Chapter 19

84 7 0
                                    

“HIGH SCHOOL: BATCH 2012”
(The story of love and friendship)

CHAPTER 19:

<Valentines Day>

—MARIGOLD POV—

Valentines Day ngayon pero may pasok parin kami. May long quiz kasi kami Science.

Sa gate palang ng school ay ramdam mo na araw ng mga puso ngayon dahil sa dami ng hugis pusong decoration sa paligid ng school.

Wala naman ganap sa school namin ngayong Valentines Day dahil may JS prom naman daw kami next month after ng final exam namin.

Naglalakad na ako papunta sa room ng salubungin ako ng isang estudyante na babae.

“Marigold, may nagpapabigay sayo.” nakangiting pagkakasabi ng babae sabay abot sakin ng Valentine Card, Bulaklak at Chocolates.

“Bago ko tanggapin yan, sino ang nagpapabigay niyan sayo?” seryosong tanong ko.

“Sorry, ha pero ayaw niya sabihin yung pangalan niya. Basta ang sabi lang niya ibigay ko daw 'to sayo.” malumanay na pagkakasabi ng babae.

Hindi ako nagsalita pa at saka tinggap ang valentines card, bulaklak at chocolates.

Naisip ko kasi na baka pakana ito ng mga loko kong kaibigan. Baka pinagti-tripan nila ako kasi alam nilang single ako.

—JANICE POV—

“Oh! Kanino galing yang hawak mo? Sino nagbigay sayo niyan? Ikaw ha, bakit naglilihim ka samin? May manliligaw kana pala hindi mo samin sinasabi.” agad na tanong ko ng makita si Marigold na may dalang bulaklak at chocolates.

“Wow, kunware mga wala pa kayong alam eh sainyo rin naman nanggaling 'to. Lakas talaga ng mga trip niyo 'no? Pero salamat. Na-appreciate ko.” sarcastic na pagkakasabi ni Marigold.

“Samin galing? Hindi samin galing yan.” sabat ni Zeddrick.

“Gagaling. Mga best actress at best actor talaga 'tong mga kaibigan ko.” natatawang pagkakasabi ni Marigold.

“He said was right. Hindi samin galing yan Marigold. Saka bakit ka naman namin pagti-tripan?” malumanay na pagkakasabi ko.

—AICELLE POV—

“Kung hindi sainyo galing 'to, eh kanino?” pagtataka ni Marigold.

“Hindi kaya, galing yan doon sa lalakeng nakilala mo noong Christmas Party natin?” nakangising pagkakasabi ko.

“Imposible.” seryosong saad ni Marigold.

“At paano naman magiging imposible yun? Maganda ka, mabait at sweet kahit na minsan ang sama mo makatingin. Kaya hindi na nakakapagtaka na ma-fall sayo yung lalakeng yun kahit na ikaw ang literal na na-fall sakanya.” paliwanag naman ni Terrence.

“Akala ko talaga ga-graduate nalang tayo single ka parin eh.” natatawang pagkakasabi ko.

“Valentines Card ba yang isang hawak mo?” puna ni Daniel.

Agad naman tinignan ni Marigold ang nasa kaliwang kamay niya.

“Basahin mo bilis!” excited na pagkakasabi ko.

Agad naman binuksan ni Marigold ang Card.

“Ano ba yan ang bagal bagal. Ako na nga lang magbabasa.” sabat ni Janice sabay agaw sa hawak ni Marigold.

“Oh, makinig kayo ng mabuti ok?” saad ni Janice.

“May quiz ba pagkatapos mo basahin yan?” biro ni Terrence.

Agad naman binatukan ni Marigold si Terrence.

“Hi Marigold, gusto lang kita batiin ng Happy Valentines Day. Hindi mo pa 'ko kilala sa ngayon, pero wag ka mag alala soon makikilala mo rin ako. Matagal na kitang sinubaybayan, simula noong 1st year high school palang tayo hanggang ngayon na 4th year na tayo. Pero ngayonang lang ako nagkalakas ng loob para bigyan ka ng bulaklak at chocolate pati narin ang sulatan ka. Natutuwa ako sa tuwing nakikita kita, kakaiba kasi yung ganda mo. Hanga rin ako sa kabaitan at pagmamahal mo sa mga kaibigan mo. Mag iingat ka sana palagi.

Nagmamahal,
R.” saad ni Janice ng basahin niya ang sulat.

“Sino si R?” sabay sabay na pagkakasabi naming anim.

<Section Gumamela>

—RUZZEL POV—

Nandito kami ngayon ng mga tropa ko sa tapat ng classroom ng section Sampaguita.

“Hanggang kailan mo ba pagmamasdan si Marigold 'tol? Eh halos apat na taon kana may gusto sakanya bakit kasi hindi ka pa umamin?” tanong sakin ng tropa kong si Andrew.

“Kaya nga 'tol. Ano ba kinahihiya mo? Gwapo ka naman, matalino saka mabait din.” pag sang ayon ni James.

“Hindi pa sa ngayon. Alam ko kasi na mas priority niya pa ang pag aaral niya.  Pero darating din ang araw na sasabihin ko sakanya ng personal na gusto ko siya.” nakangiting pagkakasabi ko habang pinagmamasdan si Marigold mula sa bintana ng classroom nila.

To be continue...



HIGH SCHOOL: Batch 2012Where stories live. Discover now