Chapter 9

96 11 0
                                    

"HIGH SCHOOL: BATCH 2012"
(The story of love and friendship)

CHAPTER 9:

-ZEDDRICK POV-

Kinabukasan ay masaya kaming pumasok sa school. Masaya rin kaming sinalubong ng mga classmate namin lalo na si Dexter na tinulungan namin.

"Ayan na pala yung 2012 Talent Competition Winner eh." sigaw ng isa namin kaklase.

Sabay sabay naman kami na ngumiti.

-JANICE POV-

"Aicelle, samahan niyo 'ko ni Marigold na magpunta sa locker room." sambit ko.

"Sure." nakangiting sagot naman ni Marigold.

"Bakit sila lang niyaya mo? Ayaw mo kami yayain ni Zeddrick?" sabat ni Daniel.

"Bakit sasama pa kayo? Eh sa locker lang naman kami pupunta." pagtataka ko.

"Hayaan mo na sila pre, may girls talk na naman yang tatlong yan. Puro kadramahan." sabat ni Zeddrick.

Agad ko naman tinarayan si Zeddrick pagkatapos ay agad nadin kaming lumabas ng classroom nila Aicelle at Marigold.

-MARIGOLD POV-

Naglalakad na kami sa pasilyo ng bigla kami harangin ni Kate at ng alagad niya na mukhang clown dahil sa kapal ng blush on.

"Congrats, ang galing niyong mandaya kagabi sa competition. Napaniwala niyo yung mga Judges na deserving kayong manalo." mataray na pagkakasabi ni Kate.

"Nagagalit ka ba kasi palpak ang plano mo at ng mga alipores mo kagabi?" sarcastic kong pagkakasabi.

"Anong ibig mong sabihin?" gulat na reaction ni Kate dahil sa sinabi ko.

"Oh bakit parang nagulat ka? Akala mo ba hindi ko malalaman na pinlano niyo na itago ang CD na dapat gagamitin namin sa performance namin kagabi?" mataray na pagkakasabi ko.

"Wag mo 'kong pagbintangan." matapang na pagkakasabi ni Kate.

"Hindi kita pinagbibintangan, dahil totoo ang sinasabi ko. Dahil mismong ang incharge sa sound system ang nagsabi sakin kagabi." mataray na pagkakasabi ko.

"Grabe Kate, gagawin mo nga talaga lahat para matalo kami kahit sa madayang pamamaraan. Pero mukhang failed ang plano mo, kasi kami parin ang nanalo." sabat naman ni Janice.

-DANIEL POV-

"Kanina pa umalis para pumunta sila Janice sa locker room pero hindi parin sila nabalik." salaysay ko.

"Baka dumiretso na sa Cafeteria yung mga yun." sagot naman ni Zeddrick.

-AICELLE POV-

"Hayaan mo na sila Kate, ang importante masaya kayo ni Terrence sa relasyon niyo." mataray na pagkakasabi ni Cyrille habang nakatingin sakin, ako yata ang pinaparinggan ng babaeng 'to.

Ilang saglit pa ay umalis narin sila Kate.

"Wag mo intindihin yung sinabi ni Cyrille nang aasar lang yun." seryosong pagkakasabi ni Janice.

"Don't worry, hindi naman ako affected." nakangiting pagkakasabi ko.

Pabalik na kami galing sa locker room ng masalubong namin si Terrence at mga tropa niya.

"Congrats sainyo. Napanood ko yung performance niyo kagabi. Ang galing niyo, lalo kana Aicelle." nakangiting pagkakasabi ni Terrence habang nakatitig sakin.

"Thank you. Sige, mauna na kami." seryosong sagot ko saka agad na umalis.

<Section Daisy>

-KATE POV-

"Bwiset talagang Marigold na yan napakayabang porket sila yung nanalo eh nandaya lang naman sila kaya sila nanalo. Tapos pagbibintangan pa ako na ako yung nagtago ng CD nila." inis na pagkakasabi ko.

"Totoo naman yung sinabi ni Marigold diba? Ikaw naman talaga yung nagtago ng CD eh." sabat ni Xyra.

"Anong sabi mo!?" galit na pagkakasabi ko sabay hila sa buhok ni Xyra.

"Uy girl tama na yan, nasasaktan na si Xyra." awat ni Cyrille.

"Mas grabe pa ang sakit na mararamdaman ng babaeng 'to kung hindi niya ititikom ang bibig niya." nanggigil na pagkakasabi ko saka tinulak si Xyra.

"Totoo ba ang narinig ko? Tinago mo ang CD na dapat gagamitin nila Aicelle para matalo sila?" sabat ni Terrence na kararating ka lang.

Agad naman kami nagkatinginan nila Xyra at Cyrille.

"Naku Terrence, mali ka ng pagkakaintindi. Hindi tinago ni Kate ang CD nila Aicelle." pagsisinungaling ni Cyrille.

"Pwede ba Cyrille, wag mo na pagtakpan yung kaibigan mo. Hindi ako bingi, rinig na rinig ko ang sinabi ni Xyra." galit na pagkakasabi ni Terrence.

"Terrence, let me explain please." pakiusap ko kay Terrence pero agad siyang umalis.

<Section Sampaguita>

-MARIGOLD POV-

"Saan kayo galing? Ang tagal niyo." agad na tanong ni Daniel.

"Sorry po daddy, nagpunta lang po kami sa locker room natagalan po kami daddy kasi may mga asungot kaming nakasalubong." pagbi-baby talk ko.

"Asungot? Sinong asungot?" pagtataka ni Zeddrick.

"Sino pa ba, edi sila Kate." sabat naman ni Janice.

"Ano naman sinabi ng Kate na yun sainyo?" seryosong tanong ni Daniel.

"Wala naman, hindi lang nila matanggap ang pagkatalo nila." seryosong sagot ko.

"Karma lang nila yun dahil sa plano nilang pandadaya satin." nakangising sagot ni Zeddrick.

-JANICE POV-

"Sinaktan ka ba nila Janice?" pag aalala ni Daniel at agad na lumapit sakin.

"Ang OA mo, 'di bagay sayo." inis na pagkakasabi ko at saka umupo sa upuan ko.

"Sabado bukas, anong plano natin?" tanong ni Aicelle.

Agad naman ako napatingin kay Marigold.

"Oh bakit ka sakin nakatingin?" seryosong tanong ni Marigold.

"Food trip tayo sa inyo bukas." nakangiting pagkakasabi ko.

"Bakit ba lagi nalang sa bahay. Kila Aicelle naman." kunware naiinis na pagkasabi ni Marigold.

"Marami kasing pagkain sainyo, kaya gustong gusto ni Janice. Diba, Janice?" pang aasar ni Daniel.

"Manahimik ka d'yan Daniel, hindi ikaw kausap ko." mataray na pagkakasabi ko.

"Hindi naman kayo naghuhugas ng plato sa bahay pag nagpupunta kayo eh." nakangising pagkakasabi ni Marigold.

"Sino kaya yun? Ay Si Daniel, inaasa sa mga kasambahay nila Marigold yung paghuhuhas ng plato." sabat ni Zeddrick.

"Eh mismong kasambahay niyo na nagsabi na sila daw maghuhugas eh." depensa naman ni Daniel.

-ZEDDRICK POV-

"Bakit natahimik ka?" bulong ko ko kay Aicelle.

"Huh? Wala." sagot ni Aicelle.

"Nakita ko na nakasalubong niyo si Terrence kanina, anong sinabi niya sayo?" seryosong tanong ko.

"Sakin? Wala naman. Bumati lang siya sa pagkapanalo natin kagabi. Yun lang, bakit mo naitanong?" sagot naman Aicelle.

"Ah wala naman naitanong ko lang." sagot ko at ngumiti lang kay Aicelle.

"Oh! kayong dalawa d'yan? Ano, bakit parang may sarili kayong mundo? Ambagan daw tayo sa pagkain para bukas." sabat ni Janice.

"Magkano ba?" tanong ni Aicelle.

"250pesos." sagot naman ni Marigold.

"Sige game. Wait lang kunin ko lang yung wallet ko." saad naman ni Aicelle at agad na nagpunta sa upuan niya.

To be continue...

HIGH SCHOOL: Batch 2012Where stories live. Discover now