CHAPTER 27

111 14 0
                                    

THUNDER'S POV


Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nakahiga dahil walang magawa at walang pasok.

Naisip kong puntahan ang mga kaibigan ko pero nawalan ako ng gana kaya mas minabuti ko nalang na manatili sa bahay at magkulong sa kwarto.

*TOK*TOK*TOK*

"SINO YAN?" sigaw ko na hindi nakatingin sa pinto.

Hindi sumagot ang kumatok pero rinig ko ang pagbukas ng pinto at pagsara.

Nanatili akong nakatingin sa veranda ng lumubog ang kama sa gilid ko pero hindi ko parin tinignan kung sino ang pumasok.

"Hindi mo man lang ba ako kakausapin?" kunot noong napatingin ako kay Light ng magsalita sya at ngiting-ngiti sakin.

"What are you doing here?" kunot noong tanong ko at bumangon at naupo.

"Aren't you happy?" kunot nyang tanong at lumungkot ang mukha.

'Why would I? Si Sun ka ba?'

"I'm just curious!" sabi ko at nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Hehehe I miss you!" parang batang sabi nya at tumayo saka lumapit sakin.

Akmang yayakap sya sakin ng hawakan ko ang braso nya at pinaupo sya sa kama.

"Why are you here?" pag-uulit ko sa tanong ko kanina.

Bumusangot naman sya bago sumagot.

"I told you, I miss you!"

"I can't understand, Light..." sabi ko at naupo sa study table na nasa harap nya. "Hiwalay na tayo pero bakit umaasta ka paring parang girlfriend ko?"

"So? Ano naman kung gan'on ako? Bawal ba?" taas kilay nyang sabi.

"Oo!" kumunot ang noo nya sa naging sagot ko.

"Pa'nong naging mali? Kasi ex mo na ako at naging third party ako sa relasyon ni Jason na kapatid mo at kay Sun na kaibigan mo?" parang may laman ang mga sinasabi nya. Pero hindi ko masabi kung bakit.

"Hindi sa gan'on, pero ayaw kong umaasta ka na parang girlfriend ko. Tandaan mong matagal na tayong hiwalay!"

"Naghiwalay tayo dahil kailangan mong pumuntang ibang bansa, pero ngayong nandito kana baka pwedeng maging tayo na ulit?" tumayo sya sa pagkakaupo at unti-unting lumapit sakin na para bang inaakit ako.

Kung si Sun lang ang kaharap ko baka maakit kaagad ako. Pero hindi eh. Si Light ang nasa harap ko at kaibigan nalang ang turing ko sa kanya. Nandidiri ako sa ginagawa nya.

"Wala ka namang girlfriend diba? Wala rin akong boyfriend. So bakit hindi nalang ulit tayo?" sabi nya habang pinapalandas ang daliri mula sa mata ko pababa sa bibig at bago pa man umabot sa dibdib ko ang daliri nya ay pinigilan ko na sya.

"Stop this sh*t Light, wala na tayong dapat pang balikan. Tapos na tayo at hindi na tayo pwedeng magbalikan!" umalis ako sa pagkakaupo sa study table at lumabas ng veranda pero naramdaman kong sumunod sya.

"Bakit? May iba na ba? Hindi na ba ako?... Akala ko ba ako lang ang babaeng mamahalin mo? Ako lang ang babaeng papakasalan mo?" kumunot ang noo ko sa mga sinabi nya at hinarap sya.

"Wala akong sinabing ganyan, Light!" inis kong sabi

"Nakalimutan mo na? N'ong mga bata pa tayo sinabi mo sakin yan!" napaiwas ako ng tingin sa kanya.

Wala akong maalala kaya pa'no ko malalaman? Nakalimutan ko ang alaala ko n'ong bata ako kaya wala akong maalalang sinabi ko yun.

"Wala akong maalala!" sabi ko kaya pekeng natawa sya at hindi makapaniwalang tumingin sakin.

GUNSWhere stories live. Discover now