CHAPTER 31

87 8 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Naghahanda na ang lahat ng kasama nila Sun sa organisasyon gan'on din ang makakalaban nila.

Parehong handa na ang dalawang grupo para sa malaking laban na magaganap. Parehong kompiyansa sa sarili na mananalo sila sa laban.

Nasa isang bahay kung saan nag-iinsayo sila Sun. Buong maghapon silang naghahanda ng mga gagamitin nila para sa laban.

Sa isang linggong pag-iinsayo ay pahirap na pahirap ang ginagawa nila. Mas pinalakas nila ang meron silang skill at mas pina bilis ang mga kilos.

"Handa na ba kayo?" tanong ni Wind saka tumingin sa dalawa na abala sa paglalagay ng bala sa mga magazines.

"Handang-handa na!" sagot ni Fire saka kinasa ang hawak na baril.

"Eh ikaw, Araw?" baling ni Wind kay Sun.

"Handa na, pero hindi ko alam kung bakit hindi mapakali ang puso ko!" sagot ni Sun.

"Huh? Bakit naman? Kinakabahan kaba?" alalang tanong ni Wind.

"Si Araw? Kakabahan sa laban? No way, gustong-gusto nga nyan ang pumatay eh!" sabi naman ni Fire na may pakumpas pa ng kamay at umirap sa kaibigan.

"Hindi ko masasabi kung kaba ba 'tong nararamdaman ko, hindi ako sigurado!" sabi ni Sun.

"Excited kalang na makita ang mga makakalaban natin, lalo na ang mga Pablo!" sabi ni Fire saka naglagay ng pistol sa likod.

"Parang kinakabahan na tuloy ako!" nakangusong sabi ni Wind.

"Bakit naman? Nabanggit ko lang ang mga Pablo kinabahan kana agad. Eh kanina lang sinabi mong handa kana para mamaya!" sabi ni Fire saka hinagis ang isang kutsilyo kay Wind na nasalo naman saka nilagay sa lagyanan na naka kabit sa hita.

"Pa'no kapag si Sun nga si Stacey? Edi kalaban natin sya? Kakalabanin ba natin sya?" nakangusong tanong ni Wind.

"Hindi na kailangan yun 'no, titigil naman tayo sa ganitong buhay kapag nalaman nating sya si Stacey!" sabi ni Fire.

"Kaibigan parin ba natin sya? O sasama na sya sa totoong pamilya nya?" tumingin si Wind kay Sun na natigilan sa ginagawang paglalagay ng magazine sa baril.

Napatingin din si Fire sa kaibigan saka nagbuntong hininga. Tumigil silang tatlo sa ginagawa at nag-iisip kung ano ang isasagot sa tanong ni Wind.

"Sasama kaba sa mga Pablo kapag sila ang pamilya mo?" tanong ni Fire.

"Hindi ko alam... Ang alam ko lang magkakaibigan parin tayo kahit ano pa ang malaman ko tungkol sa pagkatao ko!" sagot ni Sun saka tinuloy ang ginagawa.

"Mabuti naman kung gan'on, akala ko hindi na tayo magkakaibigan eh!" nakangiting sabi ni Wind.

"Tss dalian nyo na dyan, aalis na tayo!"

"Yes, ma'am!" masiglang sabi ng dalawa na sumaludo pa kay Sun.

Inayos nila ang mga gamit at walang itinira bago ipasok sa tatlong malalaking bag. Isa-isa nilang dinala ang bag saka umalis ng malaking bahay at nilagay sa compartment ang mga bag.

Tulad ng dati ay si Fire ang nagmaneho. Dumaan sila sa bahay nilang tatlo at kumuha ng mga gagamitin nilang armas bago itago ang iba pa na hindi dadalhin o gagamitin.

Nagbihis din sila ng itim na suot at mga naka maskara na itim pero may iba't-ibang disenyo.

Kay Wind ay may rosas na naka guhit sa noo at ang kulay ay puti. Si Fire ay rosas na pula at ang kay Sun naman ay kulay itim na rosas na kumikinang.

GUNSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon