Chapter 13

5.1K 382 17
                                    

"Ella girl."

"Bakit?" Nilingon ko si Val. Parehas lang kaming nasa kama ko. Siya nakasandal sa headboard habang nagc-cellphone habang ako naman ay nakadapa.

Naglalaro ako ng games. Naalala ko tuloy yung plano namin West, siguro kailangan ko nang magpraktis kahit papaano para matapatan ko skills niya sa paglalaro kung sakali.

Siguro planuhin namin after ng exam. Aral-aral muna, kailangan ko makapasa pang-compensate naman sa mga bagsak kong quiz at mga homeworks na hindi nagawa. Baka bigwasan na ako ni Mama sa susunod, lagot talaga ako.

"Nakaka-chat mo si West?"

"Hindi." sagot ko. "Ikaw ba?"

"Minsan lang."

Hindi na ako sumagot. Knowing Val, kapag crush niya, talagang kakausapin niya. Sa room pa nga lang friendly na siya sa tao, eh, iyon pa kayang kausapin ito online? Ako kasi simula no'ng malaman ko na si West yung favorite writer ko siyempre tumigil na ako sa pag-message sa kanya sa Wattpad. Nakakahiya na kaya, ang harot-harot ko pa naman mag-message akala mo talaga.

"Medyo maikli siya sumagot, eh. Tapos ni walang emoji, parang ang seryoso lagi sa life."

"Seryoso naman talaga siya, Val." Natatawang sagot ko. Kahit nga sa personal, miski ngiti at tawa matipid. Ang hirap alamin kung anong pumapasok sa isip niya.

Ngumuso siya. "Mas lalo ko siya nagiging crush sa ugali niyang 'yon."

"Baka naman magkagusto ka na, ah. Nako."

"Bawal ba?"

Doon na ako napabangon. Nasandal din ako sa headboard katabi niya at hininto ang games ko. Akala ko nagj-joke lang siya pero ang seryoso ng expression ng best friend ko. "Crush lang, 'di ba?"

She pursed her lips. Hinagod niya ang buhok at huminga ng malakas. "Iba kasi talaga datingan niya, eh."

"Paanong iba?"

"Ewan ko, Ella. Alam mo yung nakaka-attract talaga siya? Parang kahit wala naman siyang gawin, kusa ka talagang mahahatak. Curious na curious ako sa kanya, kahit nakakasama na natin siya, feeling ko hindi ko pa rin siya kilala."

"Edi crush mo pa rin. Super crush na lang gano'n?" Tanong ko na may halong pagbibiro. Natawa naman siya kahit korni yung sinabi ko. Binatukan pa ako ng loka-loka. Ang sakit! "Bigat ng buto mo! Kumain ka nga!"

"Luh, kahit malakas ako kumain?" Kunwaring offended na sagot niya. "Ikaw nga effortless, malaman na talaga!"

"Ang kapal! Malaki lang pisngi ko!"

"Kaya nga si Jollibee ka." Nambelat pa siya. Hindi ko na napigilan at hinila na siya sa buhok. Tawa siya ng tawa. "Aray!"

"Baliw ka!"

"Pero seryoso, Ella girl." Inayos niya ang buhok. Dahan-dahan niyang pinadausdos ang katawan pababa hanggang sa mahiga siya. Hinawakan niya yung manggas ng shirt ko na parang inaaya ako kaya humiga na lang din ako. "Okay lang kaya? Tingin mo ba pwede ako magkagusto sa kanya?"

"Wala namang masama magkagusto, Val, alam mo naman 'yan." sabi ko sa kanya.

Pero ewan ko ba, parang ang bigat ng pakiramdam ko nang sabihin niya 'yon. Expected ko naman na yung pwedeng mangyari. Sino ba naman hindi magkakagusto kay West Hansen? Ang daming nagkaka-crush do'n, kahit nga sa ibang sections maraming nakakakilala sa kanilang kambal.

Parang hindi nga sila aware na kilala sila sa school, eh. Wala naman din kasing lumalapit sa kanila masyado. Pero laging may napapalingon sa kanila. Parehas kasing matangkad kumpara sa normal na kaedad namin.

Jonah Complex [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon