CHAPTER 12

142 15 1
                                    

FIRE'S POV


Sabay kaming nakarating ni Wind sa parking lot at paglabas namin ng kotse ay nakita namin ang kotse ni Jason. Takang nagkatinginan kami saka pumasok ng campus.

"Nakakapag taka, dati naman hinihintay nila tayo pero ngayon nauna na silang pumasok!"-sabi ni Wind habang mabilis kaming naglalakad.

"Ngayon lang nangyari 'to!"-sabi ko na tinanguan nya.

Nakakapagtaka talaga. Kasi lagi naman kaming hinihintay ng dalawang yun kapag may pasok. Ngayon lang talaga sila hindi naghintay kaya siguradong may nangyari.

"Grabe, nakita mo ba yung ginawa ni Jason kay Sun?"-awtomatiko akong napahinto sa paglalakad pati si Wind ng marinig namin ang sinabi ng babaeng nasa gilid namin na kasama ang dalawa ata nyang kaibigan.

"Oo naman, grabe talaga ang kilig ko nun!"-parang kiti-kiting sabi ng nasa kanan na babae.

"Waaah nakakainggit naman si Sun. Ang gwapo-gwapo pala ni Jason tapos hinalikan nya si Sun. Waaaaah how I wish na sana ako nalang si Sun!"-sabi ng nasa kaliwang babae.

"Agree!"-sabi ng dalawa nyang kasama saka sila umalis na.

"Waaaah team SunSon din sila?!"-sabi nitong katabi ko kaya inismiran ko sya.

"Pero wait, tama ba ang narinig ko na hinalikan ni Jason si Sun?"-nanlalaking mga mata ko na tumingin kay Wind na tumango ng sunod-sunod.

"Hahaha lagot ka ngayon!"-demonyong sabi ko saka nakangising naglakad ulit kasama si Wind.

"My God Cassie, masyado naman atang mabilis ang dalawang yun!?"-sabi ni Wind pero hindi ko na sya pinansin ang pumasok ng room.

Tamang-tama din naman na wala pa ang limang lalaki at nakita kong nakaupo si Aprho sa katabing upuan ni Wind. Nakita kong nakaupo si Sun habang nakadukdok sa upuan nya kaya agad akong naupo sa tabi nya at tumitig sa kanya. Mukha namang naramdaman nyang may nakatingin sa kanya kaya nag-angat sya ng tingin sakin.

"Bakit?"-napangiti ako ng malawak sa tingin nya. Bigla namang kumunot ang noo nya dahil sa pag ngiti ko kaya mas nilawakan ko pa ang ngiti ko na halos maging si Joker na ako.

"Mukha kang si Joker!"-poker face nyang sabi kaya natawa ako saka matamis na ngumiti sa kanya.

"May narinig akong chismis tungkol sa inyo ni Jason!"-sabi ko at mabilis naman syang napahawak sa gilid ng leeg nya.

"Ano naman yun?"-tanong nya kaya ngumisi ako ng nakakaloko sa kanya.

"Oyyyy ikaw ah, hindi ka manlang nagsabi na kayo na pala ni Jason!"-napalakas na sabi ni Wind kaya ang ibang kaklase namin na nandito na ay napatingin samin.

"Siraulo, sa'n mo naman napulot ang basurang balita na yan?"-masama ang tingin kay Wind na tanong ni Sun.

"Narinig namin sa ibang estudyante dito!"-sagot ni Wind kaya nagsimula na ang bulong-bulungan.

"Oh my, so totoo nga ang usap-usapan?"-rinig kong sabi ng isang kaklase naming babae na maarte.

"At ang rinig ko pa hinalikan sya ni Jason?"-sabi pa ng isang babae.

"Whay the? Totoo ba yun, Sun?"-nanlalaking mga matang tanong ni Aphro.

"Tss hindi totoong kami ng taong yun. Alam mong si Light ang gusto ng maskarang yun!"-sabi ni Sun kaya napatingin kami ni Wind kay Aprho.

"Dati, alam kong mahal nya si Light... pero ngayon kasi parang ikaw na!"-sabi ni Aprho kaya nakangising tumingin kami ni Wind kay Sun.

"Hayst, makinig kayo sakin... 'walang kami' ni Jason, okay?"-sabi nya na narinig ng mga kaklase namin.

GUNSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon