CHAPTER 18

110 12 1
                                    

THIRD PERSON'S POV



Dumaan pa ang mga araw na naging maayos ang buhay pag-aaral ng lahat sa DU. Walang gulo at patayan na naganap simula ng tigilan ni Thunder si Sun.

Kapwa din masaya ang dalawang grupo kapag magkakasama pero sa tuwing magkakasalubongsi Sun at Thunder ay hindi sila makatingin sa isa't-isa. Kapwa naiilang at hindi alam kung ano ang gagawin.

Pareho kasi nilang naaalala ang hindi inaasahang nangyari sa kanila. Sising-sisi si Sun sa tuwing maiisip nya ang pangyayaring yun. Samantalang si Thunder ay nagpapangiti nalang at napapa hawak sa labi kapag naiisip ang hindi inaasahang halik.

Kahit pa kasama nya lagi si Light si Sun naman palagi ang laman ng isip nya. Alam nyang mali lalo na't girlfriend nya na si Light at dapat na ito lang ang iniisip at minamahal nya. Nagi-guilty sya kapag naiisip na girlfriend nya na si Light pero si Sun naman ang nasa isip nya. Nagi-guilty sya dahil may kahati si Light sa puso nya. At mas nagi-guilty sya dahil mas lamang na si Sun kaysa kay Light.

"Ayos kalang ba, hon?"-alalang tanong ni Light at hinawakan ang kamay ni Thunder na nakapatong sa mesa.

Tinignan naman nya ito at nakangiting tinanguan. Tumingin sya sa mga apat nyang kaibigan na may kakaibang tingin. Napa buntong hininga naman sya at tumingin nalang sa pagkain nya na walang bawas.

"Ayos kalang ba talaga, tol? Kanina kapa kasi wala sa sarili mo!"-sabi ni Gray

'Hindi ako maayos, dahil nagseselos ako kapag nakikita ko silang masayang magkasama!'-sa loob-loob nya

"Ayos lang ako, pero gusto kong mapag-isa!"-sabi nya saka tumingin sa nag-aalalang si Light.

"If you want to talk about it I'm just here okay?!"-tinanguan nya ito saka sya tumayo.

"Papahangin muna ako!"-sabi nya sa mga kasama na tinanguan sya.

Naglakad sya palabas ng canteen at naglakad-lakad. Wala sa sariling naglalakad sya habang naka pamulsa ng bigla syang mag-angat ng tingin at napa hinto sa paglalakad. Napansin nyang nasa tambayan sya ng grupo nila Sun at nakita nya itong naka upo at nakasandal sa pader habang naka pikit.

Lalapitan na sana nya ito ng biglang lumabas si Jason sa gilid ni at mabilis na hinalikan sa pisnge kaya napamulat ito ng mata. Biglang kumirot ang puso nya at uminit ang gilid ng mga mata habang nakatingin sa dalawa na nakangiting nag-uusap.

Hindi nya marinig ang pinag-uusapan ng mga ito pero hindi din nagtagal ng tumayo ang dalawa. Naunang umalis si Jason kung saan ito nakita ni Thunder at susunod na sana si Sun ng mabilis itong hablutin ni Thunder sa braso at isandal sa pader saka malakas na sinuntok ang pader sa gilid ng ulo ni Sun.

Kitang-kita nya ang gulat sa mukha ng babae at panlalaki ng mga mata nito. Hindi nya alam kung pa'no agad sya nakarating kay Sun pero ang alam nya lang hindi nya na kaya ang nararamdaman.

Bigla nyang nilapit ang mukha sa gulat na mukha nya ni Sun at walang pag-alinlangang inilapit ang labi sa labi ng dalaga. Mas lalo namang nagulat si Sun at nanlaki ang mga mata ng maramdaman ang labi nya sa labi ni Thunder.

Hindi nya alam kung bakit ginagawa ito ni Thunder sa kanya. Napapatanong sya sa isip nya kung parte ito sa pangbu-buyo ng binata sa kanya? Naramdaman nya ang pag galaw ng labi ng binata kaya para syang nabuhusan ng malamig na tubig at malakas na tinulak si Thunder.

Akmang aalis na sya sa lugar ng mabilis na hinila at sinandal ulit sya ni Thunder sa pader at hinarang ang dalawang braso. Inis na tinignan nya ang binata pero kumunot din ang noo ng makita ang pagtulo ng luha nito habang malamlam ang mga matang nakatingin sa kanya.

"A-ano bang problema mo?"-naiilang nyang tanong dahil sa tinging binibigay ng binata sa kanya.

"Manhid kaba o sadyang wala kalang pakealam sakin?"-mahinang tanong ni Thunder na narinig nya.

GUNSWhere stories live. Discover now