CHAPTER 30

91 9 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Kinabukasan nga ay pumunta ang tatlo sa boss nila gaya ng dati. Pagpasok nila ng opisina ay naabutan nila itong may kausap sa telepono pero agad ding nagpaalam sa kausap ng makita sila.

"Mabuti naman nandito na kayo, maupo kayo!" sabi nito at agad naman naupo ang tatlo sa harap nito.

"So anong sasabihin at parang sobrang nagmamadali kang pumunta kami dito?" takang tanong ni Fire.

May kinuha naman ang boss nila sa drawer nito at pinakita ang isang papel na may kung anong nakasulat.

"What's in this paper besides having a written address and time?" kunot noong tanong ni Wind habang hawak ang papel.

"Isang linggo bago maganap ang araw na pinakahihintay natin. Ang araw na makakaharap natin ang kalaban natin!" sabi ng boss nila.

"Sino?" kunot noong tanong ni Fire.

"Ang mga Pablo!" agad na napatingin ang dalawa kay Sun na napako ang tingin sa boss nila.

"P-Pablo?" gulat na sabi ni Fire na tinanguan ng boss nila.

"Sila ang mahigpit nating kalaban, ang address at oras na nakasulat dyan ay kung kailan at ang oras na makakaharap natin sila!" sabi ng boss nila kaya napatingin na naman ang dalawa kay Sun.

"Ayos kalang ba?" mahinang tanong ni Wind sa kaibigan na marahang tumango.

"Bakit parang biglaan yata 'tong laban na 'to?" kunot noong tanong ni Fire.

"Hindi ito biglaan Fire, ito ang una na makakaharap natin ang mga Pablo. Matagal na natin itong plano. At ngayon ay mangyayari na!" sabi ng boss nila.

"Pero pa'nong naging kalaban natin sila?" curious na tanong ni Wind.

"Mahabang kwento, at wala akong panahong ikwento sa inyo!"

"Ang dahilan lang, boss!" sabi ni Fire.

"Wala na tayong oras para magkwentuhan. Naghahanda na ang lahat at kayo nalang ang hindi pa, kung hindi sana kayo umalis ng bansa ay maaga ko sanang binalita sa inyo!"

"Pwede mo naman kaming tawagan para maaga kaming nakabalik dito!" sabi ni Wind.

"Hindi ko kayo mahagilap na tatlo, sinubukan ko kayong tawagan pero naka patay ata ang mga cellphone nyo. Mabuti nalang ng tumawag ako kay Sun ng isang araw ay nasagot nya!"

"Kamusta na pala dito?" tanong ni Wind.

"Tulad parin ng dati, pero ang mga tao dito ay nagpapalakas na para sa darating na laban!"

"May iba kapa bang sasabihin?" sabat ni Sun na ngayon nalang ulit nagsalita.

"Ang gusto ko ay maghanda kayo sa darating na araw na yun. Gusto kong magsanay pa kayong lalo at mas galingan ang abilidad na meron kayo... Dahil isang linggo bago dumanak ng dugo!" seryosong sabi ng boss nila.

"If you have nothing more to say we will leave to get ready!" sabi ni Wind na agad namang tinanguan ng boss nila.

"Aasahan ko ang presensya nyo dito sa araw na iyon. Kailangan tayo ang manalo, tayo dapat ang matira sa laban!" seryosong tumango naman ang tatlo bago tumayo at lumabas ng opisina.

Ng makarating sila ng parking lot ay napasandal si Sun sa motor nya habang ang dalawa ay tumayo sa harap nya.

"Ang Pablo na tinutukoy ni boss..." sabi ni Fire kaya napatango-tango si Sun at tumingin sa dalawa.

"Kung ang Pablo na tinutukoy nya ay ang pamilya ni Stacey Pablo. Anong gagawin natin? Sisipot paba tayo?" sabi ni Wind kaya napaisip si Sun.

"Kung makikita natin sila baka may posibilidad na may maalala ka!" sabi ni Fire kaya napatingin sa kanya ang dalawa.

GUNSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora