CHAPTER 16

104 11 0
                                    

JASON'S POV



Inis, galit at gulat. Yan ang nararamdaman ko ngayon habang nakatingin kay Thunder na nakayuko at lumuluha. Alam kong gulat din ang iba dahil sa sinabi ni Thunder samin.

Naghalo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko naulit na naman ang nangyari dati. Sa pagitan naming tatlo ni Light at ngayon naman naulit kay Sun. Parang sinasadya talaga ng tadhana na maging karibal ko ang kapatid ko sa babae.

Magpapaubaya na naman ba ako? Ako na naman ba ang masasaktan ulit? Pero mahal ko na si Sun at hindi ko na kayang magpaubaya pa ulit. Ayaw kong mawala si Sun kahit kapatid ko pa ang kalaban ko o kahit ang buong mundo pa. Kaya naman seryosong tinignan ko si Thunder.

"Hindi na ulit ako magpapaubaya pa... Na sayo na si Light kaya wag naman sanang pati si Sun!"-sabi ko kaya nag-angat sya ng tingin sakin at ang iba ay napatingin sakin.

"Don't worry, I don't have any plan to take her away from you. Hindi ko rin gusto 'tong nararamdaman ko... At sinisiguro kong mawawala din 'to!"-seryosong sabi nya

"Gaano ka kasigurado? Ikaw narin mismo ang nagsabi, ginawa mo ang lahat para mawala ang nararamdaman mo kay Sun pero mas lalo lang lumalala. Sige nga, sabihin mo nga samin kung ga'no ka kasigurado na makakalimutan mo ang nararamdaman mo kay Sun?"-tanong ni Sab kaya napayuko si Thunder habang ako naman ay kinabahan.

Pa'no nga ba nya makakalimutan ang nararamdaman nya kay Sun kung tulad ng sinabi nya na mas lumala lang ang nararamdaman nya? Pa'no kung hindi na mawala o magbago ang nararamdaman nya?

"Subukan mong mag focus kay Light, tol!"-sabi ni Jeremy kaya napatingin kami sa kanya.

"He tried but he field!"-seryosong sabi ni Aprhodite kaya napatingin kami sa kanya.

"I'll try again!"-sabi ni Thunder

"Mas mabuting umiwas kana kay Sun. Sa nakikita ko kasi malabo nang maagapan yang nararamdaman mo. Hindi ka iiyak sa harap namin kung hindi mo sya mahal!"-seryosong sabi ni Fire kaya parang nanghina ako.

"Tama sya, nagawa mo ding saktan si Sun dahil sa selos na nararamdaman mo kina Jason na halos ikamatay na ng kaibigan namin!"-sabi ni Wind kaya sinamaan sya ng tingin ni Thunder.

"I'm not jealous idiot!"-inis nyang sabi.

"C'mon Thunder, ngayon mo paba idedeny? Umamin kana ngang may nararamdaman ka kay Sun diba? Kaya selos ang nararamdaman mo nung mga panahong nakikita mo sila ni Jason na magkasama!"-sabi ni Sab kaya napaiwas ng tingin si Thunder.

"Hindi ako nagseselos!"-depensa nya na ikinailing ng apat ng babae habang ang apat na lalaki ay napabuntong hininga nalang.

"Siguraduhin mo lang na kakalimutan mo si Sun. Ayaw kong dumating ang panahon na maging kalaban na naman kita dahil sa babae. Hindi ako papayag na makuha mo si Sun... Ako ang una at na sayo na si Light!"-sabi ko

"Kung wala na kayong sasabihin makakaalis na kayo!"-malamig nyang sabi na hindi samin nakatingin.

Tinignan ko pa muna sya saglit bago naunang lumabas at pumasok ng kwarto ni Sun na katabi lang ng kwarto ni Thunder. Nagulat pa ako nang makita si Sun na gising na at nakaupo. Napatingin naman sya sakin at nginitian ako kaya ginantihan ko din sya ng ngiti at lumapit sa kanya.

"Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo o may gusto kang kainin?"-tanong ko at nilagay sa likod ng tenga nya ang takas nyang buhok.

"Ayos lang ako tyaka hindi pa naman ako gutom!"-nakangiting sagot nya kaya napangiti din ako.

"Si Thunder nga pala?"-tanong nya kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya at palihim na tinago ang dalawang kamay at nagkuyom.

"Nasa kabilang kwarto lang sya at ginising na din!"-sagot ko

GUNSWhere stories live. Discover now