Chapter 16

89 5 1
                                    

“HIGH SCHOOL: BATCH 2012”
(The story of love and friendship)

CHAPTER 16:

—JANICE POV—

As expected panalo nga ang Blue Team. Sobrang saya ng lahat ng 4th year high school lalo na kami na kaibigan ni Terrence.

Agad kami tumayo sa kinauupuan namin at agad na nilapitan si Terrence.

“You did well.” nakangiting bati ko.

“Congrats!” sabat naman ni Zeddrick.

“Salamat.” nakangiting sagot naman ni Terrence.

“Nawala ka kanina Zeddrick, saan ka nagpunta?” tanong ni Marigold kay Zeddrick.

Napansin ko naman na nagkatinginan sila Zeddrick at Aicelle.

“Ah, nainitan kasi ako kaya nagpahangin muna ako sa labas.” sagot ni Zeddrick.

“Nagpahangin? Aircondition naman 'tong Basketball Court ah.” pagtatataka ni Daniel.

—MARIGOLD POV—

“Wag niyo ng usisain si Zeddrick kung bakit siya nagpahangin sa labas. Importante kompleto tayo ngayon habang sini-celebrate ang pagkapanalo ng Blue Team.” sabat ko.

“Picture muna tayo bilis.” nakangiting sabat ni Janice saka nilabas sa bag niya ang Camera.

“Ah pwede pa-picture kami?” tanong ni Janice sa dumaan na 1st year high school student.

Agad naman 'tong pumayag at pinicturan nga kami.

“Ayan, may first picture na tayong anim.” nakangiting pagkakasabi muli ni Janice.

<2days later>

—DANIEL POV—

“May Christmas party daw tayo ah.” salaysay ko.

“Oh? Kailan daw?” excited na tanong ni Aicelle.

“Sa December 21.” sabat naman ni Marigold.

“Magkano kaya exchange gift?” tanong ko.

“Baka 500 to 1,000 ulit. Tulad last school year.” sabat naman ni Zeddrick.

Ilang saglit pa ay dumating na ang class adviser namin kaya tumahimik na kaming lahat at bumalik sa kanya kanyang upuan.

—MARIGOLD POV—

“Uy earphone mo tanggalin mo. Baka mamaya makita yan ni Mam.” puna ko kay Daniel.

Agad din naman niya tinanggal ang earphone niya.

“OK Class, listen. About 'to sa upcoming Christmas Party natin na gaganapin sa December 21, 1PM to 3PM. Sa mga nagtatanong sa exchange gift, ang exchange gift natin ay tulad parin last school year. Sa pagkain naman ay may Catering tayo. Sa pondo ng school kukunin ang ibabayad sa Catering, pero pwede rin kayo mag share ng pagkain kung gusto niyo. So ngayon, magbubunutan na tayo kung sino ang ka-monito/monita niyo para magkaroon na kayo ng idea kung anong ireregalo niyo.” announce ng teacher ko.

“Sana naman maayos maka-monito ko this time, bwiset naka monito ko noong 2nd year tayo. Bigyan ba naman ako ako ng Kalendaryo.” mahinang pagkakasabi ko.

Nakita ko naman na natatawa si Daniel.

“Wag ka mag alala, pag ikaw nabunot ko ulit. Mas magandang Kalendaryo bibigay ko sayo.” natatawang pagkakasabi ni Daniel.

Agad ko naman siya tinarayan.

—ZEDDRICK POV—

Nagsimula ng magikot si Ma'am, may dala siyang box na maliit kung saan andon ang mga pangalan namin.

Hanggang sa makarating na samin at bumunot na rin kami.

At agad ko nga binuksan ang papel na nabunot ko. Si Daniel ang nabunot ko.

—TERRENCE POV—

Nang makaalis na si Ma'am ay agad na kami nagpalitan ng tanong kong sino ang mga nabunot namin.

“Sino nabunot mo Marigold?” tanong ni Aicelle kay Marigold.

“Si Janice.” nakangiting pagkakasabi ni Marigold.

“Naku, alam mo na Marigold.” natatawang pagkakasabi ni Janice.

“Oo, ibabalot ko si Daniel.” natatawang sagot naman ni Marigold.

“Ikaw, Terrence. Sino nabunot mo?” tanong sakin ni Daniel.

Agad naman ako napatingin kay Aicelle.

“Si Aicelle.” seryosong pagkakasabi ko.

—AICELLE POV—

Nagulat ako ng nalaman na si Terrence ang nakabunot sa pangalan ko.

Agad ko tinignan si Zeddrick, mukha naman siyang ok.

“Sasabihin ko sayo mamaya kung anong hilig ni Aicelle.” nakangiting pagkakasabi ni Zeddrick kay Terrence.

“Ikaw Aicelle, sino nabunot mo?” tanong ni Marigold sakin.

“Ah, si Zeddrick.” nakangiting pagkakasabi ko saka tumingin kay Zeddrick.

“Ikaw, Daniel?” tanong ko kay Daniel.

“Si Marigold.” nakangiting sagot ni Daniel.

“Hoy Daniel, pag ako binigyan mo ulit ng Kalendaryo ihahampas ko sayo yan. Umayos ka, 500 to 1,000 exchange natin. Wag mo 'ko bibigyan nh kalendaryo.” banta ni Marigold kay Daniel.

Natawa naman kami sa naging reaction ni Marigold ng malaman na sa ikalawang pagkakataon, si Daniel ang nakabunot sakanya.

<Christmass Party>

—MARIGOLD POV—

12:30PM palang ay nasa school na kami kahit 1PM pa start ng Christmas Party namin.

Tumulong kasi kami pagde-decorate ng Party Hall, kung saan gaganapin ang Christmas Party ng mga 4th year high school student.

Sobrang saya naming anim habang nagde-decorate kami ng Christmas Party.

Napansin ko rin ang kakaibang sweetness nila Janice at Daniel, gayundin sila Zeddrick at Aicelle. Habang si Terrence ay inaayos ang Christmas Light.

Sa sobrang busy ko ay hindi ko napansin na natapakan ko ang isang pang decorate sa Christmas Tree kaya agd ako nadulas pero mabilis ako nasalo ng isang lalake.

Gwapo siya, ang ganda ng mga mata niya. Halos ilang segundo din kaming nagkatitigan bago ako bumalik sa realidad.

“Ok ka lang?” tanong niya sakin. Napaka-masculine ng boses niya.

“Ah ok lang ako, salamat nga pala.” naiilang na pagkasabi ko.

“Sure ka ha.” paniniguro niya.

“Oo.” agad kong sagot.

Ngumiti lang siya sakin saka siya umalis.

—JANICE POV—

“Mukhang magkaka-love na ang kaibigan natin ah.” nakangising pagkakasabi ko habang nakatingin kila Marigold at sa lalakeng sumalo sa kanya ng madulas siya.

“Oo nga.” nakangising pag sang ayon ni Aicelle.

Nang makaalis ang lalake ay agad namin nilapitan si Marigold, na hanggang sa ngayon ay medyo namumula pa ang pisngi.

“Sino yun?” nakangiting tanong ni Zeddrick.

“Wala.” tipid na pagkakasabi ni Marigold at bumalik sa pag de-decorate.

“Eh bakit namumula ka?” pang aasar ni Daniel.

“Huh? Hindi ah.” pagsisinungaling ni Marigold at agad na hinawakan ang pisngi niya.

“Si Marigold kinikilig.” natatawang sabat ni Terrence.

“Manahimik ka d'yan kung ayaw mo ipilipit ko sa leeg mo yang christmas light na hawak mo.

At agad kaming nagtawanan.

To be continue..

HIGH SCHOOL: Batch 2012Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon