Chapter 15

92 6 0
                                    

“HIGH SCHOOL: BATCH 2012”
(The story of love and friendship)

CHAPTER 15:

<3weeks later>

—MARIGOLD POV—

3weeks has been passed. Maraming magandang pagbabago ang nangyari saming anim.

Isa na nga doon ay nanumbalik na muli ang masayang pagkakaibigan namin nila Janice, Daniel, Zeddrick at Aicelle.

Nadagdagan din kami ng isa pa, si Terrence. Oo, naging kaibigan namin siya ulit.

Samantalang sila Zeddrick at Aicelle, ok narin sila. Nananatiling mag M.U, tulad nila Janice at Daniel dahil uunahin daw muna nila ang pag aaral nila.

Ako naman ito, dakilang taga advice sa love life ng mga kaibigan ko.

“Late ka ng 5mins. Bayad 50pesos.” agad na bungad sakin ni Terrence.

“At kailan pa nagkaroon ng bayad kapag late? Ano, bumubuo ba kayo ng Foundation.” mataray na pagkakasabi ko kay Terrence.

“Si Zeddrick sisihin mo, siya pasimuno niyan.” natatawang sabat ni Janice.

“Hala, bakit ako? Si Daniel naka-isip 'non eh.” depensa ni Zeddrick sa sarili niya

“Ikaw, naturingan kang Class President pero pasimuno ka ng kalokohan dito sa room.” pang aasar ko kay Zeddrick.

“Naku Aicelle, kapag niligawan ka niyan ni Zeddrick wag mo sasagutin yan ha.” dagdag ko pa.

“Ay walang ganyanan, Wag ka makikinig sa sinasabi ni Marigold huh Aicelle.” tila nagpapa-cute na pagkakasabi ni Zeddrick saka niyakap mula sa likod si Aicelle.

—JANICE POV—

“Guys, sino daw gusto mag joined sa Basketball Tournament na gaganapin sa December 14.” bungad na tanong ni Kursten.

Agad naman kami napatingin kay Terrence. Matangkad kasi si Terrence, isa pa minsan na namin siyang nakitang mag isang naglalaro sa Basketball Court ng school namin.

“Bakit nakatingin kayo sakin?” pagtataka ni Terrence.

“Sali ka pre, support ka namin.” nakangiting pagkakasabi ni Daniel.

“Oo tama si Daniel, sumali ka. Susuportahan ka namin na mga kaibigan mo.” nakangiting sabat naman ni Zeddrick.

Sa madaling salita nga ay sumali nga si Terrence. Blue Team sila, mga ibang 4th year high school student ang kakampi nila. Samantalang ang kalaban naman nila ay Red Team, mga ibang 3rd year high school student.

Full support ang binigay namin kay Terrence sa pagsali niya sa Basketball Tournament.

<D-Day: Basketball Tournament>

—AICELLE POV—

Kasalukuyan na kaming nasa Basketball Court ng School, may dala kaming banner para suportahan si Terrence.

“Oh Aicelle, ikaw pala.” sarcastic na pagkakasabi ni Kate sakin.

Bigla naman akong inakbayan ni Zeddrick.

“Kung nandito ka para awayin si Aicelle, umalis kana.” seryosong pagkakasabi ni Zeddrick.

Agad naman umalis si Kate.

Ilang saglit pa ay nagsimula na ang Basketball Tournament.

Kada makaka-lamang sa score ang Blue Team ay nakikita kong nagta-thumbs up samin si Terrence.

—ZEDDRICK POV—

“Woooooh Go Terrence!” masayang sigaw ni Aicelle.

Hindi ko maintindihan pero nakakaramdam ako ng selos sa tuwing chini-cheer ni Aicelle ang dati niyang crush na si Terrence. Pakiramdam ko kasi ay may gusto parin siya dito.

“Ang galing galing mo Terrence!” sigaw pang muli ni Aicelle.

Hindi na ako makatiis kaya umalis na ako kahit hindi pa tapos ang Basketball Tournament.

—MARIGOLD POV—

Lamang na lamang na ang Blue Team kaya sure win na ang pagkapanalo nila Terrence.

“Aicelle, si Zeddrick?” tanong ko kay Aicelle ng mapansin na wala si Zeddrick sa tabi niya.

Agad naman napalingon si Aicelle sa left side niya.

—AICELLE POV—

Nagulat ako ng makitang wala si Zeddricm sa tabi ko. Kaya nagpaalam muna ako kila Marigold na hahanapin ko lang si Terrence.

Agad akong lumabas ng Basketball Court at nagpalinga linga, nahirapan akong hanapin si Zeddrick dahil sa dami ng estudyante sa paligid.

Hanggang sa masalubong ko si Henry, isa sa classmate namin.

“Henry, nakita mo ba si Zeddrick?” tanong ko.

“Ah, parang nakita ko siya kanina na umakyat sa roof top ng Auditorium.” sagot ni Henry.

“Ah ganun ba? Sige salamat.” sagot ko at nagmamadaling nagtungo sa roof top ng Auditorium Building.

Pag akyat ko nga ay nakita ko si Zeddrick.

—ZEDDRICK POV—

“Bakit andito ka?” rinig kong boses ni Aicelle kaya agad ako napalingon sa likod ko.

“Nagpapahangin.” tipid na sagot.

Agad naman na lumapit sakin si Aicelle.

“Nagpapahangin? Hindi pa tapos ang Basketball Tournament nila Terrence. Tara na, bumalik na tayo sa Basketball Court.” malumanay pagkakasabi ni Aicelle.

“Sabihin mo nga sakin yung totoo? May gusto ka parin ba kay Terrence?” seryosong tanong ko kay Aicelle.

—AICELLE POV—

“Anong ibig mong sabihin?” pagtataka ko sa tanong ni Zeddrick.

“Kanina, nakita ko kung gaano ka kasaya habang chini-cheer mo si Terrence. Kaya sabihin mo sakin, may gusto ka parin ba sakanya?” tanong muli ni Zeddrick.

“Huh. Anong klaseng tanong ba yan Zeddrick? Natural, iche-cheer ko si Terrence. Kaibigan na natin siya. Teka nga muna, akala ko ba ok na tayo? At ok na rin kayo ni Terrence? Pero bakit parang bumabalik na naman tayo sa dati?” seryosong pagkakasabi ko.

Agad naman hinawakan ni Zeddrick yung kamay ko.

“Sorry. Sorry, hindi ko lang maiwasan na magselos. Sorry hindi na mauulit.” malunay na pagkakasabi ni Zeddrick saka ako niyakap.

To be continue..

HIGH SCHOOL: Batch 2012Kde žijí příběhy. Začni objevovat