PM ay dumating na ako sa school. Malayo palang ay natanaw ko na sila Zeddrick, Aicelle, Janice, Daniel at Terrence sa gate ng school.

Pagbaba ko ng kotse namin ay agad ko silang pinuntahan.

“Wow!” manghang manghang pagkasabi ni Terrence ng makita ako.

“Grabe Marigold, ang ganda mo.” nakangiting pagkakasabi ni Aicelle.

“Ay sure win na 'to, si Marigold ang tatanghalin na Prom Queen mamaya.” nakangiting pagkakasabi ni Janice.

“I agree.” sabat naman ni Daniel.

“Eh sino yung King niya?” tanong ni Zeddrick.

Agad naman kami nagkatinginan.

“A queen don't need a king to rule the world.” seryosong pagkakasabi ko pero bigla rin akong tumawa.

Ilang saglit pa ay nagsimula na kami lumakad sa Red Carpet mula sa gate ng school patungo sa Party Hall.

—RUZZEL POV—

Kasalukuyan na kami nasa loob ng Party Hall, ng biglang bumukas ang pintuan. Agad kong nasilayan ang napakagandang mukha ng isang babae suot ang kanyang white/pink gown. Ang babaeng yun ay walang iba kundi si Marigold, ang babaeng matagal ko ng lihim na minamahal.

“Lapitan mo na kasi 'tol, baka maunahan ka pa ng iba.” sambit ni Andrew.

—MARIGOLD POV—

Matapos akong maisayaw nila Zeddrick, Terrence at Daniel ay naupo muna ako sa upuan ko.

“Bakit nakaupo ka d'yan? Tara let's enjoy.” sambit ni Aicelle.

“Sige lang, enjoy muna kayo. Mauupo muna ako.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Sure ka?” malumanay na tanong ni Janice.

Ngumiti lang ako sakanya saka tumango.

Masaya naman ako habang pinagmamasdan ang mga kaibigan ko na nagsasayaw kasama ang kaniya kaniya nilang mga Prom Date.

Sa 'di kalayuan ay nakita ko rin si Terrence na kasayaw si Kate.

Ilang saglit pa ay may lalakeng lumapit sakin. Hindi ko siya mamukaan dahil sa suot niyang Mask, Masquared kasi ang theme ng Prom namin.

“Pwede ba kitang maisayaw, magandang binibini?” nakangiting tanong niya saka inilatag sakin ang kanang kamay niya habang ang kaliwa naman ay nasa likod niya.

Agad naman ako napalingon sa likod ko sa pag aakalang ang nasa likod ko ang kausap niya. Pero wala naman tao sa likod, kaya agad akong bumalik ng tingin sakanya.

“Ako ba ang kinakausap mo?” seryosong tanong ko.

“May iba pa pang magandang binibini dito bukod sayo?” seryoso niyang tanong.

Wala naman masama kung makikipag sayaw ako sa taong 'di ko kilala. Isa pa, ang bilin samin ay wag kaming tatangi sa gustong makipag samin.

Agad akong ngumiti saka inabot ang kamay ko sakanya.

Inalalayan niya nga ako papunta sa gitna at doon ay nagsayaw kami sa saliw ng mabagal na musika.

Maya maya pa ay tinanggal na niya ang suot niyang mask.

“I-ikaw? Ikaw yung. Y-Yung Christmas Party, hindi ba?” nauutal kong pagkakasabi dahil hindi ako makapaniwala.

“Ako nga. Akala ko nakalimutan mo na ako.” nakangiting sagot niya.

Tinanggal ko narin ang mask kong suot ng mga sandaling yun.

“How can I forget you?” nakangiting tanong ko.

“Oo nga pala, ano nga palang pangalan mo?” tanong kong muli.

“R...Ruzzel.” nakangiting sagot niya.

“Ruzzel? Don't tell me sayo galing yung------”

“Oo sakin nga.” nakangiting pagkakasabi niya.

To be continue..

HIGH SCHOOL: Batch 2012Where stories live. Discover now