Chapter 14

95 7 0
                                    

“HIGH SCHOOL: BATCH 2012”
(The story of love and friendship)

CHAPTER 14:

<After sem-break>

—JANICE POV—

After ng mahigit isang linggong sem-break ay balik na naman sa school. Nakaka-excite sanang pumasok ulit kung tulad parin kami ng dati.

Magkasabay kami ni Marigold pumasok ng salubungin kami ni Terrence.

“Pwede ko ba kayo makausap?” seryosong pagkakasabi ni Terrence samin ni Marigold.

Agad naman kami nagtinginan ni Marigold.

“Sige, pero tungkol saan ba ang pag uusapan natin?” tanong ni Marigold.

“Tungkol kay Aicelle.” seryosong sagot ni Terrence.

“Bakit kayo na ba?” agad na tanong ko.

“Hindi. Gusto ko sana humingi ng pasensya, kasi dahil sakin nasisira na yung pagkakaibigan na matagal niyong binuo.” malumanay na pagkakasabi ni Terrence.

“Wala naman may kasalanan, sadyang may mga hindi lang pagkakaintindihan kaya nangyayari lahat ng 'to.” seryosong pagkakasabi ni Marigold.

“Marigold has a point. Kaya wala ka dapat ika-hingi ng sorry. Sana lang hindi ka lang samin nagso-sorry, kausapin mo rin si Zeddrick.” sabat ko naman.

“Oo gagawin yan.” nakangiting sagot ni Terrence.

“Sana rin, matanggap niyo pa ako ulit at maging parte parin ako ng pagkakaibigan niyo.” dadag pa ni Terrence.

—MARIGOLD POV—

Papasok na sana kami sa classroom pero nakita namin na palabas ng classroom si Daniel bitbit ang bag niya.

“Saan ka  pupunta? Bakit bitbit mo bag mo? Magka-cutting ka?” agad na tanong ko kay Daniel.

“Nagtext sakin yung pinsan ni Zeddrick. Sinugod daw si Zeddrick sa hospital.” agad na sagot ni Daniel.

“Ano?! Bakit? Anong nangyari?” sabat naman ni Janice.

“Hindi ko rin alam. Kaya nga pupunta ako ngayon sa Hospital, sasama ba kayo?” seryosong pagkakasabi ni Daniel.

“Oo naman.“ sagot ko.

At nagmamadali nga kaming lumabas ng gate ng school at nagtungo sa Hospital kung saan dinala si Zeddrick.

—AICELLE POV—

Pagpasok ko sa classroom ay napansin ko na wala pa sila Marigold.

Ilang saglit pa ay may na-recieved ako na text message mula kay Janice.

Nasa Hospital daw sila dahil sinugod sa Hospital si Zeddrick matapos itong ma-aksidente sa motor.

Nagmamadali ako na lumabas ng classroom hanggang sa makasalubong ko si Terrence.

“Saan ka pupunta?” tanong niya.

“Nasa Hospital si Zeddrick.” naluluhang pagkakasabi ko.

“Ano?! Teka, sasamahan na kitang pumunta.” agad naman na sagot ni Terrence.

At kaagad nga namin pinuntahan ang Hospital kong saan dinala si Zeddrick.

Sa biyahe palang ang nanginging na ang kamay ko. Sana walang mangyaring masama kay Zeddrick dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sakanya.

<Hospital>

—MARIGOLD POV—

“Nasaan si Zeddrick? Kamusta siya?” agad na tanong ni Aicelle na kararating lang.

HIGH SCHOOL: Batch 2012Where stories live. Discover now