CHAPTER 28

171 13 2
                                    

THIRD PERSON'S POV


Busy sa pag-aasikaso sa mga bisita ang mga kaibigan ni Sun habang ang magulang nila ay nasa tabi ni Mela na nakatulalang nakatingin sa kabaong ni Lito.

Wala pa si Sun at walang nakakaalam kung nasaan ito. Nag-aalala na sila dito maliban kay Mela na walang pakealam kung ano man ang mangyari sa anak. Galit sya dito at sinisisi ito sa pagkamatay ng asawa nya.

"Nandito na si Sun!" sabi ni Wind na humahangos galing sa labas ng bahay.

Agad namang napatayo ang magulang ni Wind at Fire at hinintay na pumasok si Sun. Maging ang mga kaibigan nila ay napatayo din at hinihintay ang kaibigan na pumasok.

Saglit lang ang hinintay at nakita nila si Sun na nakaitim ang suot at namumula ang mga mata. Unti-unti itong naglakad habang nakatingin sa kabaong ng ama.

Ng tuluyan na itong makalapit ay niyakap sya ng mga kaibigan at magulang nila Wind at Fire. Mabigat ang paa na humakbang si Sun palapit sa kabaong. Pero hindi pa man sya nakakalapit ng marahas na may humila sa braso nya.

"ANG KAPAL KAPAL RIN NAMAN NG MUKHA MO PARA MAGPAKITA PA DITO, BASTARDA KA!!!" galit na sigaw ni Mela sa anak.

"G-gusto ko lang pong makita si tatay!" naka yukong sagot ni Sun.

*PAK*

"LUMAYAS KA, HINDI KA KAILANGAN DITO, WALA KANG KARAPATANG PUMUNTA DITO. MAMAMTAY TAO KA, NG DAHIL SAYO NAWALA ANG ASAWA KO, KASALANAN MO KUNG BAKIT SYA NAWALA DITO!!!" sigaw ni Mela habang pinagsasampal ang anak at walang pakealam kung saan-saan man ito tumama.

Hindi naman lumaban si Sun at tinanggap ang lahat ng masasakit na salita at pananakit ng nanay nya.

"Tama na Mela, maraming tao dito!" awat ng ina ni Fire.

"WALA AKONG PAKEALAM, MAS MABUTI NANG MALAMAN NILA NA ANG BABAENG 'TO AY MAMAMATAY TAO AT WALANG UTANG NA LOOB!!!" sigaw ni Mela habang patuloy na sinasaktan si Sun.

Inawat naman ito ng mga magulang ng kaibigan ni Sun saka inilayo dito dahil narin pilit nito inaabot ang anak na tahimik na umiiyak at nakayuko lang.

"Fire, Wind, ilabas nyo muna dito si Sun!" tumango naman ang dalawa sa utos ng ama ni Wind.

Inalalayan ng dalawa na maglakad si Sun palabas at nakasunod sa kanila ang iba pa nilang kaibigan.

Ng makalabas na sila ng bahay ay pinaupo nila si Sun sa hagdan na nakaharap sa maliit na gate. Agad naman naman silang tumabi dito habang ang mga lalaki ay nasa likod nila nakaupo. At ang dalawang babae ay nasa unahan nila at nakatagilid ang katawan kay Sun.

Nakaharang sila sa daan kaya walang ibang makapasok o makalabas.

"Ang tanga-tanga mo kasi Sun eh, tama ang nanay mo. Mamatay tao ka, wala kang kwenta, wala kang utang na loob, dapat ikaw nalang ang namatay!" mahinang sabi ni Sun sa sarili habang sinasaktan ang sarili.

"Tigilan mo yan Sun, wag mong saktan ang sarili mo!" pigil ni Fire sa kaibigan.

"Hindi eh, kasalanan ko naman talaga diba? Pinatay ko si tatay!" umiling-iling ang mga kaibigan nya.

"Hindi mo kasalanan okay? Wala kang kasalanan, wag mong intindihan ang mga sinasabi ng nanay mo sayo. Nasasaktan at galit lang sya kaya nya nasasabi lahat yun!" sabi ni Aphrodite.

"Gan'on na sya simula bata palang ako, at ngayon mukhang tama sya. Dapat ako yung nandyan eh, ako dapat ang nasa loob nyan at hindi si tatay!" turo ni Sun sa kabaong at agad namang umiling ang mga kaibigan sa kanya.

"Wag mong sabihin yan Sun, kung nandito lang si tatay Lito siguradong hindi nya magugustuhan yang sinabi mo!" sabi ni Sab

"Pero wala sya dito, wala na sya at hindi na sya babalik kahit kailan katulad ni Jason!" napaiyak si Sun at tinakpan ang mukha saka lumakas ang pag-iyak.

GUNSWhere stories live. Discover now