Chapter 17

91 4 0
                                    

“HIGH SCHOOL: BATCH 2012”
(The story of love and friendship)

CHAPTER 17:

—AICELLE POV—

~Last Christmas I gave you my heart but the very next day you gave it away~
~ This year to save me from tears I give it to someone special~

Naka-upo na kami sa naka-assign samin na round table.

Maingay na ang paligid dahil sa pinapatugtog na Christmas songs.

Napansin ko naman na palinga linga si Marigold sa paligid na para pang may hinahanap siya.

“Hinahanap niya yung lalake kanina.” nakangiting pang aasar ko kay Marigold.

“Hindi 'no.” agad na sagot ni Marigold.

“Ano ba kasi pangalan ng lalakeng yun? Para makilatis naming tatlo nila Daniel at Terrence. Baka kasi saktan ka ng lalakeng yun.” seryosong tanong ni Zeddrick.

“Hindi ko alam. Saka ang OA mo, makilatis agad? Hindi naman nanliligaw yung tao.” sarcastic na pagkakasabi ni Marigold.

“Paano kapag nanligaw?” nakangising sabat ni Terrence.

Bahagya naman natahimik si Marigold sa tanong ni Terrence sakanya.

—JANICE POV—

“Ladies and Gentleman, magsisimula na po ang ating Christmas party.” — MC

“Siyempre hindi mawawala ang sikat na Parlor Games. Tulad ng Paper Dance, The Boat is Sinking, Trip to Jerusalem at marami pang iba. Excited na ba kayo?” energetic na pagkasabi ng pangalawang MC.

“Sali tayo sa mga games.” excited na pagkakasabi ko.

“Oo naman, expert kaya ako sa Trip to Jerusalem.” pagmamayabang ni Terrence agad naman siya tinignan ng masama ni Marigold kaya nagtawanan kami.

—ZEDDRICK POV—

“So ang first game natin ay ang paper dance. May mga news paper d'yan sa gilid kunin niyo na at humanap na kayo ng mga partner niyo. At sa mananalo kada section, syempre may prize kayo. Sa mga single d'yan sorry nalang, talo na kayo. Joke.” natatawang pagkasabi ng MC.

Agad kong hinawakan ang kamay ni Aicelle at kaagad naman siyang tumingin sakin at ngumiti.

—MARIGOLD POV—

Matapos sabihin yun ng MC ay agad lumapit sakin si Terrence hawak ang News Paper.

“Ipapanalo natin 'to.” nakangiting pagkakasabi ni Terrence sakin.

“Pag tayo natalo, babatukan talaga kita.” banta ko pero agad din naman ako ngumiti.

—DANIEL POV—

Habang tumatagal nga ay paliit ng paliit ang news paper na tinutungtungan namin ni Janice.

Hanggang sa kinakailangan ko na siyang buhatin.

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang maamo at magandang mukha ni Janice.

“Wag mo 'ko titigan ng ganyan, baka matunaw ako.” seryosong pagkakasabi ni Janice.

“Hindi ako magsasawa na titigan ka.” nakangiting pagkakasabi ko naman.

—AICELLE POV—

Halos matunaw ako habang buhat buhat ako ni Zeddrick dahil nakatitig din siya sakin.

“Naku ang sweet naman tignan ng ating 8 pairs. Nakakainggit naman.” MC 1.

“Ok times up. Congratulations sa ating 8 pairs. Mamaya kunin niyo sa class advisers niyo ang prize niyo.” MC 2.

—MARIGOLD POV—

“We did it.” nakangiting pagkakasabi ko at agad na nag group hug kaming anim.

“Ano enjoy pa ba? Next game? Oh next game daw sabi ng mga natalo. Joke.” natatawang pagkakasabi ni MC 1.

“Ang next game natin ay ang The Boat is Sinking. Lumapit na dito ang mga players ng game.” MC 2.

“Ok, sa first round. The boat is sinking, group yourselves into 12.” MC 1

Agad namin ginrupo ang sarili namin sa 12 kasama namin ang anim pa namin na nga kaklase na sila Dexter, Kursten, Bryle, Henry, Tasha at Tristine.

“Wow ang gagaling. Malalaman mo talaga dito sino yung may mga kaibigan o wala eh.” natatawang pagkakasabi ni MC 2.

—TERRENCE POV—

“Sa second round, the boat is sinking group yourselves into.......9.” MC 1.

Agad na naman kami naghilahan para makabuo lang nine members. Sila Dexter, Tasha at Tristine lang ang dumagdag samin.

“Third round na tayo. The boat is sinking group yourselves into......6.” MC 2.

Sakto, anim na kami.

—AICELLE POV—

“Round 5. The boat is sinking, group yourselves into......3!” MC 1.

Kaagad kami nagkatinginan. Hanggang sa nahati kami sa dalawa.

Ako, si Marigold at Janice ang magkakasama. Samantalang, sila Zeddrick, Terrence at Daniel naman ang magkakasama.

—JANICE POV—

“Last round na tayo. The boat is sinking group yourselves into......2!” MC 2.

Basic, by pair ulit kami tulad noong sa Paper Dance.

—TERRENCE POV—

Natapos na nga ang parlor games. Dalawang beses kami nanalo sa Paper Dance at The Boat is Sinking. Natalo kami sa Trip to Jerusalem pero ok lang dahil sobra naman kaming nag enjoy.

Distribution na nga ng gifts. Agad kong binigay kay Aicelle ang regalo ko, pero ang hindi niya alam ay si Zeddrick ang pumili non.

Binigay narin sakin ni Marigold ang regalo niya.

—MARIGOLD POV—

“Oh regalo ko.” nakangising pagkakasabi ni Daniel sabay abot ng regalo niya sakin.

“Calendar na naman ba laman nito?” mataray na pagkakasabi ko.

“Wag ka mag alaala. Hindi na Calendar yan.” nakangising pagkakasabi ni Daniel.

“Sigurahin mo lang, baka nakakalimutan mo alam ko bahay mo.” pagbabanta ko at agad kami nagtawananan.

To be continue...

HIGH SCHOOL: Batch 2012Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα