CHAPTER 3

216 20 2
                                    

*WIND'S POV*

Ng mag bell for lunch ay agad na nag-ayos ang mga kaklse namin ng gamit saka lumabas. Napatingin ako kay Aphro ng tumayo sya at maglakad palapit samin.

"Andyan na si Sab sa labas, tara na?"-sabi nya kaya napatingin ako sa pinto at kumaway sya sakin kaya kinawayan ko din sya.

"Fire, Sun, tara na?"-aya ni Aphro sa dalawa na nakatalikod saming pareho dahil sinusuklayan ni Fire si Sun.

"Mmm anong nangyari sa kanila? Kanina pa ba silang ganyan?"-bulong sakin ni Sab na pumasok.

"Hindi ko din alam eh, hindi ko napansin kasi nakatingin ako sa harap!"-sagot ko kaya napatango sya saka tumayo ng maayos.

"Fire, Su--"si Aphro

"Aalis muna ako!"-sabi ni Sun na tumayo kaya hindi na natapos ni Aprho ang sasabihin nya.

"Sandali, san ka pupunta?"-tanong ni Fire kaya napatingin sya samin.

"May pupuntahan lang!"-nakangiting sagot ni Sun saka lumabas.

Takang napatingin sakin si Fire hanggang sa tumingin kami kay Sab at Aphro. Nagkibit balikat nalang kami at akmang tatayo na kami ng Fire ng...

"Ang weird talaga ng kaibigan nyong yun!"-sulpot ng pulang buhok kaya napatingin kami sa kanya... sa kanila.

"Tumahimik ka, Jeremy!"-sabi ni Aphro

"Tss what? Nagsasabi lang naman ako ng totoo! Weird naman talaga ang Sun na yun"-sabi nung Jeremy kuno saka sila naglakad palabas ng room.

"Kilala nyo ang mga yun di ba?"-tanong ko kay Aphro na tinanguan nya kaya hinarap ko ang dalawang upuan samin ni Fire at sinenyasan silang maupo.

Takang tumingin pa muna sila samin ni Fire bago maupo sa upuang nakaharap samin.

"Anong gusto nyong malaman?"-tanong ni Sab na mukhang alam na ang nasa isip namin ni Fire.

"Kwentuhan nyo kami tungkol sa limang taong yun!"-sabi ni Fire at nagkatinginan muna ang dalawa bago tumingin samin.

"Yung pula ang buhok ay si Jeremy Ramirez! Yung medyo puti ang buhok na gray ang mata ay si Fall Lazaro, yung pinakamaliit sa kanila na cute ay si Gray Sta. Maria, yung medyo brown ang buhok ay si Ice Torres! At ang pinaka huli ay ang lider nila na si Thunder Gomez!"-sabi ni Aphro kaya nagkatinginan kami ni Fire at tumango-tango.

"Lahat sila kasing edad lang natin!"-sabi ni Sab

"Gangster ang mga yun at Raven Gang ang pangalan ng grupo nila kaya may tattoo silang uwak!"-sabi ni Aphro kaya nanlalaking mga matang nakatinginan kami ni Fire.

'Sabi na eh!'

"Nga pala ang buo kong pangalan ay Aphrodite Sta. Maria at si Sab ay Sabrina Reyes!"-sabi ni Aphro kaya napatango kami ni Fire.

"Ako naman si Wind Dela Cruz!"-sabi ko kaya napatango ang dalawa at tumingin kay Fire.

"Ako si Fire Santos at yung isa si Sun Perez!"-sabi ni Fire at nagtaka kami ng mapanganga ang dalawa samin.

"B-bakit ganyan kayo makatingin?"-naiilang na tanong ni Fire.

"Mayaman kayo 'no?"-tanong ni Sab kaya nagkatinginan kami ni Fire.

'Akala ko naman kung ano na!'

"Hindi naman masyado!"-sabay na sagot namin ni Fire.

"Sus, anong hindi masyado eh sikat ang apilyedo nyo?!!"-sabi ni Aphro

"Eh ikaw? Kaano-ano mo yung Gray?"-tanong ni Fire

"Magpinsan kami!"-sagot ni Aphro kaya nanlalaking mga matang nagkatinginan kami ni Fire saka tumingin ulit kay Aphro.

GUNSWhere stories live. Discover now