Chapter 17

5K 458 158
                                    

"Anong nangyari sa kanya?"

Napakagat ako sa lower lip ko habang iniisip ko kung paano ie-explain sa kanya yung mga nangyari. Inalalayan ko si West nang gumalaw siya sa pagkakaakbay sa akin. Magaan lang naman siya kaso ang gaslaw. "Ate N-North, si West po, eh."

"Halika, tulungan na kita." Lumapit siya para mahawakan sa kabila si West na parang malapit nang makatulog sa lagay niyang hindi na halos tumitingin sa amin. Nakapikit na lang ito talaga pero hindi naman binibigay ang buong bigat niya.

Nakahinga ako ng maluwag nang maipasok na siya sa sasakyan. Para lang siyang lantang gulay na nakasandal at hindi kumikibo. Namumula ang mukha niya hanggang balikat, halatang tinamaan. Paano kasi, ilang beses niyang tinanggap yung wine na binibigay ng mga kaklase namin. Hindi pa nakuntento pati beer pinatulan niya lalo na't napakahusay pumuslit ng mga kaklase ko dahil pati celebrant pasimuno ng inuman.

Akala ko okay lang siya pero nang napansin ko na parang nagiging talkative na si West no'n ko lang na-realize na may tama na siya ng mga ininom. Nag-drunk chat pa siya sa akin pati kay Jamaica na hindi naman nag-reply, maigi at hindi kung sino lang or else ewan ko na talaga. Ako pa nag-message sa Ate niya na sunduin ito.

"Are you going home na ba?" Narinig kong tanong ni Ate North na katabi ko pa rin pala at panaka-nakang tinitingnan ang lasing na kapatid na hindi na yata aware sa paligid. "Who will pick you up? Your parents?"

Napakamot ako sa sentido ko. "Commute na lang po."

Wala siyang naging facial expression pero parang nag-iisip niya. "Delikado at gabi na.  Mahirap mag-commute pauwi at sobrang madalang na ang tricycle sa area dito."

Natigilan naman ako. Hindi ko alam na ganoon pala 'yon. Dapat talaga susunduin ako ni Mimi kaso ayoko naman ma-hassle siya dahil gusto ko na lang na diretso pahinga siya after work. Sabi ko naman makakauwi kaagad ako pero ito anong oras na nandito pa ako. Nag-chat na sila sa akin at nakapagsabi na akong pauwi na rin.

"Saan ka ba nakatira? Ihahatid na lang kita."

"Hala, okay lang po, huwag na. Hahanap na lang ako ng kasabay." pagtanggi ko. Pero, shit, nang tumingin kami sa paligid may ilan sa mga kaklase ko nasundo na ng mga magulang. Yung iba mas maagang umuwi. Wala naman akong close, nahihiya rin ako.

"Sumakay ka na, Ella."

"Eh, lalayo pa po kasi kayo. Hassle po at gabi na."

"Let's see..." Sumandal siya sa sasakyan niya. Ikiniling niya ang ulo at tumingin sa akin. Para naman akong nailang, pakiramdam ko namumula ang mukha ko sa ginagawa niya. Jusko parang hindi ko yata keri maging prof ito if ever. Baka araw-araw akong matataranta. "If your home isn't on the way, the least I can do is to let you spend the night with us."

Napailing ako. "N-nakakahiya po. Kaya ko naman po—"

"Then ihahatid na kita pauwi?" Pagputol niya sa sinasabi ko. Huminga siya ng malalim. "You clearly can't go home.  You know what, sakay na."

"Pero—"

"Miss Ella, get in may car."

Para akong pinanindigan ng balahibo sa tono ng boses niya, ang sungit!

Wala na akong choice kung hindi sumakay tulad ng gusto niya. Dinalaw na rin ako ng hiya dahil sa pakikipagmatigasan ko. Sabagay siya na nga itong nagmamagandang-loob tapos nag-iinarte pa ako. Pumasok na rin si Ate North sa driver's seat. Si West naman kusang sumiksik sa akin na parang bata, nang i-check ko ay tuloy pa rin naman siya. Amoy beer ito pero hindi naman mabaho. Sa totoo lang ay paran ang bango niya pa rin. Namumula siya pero kasi dahil ang puti niya ayos lang.

Jonah Complex [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon