Chapter 8

93 12 0
                                    

“HIGH SCHOOL: BATCH 2012”
(The story of love and friendship)

CHAPTER 8:

<Talent Competition: Final Round>

—MARIGOLD POV—

Pasado alas-syete na ng gabi, bago magsimula ang nasabing Talent Competition ay pinag-pray over muna kami ng class adviser namin sa backstage.

Ayon sa nabunot namin na number noong nagpalista kami ay mauuna samin ang section nila Kate, bago kami.

Kasalukuyan na silang nasa stage ngayon at nagpe-perform.

“Wag kayo kabahan. Nandito kami para suportahan kayo. Nalaman kasi namin kung anong plano niyo sa prize ng mananalo ay natuwa talaga kami.” nakangiting pagkakasabi ni Elizabeth mula sa section ng Tulip.

“Maraming salamat.” nakangiting pagkakasabi ko.

—JANICE POV—

“And the last but definitely not the least, ang kabilang sa final round mula sa 1st section, ang representative ng section Sampaguita. Please come on stage Marigold Dollente, Zeddrick Gonzales, Daniel Reyes, Janice Santiago at Aicelle De Vera.” — MC

Narinig naman namin ang palakpakan ng lahat ng nanonood. Nakita rin namin ang pa-banner ng mga classmate namin at ang section Tulip para i-cheer kami.

Nang magsisimula na kami ay may bigla lumapit samin na incharge sa sound system. Nawawala daw ang CD namin na siyang gagamitin namin sa sayaw.

<Section Daisy>

—KATE POV—

“Mukhang effective yata ang plano mo Kate.” nakangiting pagkakasabi ni Xyra sakin.

“Ako pa ba? Hindi na ako mapapayag na matalo pa ako nila Marigold. Masyado silang mayabang, ngayon tignan natin kung hanggang saan ang yabang nila.” mataray na pagkakasabi ko.

<Section Sampaguita>

—MARIGOLD POV—

“Hindi pwedeng hindi tayo makapag perform.” sambit ko at agad kami nagtinginan lima.

“Wala! Bumaba na kayo d'yan. Talo na kayo!” rinig na sigaw namin ng ibang estudyante.

“May naisip na ako.” biglang sambit ko.

Agad akong bumaba ng stage at nanghiram ng limang microphone sa operator ng sound system agad naman kaming pinahiram.

“Ano gagawin nila?” bulong bulungan ng mga estudyante.

Nang makabalik na ako sa stage ay agad ko binigay ang Microphone sa mga kaibigan ko para mag tig-isa kami.

Pag bilang namin ng tatlo ay agad namin sinimulan ang performance namin.

Halos mapanganga ang lahat ng nanononood samin ng bigla kaming kumanta at sumayaw habang si Daniel naman ay nag rap.

Gumawa naman ng beat ang mga classmates namin para kahit papano ay magkaroon ng background ang performance namin.

Rinig na rinig ang hiyawan at palakpakan ng lahat ng nanonood maging ang mga teacher.

Mas lalo pa umingay ang buong paligid ng mag high notes si Aicelle.

Bago matapos ang performance namin ay may bigla nagkaroon ng fireworks display sa kalangitan. Nakita ko naman si Elizabeth (from section Tulip) na ngumiti at nag thumbs-up samin.

“Grabe. That's so amazing. Palakpakan natin ang section Sampaguita.” nakangiting pagkakasabi ng MC.

—ZEDDRICK POV—

Kabado kami ng gabing yun, hindi namin  alam kung mananalo ba kami dahil halos lahat ng nauna samin ay magagaling din.

Hanggang sa dumating na ang pinaka iintay na announce ng lahat.

“So, ito ang result ng mga winners. Salamat sa ating mga Judges na sobrang nahirapan mamimili ng mga mananalo dahil sobrang gagaling talaga.” — MC 1.

“Tama ka d'yan partner. Simulan natin sa 2nd runner up. Nakakuha ng over all score na 93.7%, mula sa section..........Orchids. Congratiolations!” masayang pag announce ng MC 2.

Agad naman umakyat sa stage ang section Orchids para sa Trophy at prize nila.

—MARIGOLD POV—

“Nanlalamig ka?” nakangiting tanong ni Daniel sakin ng hawakan niya ang kamay ko.

“Kinakabahan lang ako. Paano kapag hindi tayo nanalo? Paano ang ipinangako natin kay Dexter?” seryosong pagkakasabi ko.

“Wag kang kabahan. Manalo o matalo, at least ginawa natin ang best natin.” nakangiting pagkakasabi ni Janice sakin.

“Tama si Janice.” nakangiting pagkakasabi naman ni Aicelle sakin.

Agad naman ako inakbayan ni Zeddrick.

“At ang nakakuha naman ng 94.4%, mula sa section..........Sunflower. Congratulations!” masayang pagkakasabi ni MC 1.

Agad naman umakyat ang section Sunflower sa stage to claim their Trophy at prize.

“At ang pinakaiintay ng lahat. Ang 2012 Talent Competition Winner to be receive 100,000 pesos at Trophy. Nakakuha ng 98.9%, 2012 Talent Competition Winner is from section..........”

—JANICE POV—

Magkakahawak na ang kamay naming lima ng i-announced na ang winner. Sobrang kabado kami. Wala kaming ibang naririnig kundi ang mabilis na tibok ng puso namin dahil sa kaba.

“2012 Talent Competition Winner is from section Sampaguita! Congratulations!” masayang pag announce ng MC.

Tila nabunutan kami ng tinik sa dibdib ng marinig na namin kung sino ang winner. Yun ay ang section namin.

Naiyak nalang kaming lima dahil sa sobrang saya. Nakita namin ang saya sa mga labi ng mga classmates namin maging ang section na sumoporta samin, ang section Tulip. Sobrang saya din maging ang class adviser namin at ang ibang estudyante na nanood.

—AICELLE POV—

Agad kaming umakyat sa stage matapos i-announce ng MC na kami ang nanalo.

Masaya namin tinanggap ang aming tropeyo at ang price namin na 100K.

Binigay naman namin kay Marigold ang Microphone para sa acceptance speech.

—MARIGOLD POV—

“First of all, we want to thank God for giving us strenght na mapagtagumpayan ang competition na ito. Second ay ang aming class adviser, mga ka-klase at ang section Tulip na sinuportahan din kami and lastly, thank you sa mga kaibigan ko. Section Sampaguita we did it.” masaya kong pagkakasabi habang nanggigilid sa mata ko ang luha at agad ko tinaas ang Trophy na na-recieved namin.

“Masyadong malaki ang 100K, anong plano niyo sa prize na natanggap niyo? Magpapakain ba kayo sa buong section ng 4th year?” tanong ng isa sa mga Judge samin.

“About po sa price, napagkasunduan ng section Sampaguita na ibibigay namin ito sa isa naming kaklase para pagpapagamot ng daddy niya.” nakangiti kong pagkakasabi.

Sobrang na-amazed naman ang mga Judge at muli kami pinalakpakan maging ng mga estudyante.

To be continue...


HIGH SCHOOL: Batch 2012Where stories live. Discover now