Chapter 6

104 13 0
                                    

“HIGH SCHOOL: Batch 2012”
(The story of love and friendship)

CHAPTER 6:

—AICELLE POV—

Kinabukasan, ngayon ay ang 17th Birthday ni Marigold pero plano namin na kunware ay hindi namin naalala ang birthday niya. Pero ang totoo ay may nakahanda na kaming regalo sakanya at supresa.

—MARIGOLD POV—

“Good Morning.” masayang bati ko sa apat kong kaibigan pagpasok ko ng classroom.

Pero ni-isa sa kanila ay walang bumati sakin. Si Zeddrick ay nakayuko sa desk niya, si Janice at Aicelle ay naka-earphone habang si Daniel naman ay nagbabasa ng libro.

Hindi yata naalala ng mga kaibigan ko na birthday ko ngayon. Pero bakit? Dati naman sila pa unang bumabati sakin.

Hindi na lamang ako kumibo at umupo nalang sa upuan ko.

“Oh, dumating kana pala.” seryosong pagkakasabi ni Daniel pero nakatingin parin siya sa librong hawak niya.

“Oo. Wala ba kayong naalala? Hindi niyo man lang ba ako babatiin ngayon?” seryosong tanong ko.

“Bakit? Ano ba meron ngayon?” seryosong pagkakasabi ni Daniel.

“Ah wala. Sige na, tuloy mo na yang binabasa mo. Punta lang ako sa locker ko.” malungkot na pagkakasabi ko.

Agad nga ako tumayo sa kinauupuan ko saka nagtungo sa locker room.

—JANICE POV—

“Saan pupunta si Marigold? Pupunta na ba siya sa locker niya?” tanong ko kay Daniel.

“Oo.” sagot ni Daniel.

“Tara sundan na natin.” sabat naman ni Aicelle.

At kaagad nga namin sinundan si Marigold. Pero dumaan muna kami sa Cafeteria upang kunin ang pinaiwanan namin na Cake.

—MARIGOLD POV—

Pag dating ko sa locker room area ay agad ko binuksan ang locker pero laking gulat ko ng makita ang laman ng locker ko.

Mga handwritten na letters mula kila Daniel, Janice, Aicelle at Zeddrick ang bumungad sakin. Nakadikit ito sa pintuan ng locker ko.

Nakarinig ako ng yabag kaya agad ako napalingon sa likod ko.

“Happy Birthday to you, Happy Birthday dear friend, Happy Birthday Marigold, Happy Birthday we love you.” masayang bati ng mga kaibigan ko kaya 'di ko na mapigilan na hindi maiyak.

“Happy Birthday sa pinakamamahal namin na kaibigan. Happy Birthday Marigold.” nakangiting bati ni Janice sakin habang hawak niya ang birthday cake ko.

“Happy Birthday our sweetest bestfriend of all time.” bati naman sakin ni Daniel.

“Happy Birthday sa nagturo sakin mag cutting noong 2nd year high school palang tayo.” bati ni Zeddrick.

“Wala ako natatandaan na tinuruan kita mag-cutting.” mataray na pagkakasabi ko pero agad din naman akong tumawa.

“Happiest 17th Birthday, sa tinuturing kong Ate.” nakangiting pagkakasabi ni Aicelle at agad akong niyakap.

“Grabe kayo, pinapaiyak niyo talaga ako. Akala ko nakalimutan niyo na yung Birthday ko eh.” naluluhang pagkakasabi ko.

“Pwede ba namin makalimutan ang espesyal na araw ng kaibigan namin. Of course not.” nakangiting pagkakasabi ni Janice.

Agad nilapit sakin ni Janice ang birthday cake na binili nila para sakin.

Pagkatapos ko mag wish ay hinipan ko na ang kandila sa ibabaw ng cake.

HIGH SCHOOL: Batch 2012Where stories live. Discover now