Chapter 19

5.4K 437 73
                                    

Iniisip ko kung may ikakaadik pa ba ang pagbabasa ko sa Wattpad at ngayon ko mas napatunayan na...oo.

"Ella, bitawan mo 'yang cellphone mo at baka iyan ang gawin kong agahan mo." Kalmado pero nakakatakot na sabi ni Mama sa akin.

Mabilis kong ibinaba ang cellphone at nakangusong inabot yung kutsara at tinidor ko. "Grabe ka naman po, Ma."

"Paano kasi wala ka nang inatupag kung hindi cellphone mo! Sa susunod baka dumikit na 'yan sa kamay mo ng tuluyan nako."

"Hindi naman kaya, Ma." Lalo kong pinahaba ang nguso.

"Aba't─"

"Mahal," Hinaplos ni Mimi si Mama sa balikat. Para namang kusang kumalma yung huli. "Pagbigyan mo na at bata pa 'yan."

Nagsalubong ang kilay ni Mama at piningot ang Mimi ko. Pinigilan ko matawa kasi ang cute nila. "Ayan, ayan! Kunsintidor!"

"Masakit!"

"Pagsabihan mo 'yang anak mo kasi!"

Tumingin sa akin si Mimi. Halata namang masakit yung pagkakapingot sa kanya pero nginitian pa rin niya ako. "Ella, kain ka muna, okay? Saka na 'yang cellphone."

Tumango na lang ako at nagsimula nang kumain.

Binibilisan ko kumain dahil una ay gutom ako, tapos gusto ko na magbasa ulit, at saka male-late ako kung magbabagal pa ako. Inaantok pa ako pero wala akong choice, kasalanan ko rin naman.

Dahil sa curiosity ko ay pinanindigan ko na ang pag-start sa pagbabasa no'ng gxg story na ni-suggest ni Valeen...at hindi ko inakalang mas mag-aadik ako ro'n, pero─pero! Siyempre walang tatalo kay Nishi_Ishin.

Hindi ko alam pero bigla akong kinilig kahit na alam kong hindi naman siya lalaki. Siguro nga hindi na siya yung ideal guy ko pero at least, may bago na akong friend...

Na hinalikan lang naman ako.

Wait.

Halos mabulunan ako sa kinakain nang mag-flashback na naman yung nangyari no'n kahit na ilang araw na ang lumipas. Jusko, nakakaloka! Sabi ko hindi ko na iisipin iyon, eh!

"Anak, sabi ko kumain ka hindi lumamon." Parang gusto na akong tusukin ni Mama ng tinidor na hawak niya. "Maghinay-hinay ka nga nang hindi ka nasasamid!"

Hindi na lang ako kumibo at uminom ng tubig. Maayos naman ako kumain, eh. May naalala lang talaga. Pasimple akong napaismid.

Ella Marie, ayusin mo buhay mo! Babae 'yon at straight 'yon!

Hindi naman niya sadya 'yon, eh. Wala lang 'yon, at saka hindi counted as first kiss ang halik sa babae. Gusto kong i-convince ang sarili ko na ganoon iyon pero...hay. Hindi ko maiwasan maalala yung naging usapan namin ni East...

"Ohayou, ohayou!"

Halos mabulunan ako nang makarinig ng malakas na boses kahit ang aga-aga pa. Naputol yung pagtitig sa akin ni West at nilingon yung kambal niya na kakarating lang siguro, may dala pa itong bag.

"Good morning," si Ate Jade ang bumati. Ito namang kaharap ko ay tumango lang. Naglakad yung kambal niya papunta dito at yumakap sa likuran ni West, para bang automatic na rito na subuan si East ng kinakain niya. "Aga mo umuwi?"

Jonah Complex [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon