CHAPTER 11

128 15 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

Tahimik na kumakain sina Sun at ang mga kasama nya ng may maramdaman syang mga matang nakatingin sa kanila. Napatigil sya sa pagkain at tumitingin sa paligid at dun nya nakita ang dalawang taong nakatingin sa kanya. Kunot noong tinignan nya ang mga ito pero ngumiti ang dalawa sa kanya bago pumasok ng kusina. Agad naman syang tumayo kaya napatingin ang mga kasama nya sa kanya.

"Sa'n ka pupunta?"-inosenteng tanong ni Sab.

"Banyo lang ako!"-paalam nya at umalis.

Sinundan naman sya ng tingin ng mga kasama nya bago nagkatinginan sa isa't-isa ang mga babae at nagkibit balikat. Ang mga lalaki naman ay walang pakealam at kumain lang.

"Hey guys!"-sabi ng boses anghel kaya natigil sila sa pagkain at tumingin sa gilid ni Thunder.

Nakita nila ang nakangiting babae na nakaputing dress. Namangha silang magkakasama ng makita ang babae at hindi nila namalayan na nakalapit na pala ito sa kanila lalo na kay Thunder.

'Ang ganda nya sa malapitan!'-usal ni Wind sa isip na parang matutunaw na ang tinititigan.

'Grabe, anghel talaga!'-sabi ni Sab isip na parang tutulo na ang laway.

"Sarado nyo bibig nyo!/ Keep your mouth shut!"-sabay na sabi ni Fire at Aprho kaya nagkatinginan sila at tumingin sa katabi nila na ngayon ay nahihiyang tumingin kay Light na nakangiti sa kanila.

"Sup, Light!"-sabi ni Fall kaya napangiti si Light sa kanya.

"Wala ka paring pinagbago, Fall!"-nakangiting sabi nito.

"Sus, ano kaba naman... talagang walang nagbago sakin maliban sa mas gumwapo!"-mayabang na sabi ni Fall na hinawi sa gitna ang buhok patalikod. Natawa naman si Light sa kanya habang ang iba ay napairap.

"Kapal!"-mahinang sabi ni Wind na parang narinig ni Fall dahil mabilis itong tumitingin sa kanya.

"May sinasabi kaba?"-masama ang tinging tanong nya.

"Naku, wala ah!"-depensa ni Wind

"By the way, I missed all guys... Sorry sa hindi pag paalam sa inyo!"-malungkot na sabi ni Light.

"Okay lang, naiintindihan namin!"-nakangiting sabi ni Gray.

"Ang cute mo parin, Gray!"-nakangiting puri ni Light kaya mas napangiti si Gray.

"Pati height cute din diba?"-nakangiting sabat ni Sab kaya tinignan sya ng masama ni Gray. Mahinang napatawa naman ang mga kasama nila pati si Light.

"Epal!"-parinig ni Gray kaya tumingin si Sab sa kanya.

"Ito naman galit agad. Binibiro kalang eh!"-nakangusong sabi ni Sab.

"Tss nakakatuwa joke mo grabe!"-sabi ni Gray saka inirapan si Sab.

"Totoo naman na cute ka diba? Pati height mo cute kaya mas cute ka lalo!"-pambobola ni Sab pero sinamaan sya lalo ng tingin ni Gray.

"Tibay talaga, inulit pa!"-mahinang sabi ni Gray.

"Stop that guys, na miss ko kayo kaya payakap ako!"-nakangusong sabi ni Light at walang pasabi na niyakap si Thunder na ikinabigla nito at nanlaki ang mga mata.

"B-bagay kayo!"-nakangiting sabi ni Aprho kaya napatingin ang dalawa sa kanya.

"Don't worry, makakahanap karin ng tulad samin!"-nakangiting sabi ni Light at hinalikan si Thunder sa pisnge bago bumitaw ang niyakap ang iba pang mga lalaki.

Niyakap nya lang ang mga ito at hindi hinalikan sa pisnge. Si Thunder naman ay tulala parin habang namumula ang magkabilang pisnge.

"Jason!"-nakangiting sabi ni Light ng makalapit sya kay Jason.

GUNSWhere stories live. Discover now