CHAPTER 13

114 14 1
                                    

ICE'S POV


Pagkaalis na pagkaalis nila Jason ay saka kami napahiga sa sahig. Wala na kaming pakialam kung madumi ang hinihigaan namin. Masyadong masakit ang mukha namin at katawan dahil sa pagbubugbog samin ni Jason.

Kanina habang nakahiga kami sa hospital bed bigla nalang may sumipa ng pinto kaya napatingin kaming lima sa pinto. Dun namin nakita si Jason na madilim ang mukha at agad syang lumapit samin saka kami binigyan ng suntok s mukha, tyan o sikmura.

Nakakainis lang dahil hindi kami makalaban sa kanya dahil iniinda din namin ang sakit ng katawan dahil sa ginawa samin ni Sun. Hindi ko aakalaing makakalaban pa sya at grabe ang kinalabasan ng ginawa nya samin.

*BLAAAAAAG*

Napatingin ako sa pinto ng marinig ang malakas na parang may bumagsak. Nanlaki ang mga mata ko at akmang babangon ng may humawak sa suot ko at parang magaan na bagay na hinagis palabas. Kasunod nun ay ang tatlo at rinig na rinig ko ang daing nila kaya tumingin ako kay Jason.

Nakaramdam ako ng kaba ng makita ang mukha nya na parang papatay. Hindi ako takot sa kanya pero kapag nakikita ko ang madilim nyang mukha na parang papatay hindi ko maiwasang matakot. Hindi lang naman ito ang unang beses na maramdaman ko 'to at hindi ko aakalaing mararamdaman ko ulit 'to.

Pasalamat nalang kami nang dumating si Aprhodite at Sab. Pero si Aprhodite lang ang umawat kay Jason habang si Sab parang nag-ienjoy na makita kaming bugbog. Pero hindi ko din inaasahan ang pagsuntok ni Aprhodite kay Gray at Thunder dahil sa mga sinasabi nila.

"Anong ginagawa nyo dyan? Hindi ba't nasa loob kayo?"-napatingin kaming lima sa harap namin ng may magsalita. Ng makita at makilala namin kung sino ang nagtanong ay naupo kaming lima.

"May sumugod samin at pinagsusuntok kami!"-sagot ni Gray at marahang hinawakan ang mukha pero napangiwi din sya.

"Hali kayo, tutulungan ko kayo sa loob ng clinic!"-sabi ni Ms.Nikka saka unang inakay si Gray papasok ng clinic.

"Sino naman ang sumugod sa inyo?"-tanong nya pagkalabas sak inakay si Fall.

"Si Jason!"-sagot ko kaya napalingon sya sakin na parang nagtatanong kung totoo ang sinabi ko kaya tinanguan ko sya.

"Sa pagkakakilala ko kay Jason hindi sya nambubugbog o nanunugod!?"-kunot noong sabi nya saka lumabas at lumapit kay Jeremy.

"Tss ngayon lang sya sumugod samin. Galit na galit sya na akala mo may ginawa kaming masama sa kanya!"-sabi ni Jeremy

"Eh baka naman may ginawa nga kayong masama? Sabihin na nating hindi nga sa kanya, baka naman sa isang taong mahalaga sa kanya?"-sabi nya saka tumingin samin pero nag-iwas kami ng tingin.

"Tama ako 'no?"-sabi nya na lumabas at lumapit kay Thunder.

"Mali ka!"-malamig na sagot ni Thunder kaya napatingin ako sa kanya at nakita ko ang nakakalokong ngisi ni Ms.Nikka.

"Kilala ko kayo kapag nagsisinungaling o hindi, Thunder!"-sabi nya saka inakay si Thunder.

"So siguro naman alam mo na ang dahilan?"-sabi ni Fall

"Oo, kalat na kalat sa buong DU ang gulo nyo sa pagitan ni Ms.Perez. Hindi ako makapaniwalang umabot na sa sakitan ang gulo nyo. Dati naman hindi kayo ang nananakit dahil ang mga mean girls ang inuutusan nyo. Pero ngayon kayo na mismo!"-sabi nya saka lumapit sakin at tinulungan akong tumayo at pumasok ng clinic. Inalalayan nya din akong makahiga sa higaan ko kanina bago sya humarap saming lima.

"Maski ko hindi nagustuhan ang ginawa nyo kay Ms.Perez. Kahit pagbalik-baliktarin nyo pa ang mundo babae parin sya at lalaki kayo. Mas malakas kayo kaysa sa kanya at mas marami kayo!"-sabi nya kaya nag-iwas kami ng tingin sa kanya.

GUNSWhere stories live. Discover now