Chapter 13

96 7 0
                                    

“HIGH SCHOOL: BATCH 2012”
(The story of love and friendship)

CHAPTER 13:

—MARIGOLD POV—

Lumipas ang tatlong linggo pero hindi parin pinapansin ni Aicelle si Zeddrick.

Nakakapanibago ang tatlong linggo na halos tahimik lang kami sa room, hindi rin sabay sabay kung mag breaktime, sa uwian naman ay nauuna si Aicelle na umuwe samin.

Mas madalas narin kausap ni Aicelle si Terrence. Nakikita ko rin sa mga mata ni Zeddrick na sobrang nasasaktan siya.

Breaktime na namin, magkasamang nagbreaktime sila Terrence at Aicelle sa Cafeteria.

“Hanggang kailan kayo magiging ganito ni Aicelle?” seryosong tanong ko kay Zeddrick.

“Hindi ko alam. Pero siguro malabo ng magka-ayos pa kami ni Aicelle. Napansin niyo naman na halos tatlong linggo na niya akong hindi kinakausap man lang.” malungkot na pagkakasabi ni Zeddrick.

“Ikaw naman kasi, bakit mo naman kasi ginawa yun? Bakit ka nagsinungaling saming lahat? Nagalit pa kami kay Terrence dahil bigla nalang siya nagbago at iniwasan si Aicelle tapos ikaw pala may pakana non. Paano na kaya ng konsensya mo na makitang halos madudurog ang puso ni Aicelle sa sakit ng malaman niya na boyfriend na ni Kate si Terrence tapos kasabwat mo pala si Kate. Para lang ano? Masira kung anong meron sila Aicelle at Terrence?” sabat naman ni Janice.

“Eh kasi nga mahal ni Zeddrick si Aicelle, nagseselos siya kila Aicelle at Terrence noon.” sabat naman ni Daniel na tila kampi kay Zeddrick.

“Pero may mali parin si Zeddrick.” sambit ko naman.

“Alam ko naman na may mali akong nagawa. Kaya nga naisip ko narin na, magtransfer nalang ng ibang school. Para hindi na ako masaktan sa tuwing nakikitang magkasama sila Terrence at Aicelle at para hindi ko narin masaktan pa si Aicelle.” malungkot na pagkakasabi ni Zeddrick.

“Magta-transfer ka? Eh November na next week. Sem-break na nga natin bukas eh tapos magta-transfer ka pa?” sabat naman ni Janice.

“Kahit naman mag transfer ka, kung galit si Aicelle sayo walang magbabago doon. Ang gawin mo mag isip ka ng paraan para magka-ayos kayo.” advise ko.

“Tama si Marigold pre, hindi sagot ang paglipat ng ibang school para lang mawala ang galit sa puso ni Aicelle sayo. Dahil lalo mo lang nilalayo ang sarili mo sakanya. Lalo mo lang siyang ipina-uubaya sa iba.” pag sang ayon naman ni Daniel.

Tila nakaisip yata si Zeddrick kaya hindi na siya nagsalita pa.

—ZEDDRICK POV—

Nang mag uwian na ay agad akong lumapit kay Aicelle saka siya hinila palabas ng classroom.

“Ano ba Zeddrick bitawan mo 'ko.” inis na pagkakasabi ni Aicelle sakin.

Pero hindi ko siya binitawan hanggang sa marating namin ang mini-garden sa gilid ng school building namin.

“Ano bang problema mo? Bakit mo 'ko dinala dito?” inis niyang pagkakasabi muli.

“Aicelle sorry. Sorry sa nagawa ko, sorry kung nasaktan kita at nagsinungaling ako sayo. Sorry kong niloko kita.” magkakasunod na paghingi ko ng tawad.

“Hindi ko kailangan ng sorry mo Zeddrick. Hindi ko kailangan ng sorry mula sa kaibigan na tinraydor ako at pinagmukha akong tanga.” galit na pagkakasabi ni Aicelle.

—AICELLE POV—

“Hindi ko naman sinasadya na gawin yun. Nagawa ko lang yun kasi------”

“Kasi ano? Kasi naiingit ka kay Terrence? Nagseselos ka dahil sobrang close kami noon? Ganun ba yun? Kaya pati si Kate kinotsaba mo? Ang laki ng tiwala ko sayo Zeddrick, pero dahil sa ginawa mo unting unti na yun nawawala.” seryoso kong pagkakasabi.

Paalis na sana ako ng muli magsalita si Zeddrick.

“Nagawa ko yun kasi Mahal kita Aicelle. Ayaw kitang mapunta sa iba kaya nakagawa ako ng maling desisyon.” seryosong pagkakasabi ni Zeddrick kaya agad ako napatigil sa paghakbang at agad na napalingon sakanya.

“Anong sinabi mo?” pag uulit ko.

Agad naman humakbang si Zeddrick palapit sakin.

“Ang sabi ko mahal kita. Mahal kita higit pa sa isang kaibigan.” seryosong pagkakasabi ni Zeddrick sakin.

“Sayo nalang yang pagmamahal mo. Hindi ko kailangan ng ganyang klaseng pagmamahal.” seryosong pagkakasabi ko saka umalis.

—DANIEL POV—

“Sa tingin niyo, nagka-ayos na kaya sila Aicelle at Zeddrick?” tanong ko kila Janice at Marigold.

“Sana.” tipid na sagot ni Marigold.

“Ayan na pala si Aicelle, papalapit na dito.” sabat naman ni Janice.

“Hi Aicelle, nga pala bag mo.” nakangiting pagkakasabi ko.

Hindi kumibo si Aicelle at kaagad lang na kinuha ang bag niya saka ito umalis.

“Aicelle!” sigaw ni Marigold pero tila nagbingi-bingihan si Aicelle at nagtuloy tuloy lang sa paglakad.

“Mukhang hindi ok ang pag uusap nila.” saad ni Janice.

At agad naman kami nagkatinginan.

Paglabas namin ng gate ay nakita pa namin si Zeddrick na nakatayo sa gilid.

“Akala namin pre umuwe kana. Musta pala pag uusap niyo ni Aicelle.” agad na tanong ko.

“Inamin ko na sakanya yung totoong dahilan kung bakit ko nagawa yun pero parang mas lalo lang siya nagalit sakin.” seryosong pagkakasabi ni Zeddrick.

“Sem-break na natin bukas. Sana after sem-break magka-ayos na kayo ni Aicelle.” sabat naman ni Janice.

“Don't worry, susubukan ko makausap si Aicelle para maliwanagan siya.” sabat naman ni Marigold.

—MARIGOLD POV—

Pag ka-uwe ko sa bahay ay agad kong tinawagan si Aicelle pero hindi niya sinasagot ang tawag ko.

Kaya naisip ko nalang na puntahan siya sa bahay nila.

—AICELLE POV—

“Mam Aicelle, may bisita po kayo.” bungad ng Yaya ko ng pumasok siya sa kwarto ko.

“Sino yaya?” tanong ko.

“Si Mam Marigold po, yung kaibigan mo. Nasa sala siya, iniintay ka.” sagot ni Yaya.

Agad nga akong lumabas ng kwarto ko, bumaba ng hagdan at tinungo ang sala kung saan nakita ko si Marigold na nakaupo sa sofa.

“Hi.” nakangiting bati niya sakin.

“Kung nagpunta ka dito para kausapin ako tungkol kay Zeddrick nagsasayang ka lang ng oras mo Marigold. Ayaw kong pag usapan si Zeddrick.” seryosong pagkakasabi ko.

“Ikaw naman high blood agad. Naiintindihan ko naman na galit ka kay Zeddrick dahil sa nalaman mo. Pero hindi ako nandito para pag usapan siya. I came here, kasi namimiss ko yung dating Aicelle. Simula kasi ng iniwasan mo si Zeddrick parang nagsimula kana rin na iwasan kami nila Janice at Daniel. Pati ba samin galit ka? Hindi kana samin sumasabay sa Cafeteria kapag breaktime, hindi kana rin sumasabay sa uwian at hindi kana rin nakikipag usap samin. Nakakapanibago.” salaysay ni Marigold.

“Pasensya na kung pati kayo ni Janice nadadamay sa galit ko kay Zeddrick. Hindi ko kasi lubos maisip na magkakaibigan tayo simula 1st year high school pero bakit kailangan ako lokohin ng isa sa mga kaibigan natin? Kayo mismo ang nagturo sakin na iwasan kayo. Aaminin ko, nawawalan narin ako ng gana makipag usap pa sainyo kaya ko kayo iniiwasan. Pakiramdam ko kasi, lolokohin niyo rin ako.” sambit ko habang nanggigilid sa mga mata ko ang luha.

“Aicelle-----”

“Makakaalis kana.” seryosong pagkakasabi ko kay Marigold.

Hindi narin nagsalita pa si Marigold at agad narin siyang umalis.

To be continue....


HIGH SCHOOL: Batch 2012Where stories live. Discover now