Chapter 14

4.9K 423 73
                                    

Nakita kong lumabas ng sasakyan sina East. Para naman akong tanga na napatitig kay West, as usual ay seryoso pa rin ang expression nito pero may something sa way ng pag-smile niya, masyadong soft iyon. Nagtataka lang ako kung bakit kasabay nila si Lucy. Siguro ganoon lang talaga ito ka-close kay East.

Maraming estudyante sa paligid. May kaunting time pa naman bago mag-start ang first period ng exam. Inagahan ko lang din ang pagpasok kasi hindi talaga ako ma-focus sa pagre-review kapag nasa bahay, ang daming distractions. Ang dami kong nakikitang gawin na ginagawa ko lang tuwing mag-aaral. Nakakaloka, productive sa mga bagay na hindi dapat gawin. Tapos isa pang temptation ang Wattpad, hay.

"Galingan sa exam, ah." Narinig kong sabi no'ng Ate North nila nang ibaba nito yung bintana ng sasakyan para makita namin siya. Natanaw ko rin sa loob si South, parang gusto kong mag-fan girling bigla. Kahit sa ganitong distance ay tanaw ko yung blue eyes niya. She's not smiling pero ang pretty talaga niya. "Libre ko kayo ng halo-halo kapag mataas scores ninyo."

Halatang na-excite si East. "Sige! Tsaka bingsu! Strawberry!"

"Sige."

"Byers!"

"Bye-bye."

Naglakad palapit sa akin si West. Diretso lang ang tingin niya sa akin kaya medyo kumabog ang dibdib ko. Crush ko si South pero mas crush ko na yata itong isang Hansen na 'to. "Good morning."

"G-good morning din," bati ko pabalik. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Ella, bakit ganyan ka? Gusto kong tuktukan sarili ko. Bakit kasi parang ang extra pretty niya today?

"Hayo, Ella." East greeted me na kasama na rin pala namin. Katabi niya si Lucy na tiningnan lang ako pero nakangiti siya ng very light. Parang shy type din siya talaga, medyo mukha lang masungit.

Ngumiti ako and tumango. "Good morning din, East."

Sabay-sabay na kaming apat na naglakad papasok ng school. Medyo maingay pagdating namin sa room. Jo is already inside, hindi ko sure kung anong meron pero may mga nakapalibot sa kanya. Baka nagre-review sila ng sabay, may hawak kasi silang kanya-kanyang notes. Si Valeen naman nakita ko na nasa upuan niya lang, nakatingin siya sa notes niya pero parang wala naman sa mood. Ang moody na niya recently.

"Tanda mo pa ba yung mga inaral mo?" Narinig kong tanong ni Lucy. Mahina lang kasi yung boses niya. Nakita ko yung paghawak niya sa kamay ni East. Parang may something talaga sa kanila, pero ako lang siguro nag-iisip no'n tsaka si Jo na mahilig mag-link.

"Matalino kaya ako."

"Again, hindi ko alam yung connect ng braso mo sa talino."

"Basta papasa ako, ikaw din dapat!"

"Oo naman. You tutored me well sa mga weakness subject ko. I think papasa naman ako."

Feeling ko tsismosa ako dahil nakikinig ako. Iba kasi yung friendship nila sa amin ni Valeen. Yung babaeng 'yon walang ginawa kung hindi asar-asarin ako and vice versa, pero kapag seryosohan naman, naaasahan ko siya.

No'n ko lang na-realized na naka-one seat apart na yung mga upuan habang yung teacher namin ay nasa table lang nito. Hinayaan lang niya kami. Marami pa ring nagre-review pero may iba ring nagdadaldalan lang.

Sinalubong kami ni Valeen dahil mukhang napansin na niya kami finally. Yung itsura niya para bang tuwang-tuwa na hindi makapaniwala. Siguro kasama ko rin itong si West. Wala, eh, nagkakagusto na siya rito. Hindi pa rin 'yon maganda sa feeling pero baka ako lang talaga 'tong weird. "Good morning Nag-review na kayo? Baka naman."

Naglakad na sina East and Lucy sa pwesto nila, bumuntot si Val kaya sumunod na rin ako, ganon din si West na hindi ko ma-gets ang expression kung bored ba siya o inaantok. Para lang kaming sira. Tumingin siya sa akin saglit, napangiti ako nang itaas niya ng sabay yung dalawang kilay, parang gusto niya sabihin na chill lang kami.

Jonah Complex [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon