Chapter 12

99 8 1
                                    

“HIGH SCHOOL: BATCH 2012”
(The story of love and friendship)

CHAPTER 12:

—AICELLE POV—

Papalapit na ako sa classroom ng bigla ko makasalubong si Terrence, hindi ko siya pinansin at agad na nilagpasan pero bigla niya ako hinila palapit sakanya at agad niya ako niyakap na ikinabigla ko.

“Hirap na hirap na ako na lokohin ang sarili ko na hindi ako nasasaktan sa tuwing umiiyak ka ng dahil sakin. I'm sorry Aicelle.” seryosong pagkakasabi ni Terrence habang nakayakap sakin.

—ZEDDRICK POV—

“Mauna kana sa classroom para makapag usap kayo ni Aicelle at maamin mo na sakanya na matagal mo ng siyang gusto. May dadaan lang ako sa kabilang building. Pupuntahan ko lang si Elizabeth sa section Tulip, hinihiram niya kasi notebook ko sa Filipino.” nakangiting pagkakasabi ni Marigold saka ito humiwalay ng daan.

Ako naman ay excited na makausap si Aicelle. Handa na ako aminin sakanya ang totoong nararamdaman ko.

Pero halos madurog ang puso ko ng makita kong magkayakap si Terrence at Aicelle.

—MARIGOLD POV—

Pabalik na ako sa classroom namin mula sa classroom ng section Tulip ng masalubong ko si Janice.

“Oh, bakit nandito ka?” agad na tanong ko kay Janice.

“Nagpapahangin.” tipid na sagot niya.

“Bakit dito sa labas? May aircon naman classroom natin ah.” pagtataka ko.

“Gusto ko kasi ng sariwang hangin.” seryosong pagkakasabi niya.

Napansin ko naman na nasa loob na ng classroom si Daniel. Nakaupo sa upuan niya na para bang ang lalim ng iniisip.

“Yung totoo Janice? May problema ba kayo ni Daniel? Dahil ba sa nangyari kahapon?” seryosong tanong ko.

Agad naman napa-buntong hininga si Janice.

“May inamin kasi siya sakin. Sinabi niya na mahal niya daw ako higit pa sa isang kaibigan.” seryosong pagkakasabi ni Janice.

“May hindi ka ba nagustuhan sa sinabi ni Daniel kaya ka umiiwas sakanya?” tanong ko.

“Wala naman, kaso parang nabigla yata ako. Hindi ko rin kasi inakala na hindi lang pala ako yung may gusto sakanya. Ganun din pala siya sakin.” seryosong pagkakasabi ni Janice.

“Hindi narin tayo mga bata Janice, teenager na tayo. Ikaw, alam mo narin kung ano yung tama at mali. Hindi sa binubugaw kita kay Daniel, pero napaka bait, talino at gentleman na tao ni Daniel at gwapo pa. Pero sa huli, puso mo parin ang masusunod kung hihigit pa ba sa pagkakaibigan yung pagmamahal mo sakanya. Basta support lang ako sainyo.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Salamat sa advise.” nakangiting pagkakasabi ni Janice saka yumakap sakin.

Matapos non ay magkasabay kami ni Janice na pumasok sa loob ng classroom. Pero napansin ko na wala pa si Zeddrick sa upuan niya.

“Wala pa si Zeddrick?” pagtataka ko.

“Wala pa bakit?” seryosong pagkakasabi naman ni Daniel.

“Eh si Aicelle?” tanong ko.

“Wala parin.” sagot naman ni Daniel.

“Bakit mo hinahanap sila Zeddrick at Aicelle?” tanong ni Janice.

“Ayan na pala si Aicelle eh.” sabat ni Daniel.

“Bakit?” agad na tanong ni Aicelle na kararating lang saka niya nilagay ang bag niya sa upuan niya.

“Nagkausap na ba kayo ni Zeddreck?” agad na tanong ko.

“Hindi pa. Hindi ko pa siya nakikita.” sagot naman ni Aicelle.

—JANICE POV—

Napansin ko na umiiwas ng tingin sakin si Daniel at ilang saglit pa ay lumabas narin siya ng classroom. Kaya agad ko siyang sinundan.

“Sorry sa naging reaction ko kanina. Nabigla lang ako.” mahinanon na pagkakasabi ko ng umupo ako sa tabi ni Daniel.

Agad naman tumingin sakin si Daniel saka siya ngumiti.

“Naiintindihan ko. Wag ka mag alala, hindi naman kita mamadalain agad. Pag aaral pa ang priority natin ngayon. At kaya ko mag intay hanggang sa pwede ng maging tayo. Gusto ko lang lagi mo tatandaan na mahal na mahal kita.” nakangiting pagkakasabi sakin ni Daniel.

—MARIGOLD POV—

Pasado 7:30AM pero wala parin si Zeddrick dito sa classroom. Ilang minuto nalang ay darating na ang first subject teacher namin.

Napansin ko naman na magkatabi na ulit sa upuan sila Terrence at Aicelle.

“May napapansin ka?” bulong ko sa katabi kong si Daniel.

“Ano?” tanong naman ni Daniel.

“Magkatabi na ulit sa upuan sila Aicelle at Terrence. Tapos until now, wala parin dito sa room si Zeddrick.” sagot ko.

Agad naman lumingon sa likod si Daniel.

“Bakit hindi mo i-text si Zeddrick?” agad na tanong ni Daniel.

“Kaka-expired lang ng load ko.” sagot ko naman.

“Sige, ako nalang yung magte-text sakanya.” sagot naman ni Daniel.

Ilang saglit pa ay dumating na rin si Zeddrick at nakakunot ang noo nito na umupo sa tabi ni Janice.

—JANICE POV—

“Saan ka galing? Kanina ka pa hinahanap ni Marigold.” tanong ko kay Zeddrick na kakaupo lang.

Pero hindi siya kumibo at isasalpak sana sa tenga niya ang earphone pero mabilis ko 'tong inagaw sa kanya.

“Bakit 'di mo sinasagot yung tanong ko?” seryosong pagkakasabi ko.

Hindi kumibo si Zeddrick at agad siyang tumayo at bigla nalang sinugod sa upuan si Terrence at inambahan ito ng suntok pero mabilis siyang naawat ni Daniel.

“Zeddrick ano bang nangyayari sayo?!” sigaw ni Marigold.

“Pre, baka mamaya may dumating na si Ma'am tapos maabutan niya na ganito kagulo ang section natin. Class President ka pa man din.” mahinanon na pagkakasabi ni Daniel.

—AICELLE POV—

“Sinabihan na kita noong una palang na wag na wag kang lalapit kay Aicelle pero bakit 'di ka marunong tumupad sa usapan.” nanggigil na pagkakasabi ni Zeddrick kay Terrence.

“Usapan? Anong usapan?” sabat ko.

“Dahil hindi ko kayang patuloy na iwasan ang babaeng mahal ko. Nakipag sabwatan ka pa talaga kay Kate para lang tuluyan na masira kung anong meron samin ni Aicelle.” seryosong pagkakasabi ni Terrence.

Nabigla ako sa huling sinabi ni Terrence, nakipag sabwatan ba talaga si Zeddrick kay Kate para lang masaktan ako? Pero bakit? Bakit niya ginawa sakin yun?

“Totoo ba? Nakipag sabwatan ka kay Kate para magkasira kami ni Terrence? At masaktan ako?” seryosong tanong ko kay Zeddrick pero hindi niya ako sinasagot.

“Zeddrick sumagot ka!” sigaw ko habang nanggigilid na ang luha sa mata ko.

“Itinuring kitang kaibigan, na parang kapatid ko na rin. Tapos ta-traydorin mo 'ko?” matapang na pagkakasabi ko at isang malakas na sampal ang binitawan ko sa pisngi ni Zeddrick saka ako agad na lumabas ng classroom.

—MARIGOLD POV—

“Aicelle!” sigaw ni Zeddrick at susundan niya pa sana ito pero agad kong pinigilan si Zeddrick.

“Hayaan mo muna siya makapag isa.” seryosong pagkakasabi ko.

“Paano mo nagawa 'to sa kaibigan natin?” seryosong tanong ni Janice.

“Hindi ko sinasadya.” tila naluluhang pagkakasabi ni Zeddrick.

Napailing na lang ako sa mga nasaksihan at narinig ko.

To be continue..







HIGH SCHOOL: Batch 2012Where stories live. Discover now