CHAPTER 2

262 21 3
                                    

WIND'S POV


Pagkatapos ng lahat ng pang-umagang subjects nag bell na din sa wakas. Kanina pa kasi nagrereklamo ang tyan ko.

Agad akong tumayo at niligpit ang mga gamit ko saka tumingin sa dalawa na nag-aayos din ng gamit.

"Pakibilisan naman oh, nagugutom na ako eh." sabi ko kaya pareho silang napatingin sakin.

"Oh tara na." sabi ni Fire kaya masaya akong hinablot sya sa braso ganun din si Sun at kinaladkad sila palabas ng room.

"Ayos ka lang ba, Sun? Kanina ka pa tahimik ah." sabi ko habang naglalakad kami pababa.

"Ano ka ba? Tahimik naman talaga yan dati pa." sabi ni Fire kaya napakamot ako sa pisnge.

"Oo nga." napapahiyang sabi ko at hindi na nagsalita pa ulit dahil baka mapahiya na naman ako.

"Iniisip ko lang yung kanina." biglang sabi ni Sun ng tuluyan na kaming makababa. Agad naman kaming napatingin sa kanya dahil minsan lang sya magsalita.

"Alin? Yung sa limang lalaki kanina?" tanong ni Fire na tinanguan ni Sun.

"May nakapagsabi samin na yun ang tinuturing na hari dito sa university." sabi ko kaya napatingin sakin si Sun saka tumingin ulit sa daan.

"Hindi ako interesado." sabi nya kaya napabusangot ako habang si Fire ay tinawanan ako.

"Oh ano? Masarap ba sa feeling na ganunin ng isang Sun Perez?" pang-aasar sakin ni Fire kaya binitiwan ko ang braso nya at inambahan sya pero agad syang tumakbo at ako naman itong humabol.

Paikot-ikot lang kami kay Sun at minsan naman ay sa hallway pero agad din syang tatakbo kay Sun at iikutan namin sya ni Fire. Pero hindi ko inaasahan na may makakabangga ako. Kamalasan nga naman.

*BLAAAG*

"A-aray, yung pwet ko." mangiyak-ngiyak na sabi ko habang hinihimas ang paa ko ding nasaktan.

May nakabangga kasi ako at dahil sa clumsy akong tao, natumba ako. Inangat ko ang tingin ko sa taong nakabangga ko para sana mag sorry pero napatulala ako.

"P-patay na ba ako?" tanong ko at tumingin sa paligid pero nakikita ko naman ang mga estudyante na nakatingin samin ng lalaking nasa harap ko... lalo na sakin.

Pa'no ba naman kasi? Ang gwapo-gwapo ng nasa harap ko ngayon. Akala ko anghel kaya napatanong ako kung patay na ako.

"Tss, kung magtatakbuhan kayo wag dito. Hindi 'to playground at masyado na kayong matanda para maglaro ng habulan." masungit na sabi ng nakabangga ko.

"Wind, ayos kalang ba?" tanong ni Fire at tinulungan akong tumayo at pinagpagan ang suot ko.

"Ayos lang ako." sabi ko saka humarap sa lalaking nakabangga ko.

Para syang familiar. Sa'n ko ba sya nakita? Pati mga kasama nya pamilyar din pero hindi ko lang matandaan kung saan at kailan ko sila nakita.

"Sorry, sorry po talaga." sabi ko at yumuko sa harap nya at sa mga kasama nya.

"Your sorry is not enough and I don't want to accept it." sabi ng nakabangga ko kaya napatingin ako sa kanya at magsasalita na sana ng may humawak sa braso ko.

"Apology accepted." sabi ni Sun kaya napatingin kami sa kanya.

"Oh? Ikaw na naman? Alam mo bang hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo kanina?" sabi ng lalaking nakabangga ko at nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko na kung saan ko sila nakita.

GUNSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon