CHAPTER 19

104 11 0
                                    

SUN'S POV


Kinabukasan nagkita nalang kami ni Jason sa campus dahil hindi sya nakauwi kagabi. Nag taxi nalang din ulit ako dahil nag text sya saking sasabay na ako sa kanya mamaya.

Pagpasok ko ng campus ay inaasahan ko nang hindi ko makikita si kidlat. Nakasalubong ko din si Light na kasama ang apat. Malungkot sila lalo na si Light kaya nagi-guilty ako. Kung di dahil sakin hindi sila malulungkot. Hindi nya sana kailangang umalis para iwasan ako.

"BABE!!!"-natigil ako sa pag-iisip at napatingin sa harap ng sumigaw si Jason.

Nakangiting lumapit sya sakin at hinalikan ako sa noo saka hinawakan ang kamay ko.

"Tara sa tambayan? Maaga pa naman eh!"-sabi nya na tinanguan ko. Magkahawak kamay kaming naglakad papuntang tambayan at dahil gusto ko nang malaman ang dahilan tungkol kagabi ay nagtanong na ako.

"Bakit hindi mo sinasabi sakin?"-ramdam kong napahinto sya at napatingin sakin kaya napahinto rin ako at tumingin sa kanya.

"I'm sorry, baka kasi hindi ka pumayag kapag sinabi kong si Thunder ang gustong makipagkita sayo!"-sagot nya at naglakad na ulit kami. "Ayaw ko talagang pamayag, ang kaso may kondisyon sya!"-sabi pa nya

"Isang gabi kapalit ng paglayo na?"-tanong ko na tinanguan nya.

"Alam kong ang sama kong kapatid dahil mas ginusto kong umalis sya para lang tigilan nya na tayo. Pero hindi mo din ako masisisi babe, ayaw kong maging karibal sya sayo kahit sakin kana. Ayaw kong saktan sya lalo kaya ginawa ko yun!"-sabi nya kaya napabuntong hininga ako.

"Naiintindihan ko, pero bakit hindi mo sinasabi sakin ang nararamdaman nya?... Hindi mo na kailangan magsinungaling sakin na pumuntang EK at makikipagkita sayo!"-sabi ko na huminto at hinarap sya. "Kung sasabihin mong sya ang gustong makipagkita at makipag-usap kusa na akong pupunta!"-sabi ko at kita ko ang lungkot sa mukha nya.

"Nagseselos ako kahit alam kong tayo na at ako ang mahal mo!"-nakangusong sabi nya kaya napangiti ako at hinawakan ang magkabilang pisnge nya.

"Mahal kita!"-sabi ko na ikingiti nya. "At ang pagkikita namin kagabi ay wala lang!"-sabi ko kaya mas napangiti sya at niyakap ako.

"Ako lang ang mahal mo?"-parang batang tanong nya na mahinang ikinatawa ko at tumango.

"Mukhang ayos na tayo, hindi na natin kailangang pumuntang tambayan!"-sabi ko kaya kumalas sya sa pagkakayakap.

"Oo nga, sayang, malapit na sana tayo!"-natatawang sabi nya kaya nilingon ko ang tinitignan nya at natawa din ako.

"Hahaha pumunta naman tayong building natin!"-sabi ko at hinawakan ang kamay nya.

"Tara na!"-nakangiting sabi nya na tinanguan ko at sabay kaming naglakad papuntang building namin.

Ng maka-akyat kami ay sumalubong samin ang apat na mga nakabusangot. Napahinto naman sila ng makita kami at bigla nila akong hinila palayo kay Jason.

"Anong ginagawa nyo?"-kunot noong tanong ni Jason sa apat.

"Bakit hindi mo sinabi samin na umalis na pala si Thunder papuntang ibang bansa?"-nakabusangot na tanong ni Sab.

"Kasama ko sila mom at dad kagabi na naghatid kay Thunder. Na low bat ang phone ko at natulog sa bahay nila mom, akala ko din nagpaalam sya sa inyo!"-sagot ni Jason

"Hindi nya sinabi samin pati sa apat, nalaman lang namin kay Light kanina ng makausap namin sya!"-sabi ni Aphrodite.

"So kailan lang umalis si Thunder?"-tanong ni Sab

"Kagabi lang!"-sagot ni Jason.

"Ay? Ang daya talaga ng isang yun!"-nakangusong sabi ni Aphrodite na inilingan ni Jason at tumingin sakin.

GUNSWhere stories live. Discover now