Chapter 3

148 15 0
                                    

“HIGH SCHOOL: BATCH 2012”
(The story of love and friendship)

CHAPTER 3:

<2weeks later>

—JANICE POV—

Sa nakalipas na dalawang linggo ay napansin namin na parang hindi na madalas samin sumama si Terrence.

Nakakausap naman namin siya, pero madalas ay naka-earphone nalang siya at parang ayaw kami kausap.

“Aicelle, bakit parang hindi na satin masyado sumasama si Terrence?” seryosong tanong ni Zeddrick kay Aicelle.

“I dunno. Hindi niya na nga rin ako masyadong kinakausap kahit katabi ko siya eh.” malungkot na pagkakasabi ni Aicelle.

Ilang saglit pa sa 'di kalayuan ay natanaw namin si Terrence na may ibang kasama kung 'di ako nagkakamali, mga estudyante mula section Daisy ang mga kasama ni Terrence.

Ang mga estudyante ng section Daisy ang madalas namin ka-kompetensya sa lahat ng contest sa school mula noong 3rd year pa lang kami.

“Mukhang may mga bagong kaibigan na yata si Terrence.” seryosong pagkakasabi ni Daniel.

“Mukha nga.” seryosong sagot ni Marigold.

“Hayaan niyo nga siya, wala parin naman nagbago sa friendship nating lima kahit humanap siya ng bagong kaibigan diba?” sagot ko.

“Buti naman kahit papano may nasabi kang tama, Janice.” pang aasar sakin ni Daniel.

“Umagang umaga wala ka ba talagang magawa sa buhay mo Daniel?” inis na pagkakasabi ko at agad na tinarayan si Daniel.

“Umagang umaga para na naman ba kayong aso't pusa?” sabat ni Aicelle kaya tumahimik na ako.

—DANIEL POV—

Nang mapansin ko na tila nakasimangot na ang maamong mukha ni Janice ay tumigil na ako sa pang aasar sakanya.

Maya maya pa ay dumaan sa harapan namin si Terrence. Pero para kaming hangin sakanya.

Hindi niya man lang kami binati o ngumiti man lang samin. Basta dire-diretso siyang pumasok sa classroom.

Napansin ko naman si Aicelle na hinabol pa ng tingin si Terrence bago ito makapasok sa classroom.

“Tara, sa Cafeteria muna tayo.” anyaya ni Aicelle.

“Bakit? Manlilibre ka?” nakangiting tanong ko.

“Basta tig worth 50pesos lang bawat isa sainyo ha. Hindi pa ako nabibigyan ng allowance ni Mommy.” sagot naman ni Aicelle.

“Nabuhay kana lang talaga sa libre? Wala ka bang pera? 1,000 binibigay sayo ni Tita kada araw tapos aasa ka lang sa libre?” sarcastic na pagkakasabi sakin ni Janice.

“Oh ano mag aaway na naman kayo?” sabat ni Zeddrick.

—MARIGOLD POV—

Natatawa nalang talaga ako sa tuwing nag aasaran sila Daniel at Janice. Para kasi silang aso't pusa na ayaw magpatalo sa isa't isa.

Agad nga kami nagpunta sa Cafeteria tulad ng gusto ni Aicelle.

“Kate sino yung gwapong lalakeng kausap mo kanina?” rinig kong tanong ng isang babae kay Kate, taga section Daisy.

“Ah yun, si Terrence yun. Yung transferee na taga section Sampaguita.” nakangiting pagkakasabi ni Kate sa kausap niya.

“Gwapo niya ah, pakilala mo naman kami. Teka, manliligaw mo ba yun?” tanong muli ng babae.

“Parang ganun na nga.” nakangiting sagot ni Kate.

Napansin ko ang tila pagbabago sa mukha ni Aicelle ng marinig niya ang usapan ng nila Kate.

“Ok ka lang?” may pag aalalang tanong ni Zeddrick kay Aicelle.

Hindi nagsalita si Aicelle pero tumango lang ito.

Agad naman kaming nagkatinginan apat. Ramdam namin ang lungkot at selos sa mga mata ni Aicelle kahit hindi siya magsalita o kahit hindi niya ito aminin samin.

Nang makabili na kami ng pagkain ay agad din kaming bumalik sa classroom.

Pero imbes na maupo siya sa tabi ni Terrence ay lumipat siya ng upuan malapit samin ni Janice.

Wala pa kaming teacher ng mga oras na yun kaya agad namin siyang nilapitan.

“Totoo bang ok ka lang? Kasi sa nakikita namin sayo hindi ka ok. Dahil ba 'to sa narinig mo kanina?” mahinanon na tanong ko.

Hindi nagsalita si Aicelle at yumakap nalang sakin.

“Hayaan mo na yang Terrence na yan, mas gwapo pa nga ako d'yan eh.” mahinang pagkakasabi ni Zeddrick.

“Wag kana malungkot. Alam mo naman ayaw namin na nalulungkot ka diba?” nakangiting pagkakasabi ni Janice.

To be continue...

HIGH SCHOOL: Batch 2012Where stories live. Discover now