CHAPTER 6

156 13 4
                                    

*SUN'S POV*


Kinabukasan ay nagising sa sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto ko. Nakapikit na naupo ako sa kama at tumingin sa pinto na ang kanang mata lang ang naka mulat.

"BAKIT?"-sigaw ko kaya tumigil ang katok at bumukas ng konti ang pinto at sumilip ang ulo ng taong naka maskara.

"Gising kana?"-parang tangang tanong nya.

"Hindi tulog pa!"-sarkastikong sagot ko.

"Ay sige gumising kana kasi sasama ka daw samin ng tatay mo sa marial arts house!"-sabi nya kaya nagmulat ako ng dalawang mata at tumingin sa kanya.

Ang martial arts house na sinasabi nya ang dating lugar na pinuntahan namin ni tatay para turuan ako ng self defense. Kaibigan nya ang may-ari nun at talagang maganda ang negosyong yun dahil marami ang nagpapa-enroll para matuto ng marial arts. Pero hindi ko aakalaing babalikt ulit ako dun after five years na hindi ko pagpunta dun.

"Oy bumangon kana dyan at mag-ayos!"-sabi ni maskara kaya nabalik ako sa wisyo.

"Geh!"-sabi ko at umalis ng kama.

"Antayin ka namin sa dining ah!"-sabi nya na tinanguan ko at sinara na nya ang pinto.

Tss lagi nalang sya naka maskara pero kita ang mata, ilong at bibig nya. Para syang nasa mascaraid ball lagi dahil ni minsan ay hindi ko pa sya nakikitang hindi naka maskara.

Ako naman ay inayos ang higaan at lumapit sa mga damitan ko para mamili saka pumasok ng banyo dala ang damit na susuotin ko.

After ng mga ilang minuto ay lumabas ako suot ang itim na adidas pants na medyo maluwag sa bandang baba pero tamang-tama lang ang nasa taas. At adidas na itim na sapatos na may halong puti at itim na sports bra pero sinapawan ko ng sandong puti. Tinirintas ko sa dalawa ang buhok ko ng matuyo at ng makitang ayos na ay bumaba na ako dala ang cellphone na nasa bulsa ng pants ko.

"Wow naman, Araw... ang sexy mo pala?"-sabi ni maskara ng makita akong pumasok ng dining at ang suot ko.

"Tss tigilan mo ako kung ayaw mong pahirapan kita mamaya!"-banta ko kaya parang tutang naupo sya at humarap sa pagkain habang ang dalawang kamay nya ay magkahawak at nasa ilalim ng mesa.

Naupo ako sa tabi nya at inabot ang tumingin kay nanay at tatay na nakangiti samin. Sa maraming taon na nakasama ko si nanay ngayon ko lang sya nakitang ngumiti. Kailan man hindi nya ako nginingitian at hindi ko sya nakitang naging masaya. Halos araw-araw nya akong sinusungitan at pinagsasabihan ng kung ano-ano. Kaya nakakagulat na makita syang nakangiti ngayon.

"Bakit ho kayo nakangiti dyan?"-tanong ko

"Ang saya nyo kasing tignan eh! Para kayong magkapatid kung titignan!"-nakangiting sabi ni tatay kaya napatingin ako kay maskara na nakanguso.

"Pwede din namang mag nobyo at nobya!"-sabi ni nanay kaya dahan-dahan akong napatingin sa kanya na gulat.

"Talaga po? Sabi ko sayo, Sun eh!... Bakit kasi hindi nalang maging tayo?"-maramdam kong masaya si Jason pero nanatiling kay nanay ang tingin ko na nakangiting nakatingin kay Jason.

"Oo naman... bagay na bagay kayong dalawa!"-sabi nya kaya nanlumo ako.

Kaya ba sya masaya dahil gusto nya si Jason para sakin? Bakit pakiramdam ko kaya sya masaya dahil mawawala na ako sa buhay nila?

'Bakit po ba hindi mo ako matanggap-tanggap? Ganun na ho ba ako kahirap tanggapin at mahalin?'

"Mela, ano bang sinasabi mo? Ang babata pa nila para sa ganyan at halata namang ayaw pang magka nobyo ni Sun!"-pagtatanggol sakin ni tatay kaya napayuko ako at napangiti ng mapait.

GUNSWhere stories live. Discover now