CHAPTER 23

94 11 0
                                    

THIRD PERSON'S POV


Isang linggo nang nasa ospital si Sun at kahit na pinapauwi sya ng magulang ni Jason para magpahinga ay hindi sya pumayag. Gusto nyang nasa tabi lang sya lagi ni Jason lalo na kapag gigising na ito. Pero may parte sa loob nya na natatakot. Natatakot sya na baka may kung anong mangyari kay Jason at wala sya sa tabi nito. Kaya kahit na kulang sa tulog at pagod ay hindi sya umalis sa tabi ni nito.

Nag-aalala naman ang pamilya ni Jason at mga kaibigan nya sa kanya. Dahil nakikita lang nilang tumayo si Sun kapag papuntang banyo at magbibihis o kukuha ng pagkain. Nag-aalala silang baka si Sun naman ang magkasakit. Gustuhin man nilang pagsabihan ito ay wala rin silang magagawa dahil alam nilang hindi ito makikinig sa kanila.

Gusto din sana nilang ipaalam kay Jason para pagsabihan si Sun pero natatakot sila na baka makasama ito sa kanya. Mas minabuti na lamang nilang manahimik at subaybayan ang galaw ng dalawa.

Samantalang si Light naman ay walang magawa kundi ang manahimik sa tabi at panoorin si Sun na alagaan si Jason. Nagseselos sya pero wala syang magawa at mas lalong wala syang karapatan. Hindi naman naging sila ni Jason at ginamit lang sya nito para magalit si Sun at makipaghiwalay dito.

Inaamin nyang naiinggit sya kay Sun dahil mahal ito ni Jason. Samantalang sya ay ginamit lang. Pero kahit na gan'on ay ipinapakita nyang mahal nya si Jason at inaalagaan. Pero hindi parin nya maiwasang magselos at masaktan dahil kapag nagigising na ito ay si Sun agad ang nakikita nito.

Tulad nalang ngayon. Nakaupo sya sa gilid ni Jason at nakatingin sa mukha nitong mahimbing na natutulog. Wala si Sun ngayon dahil saglit itong lumabas para kumuha ng kailangan ni Jason kaya sya ang naiwang magbantay. Wala din ang magulang ni Jason dahil kinakausap nito ang doktor samantalang ang mga kaibigan naman nila ay may ibang inaasikaso.

Masaya sya dahil na solo nya ngayon si Jason sa tagal na nitong pananatili sa ospital. Kaya sinusulit nya na ngayon ang pagtingin kay Jason. Gusto nya din itong hawakan sa pisnge nya naman inangat nya ang kamay at unti-unting nilapit kay Jason. Pero hindi pa man lumalapat ang kamay nya ng magmulat ng mata ito kaya nagulat sya at natigil sa ere ang kamay.

"J-Jason!"-gulat nyang sabi samantalang napatingin naman sa kanya si Jason.

"Si Sun?"-nanghihina nitong tanong sa kanya kaya napayuko sya.

'Ako yung nandito pero sya ang hinahanap mo!'-malungkot nyang sabi sa isip.

"Nasa labas lang, kinukuha ang kailangan mo!"-pilit ang ngiting sagot nya.

"Pakitawag sya please!"-sabi nito sa kanya kaya napatango sya at tumayo.

Aalis na sana sya sa tabi nito ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Sun kasama ang mga kaibigan nila at pamilya. Ng makita ng lahat na gising na si Jason ay agad nila itong nilapitan at kinamusta pero nginitian lang sila nito saka tumingin kay Sun.

"Akala ko iniwan mo na ako!"-napailing sa kanya si Sun saka naupo sa gilid nya kaya magkaharap sila ni Light.

"Sabi ko naman sayo diba? Hindi kita iiwan, may kinuha lang ako!"-sabi ni Sun at pinakita ang isang supot ng plastik na may lamang prutas.

"Bakit kapa bumili ng prutas kung meron naman dito?"-tanong ni Light kaya napatingin ang lahat sa kanya.

"Kailangang fresh ang kakainin nya, n'ong isang araw pa ang prutas dito kaya bumili ako!"-sagot ni Sun at tumingin sa mesang nasa gilid ni Jason na may isang basket ng prutas.

"Eh sure kabang malinis yang binili mong prutas? Baka naman fresh lang pero madumi at baka sa tabi-tabi mo lang yan binili?!"-taas kilay na sabi ni Light kaya nagpipigil ng inis na tumingin si Sun sa kanya.

GUNSWhere stories live. Discover now