Chapter 8: Danger

1.2K 35 0
                                    

Nayeon's Point of View

Tatayo na sana ako sa aking kinauupuan para sundan si Kai sa pagpunta kay Jennie ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakatayo ay buhat-buhat na ito ni Kai.

Banayad lamang itong naglalakad habang buhat-buhat si Jennie ngunit kapag tumingin ka sa kanyang mata ay alam mong kahit na anong oras ay sasabog ito sa galit. Ngayon ko lang siyang nakitang ganon.

"Isugod nyo sa clinic!" Dinig kong sigaw ni Rosé mula sa aking likod.

Buhat-buhat na ng guard si Jisoo na wala ring malay. Kapansin-pansin ang panunuyo ng balat nito.

Shit! Masama ito!

"Everyone na hindi involved sa pangyayari. Maiwan kayo." Sigaw ni Madame Dara na malawak ang ngisi.

Naikuyom ko ang aking kamao. Anong klaseng namumuno siya? Nagawa nya pang magsaya kahit na nag-aagaw buhay ang dalawang estudyante. Shit!

"I must say... umpisa na ang pagdanak ng dugo." Bulong ng katabi ko na may dalang wine.

Ito ang babaeng nagsabi na drugs iyon. Ang natatanging babae sa kasapi ng Hell's Angels.

"Shut up, bitch."

Iniwan ko na siya roon sa table namin at tumakbo papunta sa clinic. Habang tumatakbo ako ay maraming katanungan ang tumatakbo rin sa aking isip.

Sino ang may gawa non? Anong pinaplano niya? Bakit nya ginawa iyon? Kami ba ang puntirya nya?

Shit!

Naabutan kong humahagulgol si Rosé sa labas ng clinic habang pinapatahan ni Jungkook. Si Kai naman ay nakatulala at matalim ang iniisip.

"Sino sa tingin nyo ang may kagagawan nito?" Tanong ko.

Tumingin sa akin si Kai ng nakangisi habang umiiling. Anong problema nya?

"Sino sa tingin mo, Nayeon?" Balik na tanong nya.

"Hindi ko alam. Wala akong ideya." Sambit ko.

Muling binalot kami ng katahimikan. Medjo tumahan na rin si Rosé sa pag-iyak.

"Maari na kayong pumasok..." Bungad sa amin ng school nurse na si Nurse Joy.

Pumasok kami sa loob at naabutan ang walang malay na si Jennie at Jisoo. Nawala na ang panunuyo ng balat ni Jisoo subalit kay Jennie ay meron pa at parang mas lumalala pa.

"Isang klase ng pinagbabawal na droga ang naihalo sa alak, hindi biro ang dossage nito kaya ganon na lang ang nangyari. Maya-maya lang ay gising na si Jisoo, habang si Jennie ay kailangan pang obserbahan." Sambit nito sa amin.

Nanlumo ako dahil sa sinapit nila. At the same time ay galit na galit sa kung sino mang hayop na gumawa sa kanila nito. Demonyo sila.

"Ang ipinagtataka ko lang ay bakit ganoon ang epekto kay Ms. Kim. Malala masyado." Nakakunot na dugtong nito.

"Paanong nangyari 'yon? Pareho lang naman silang uminom non?" Tanong ni Rosé.

Oo nga. Bakit naging malala ang kay Jennie? Bakit parang may mali na naman?

"Hindi ko rin alam, but maybe kumporme iyon sa dami ng nainom nila."

"Nakadalawang baso lang si Jennie! Marami na ang nainom ni Jisoo! Bakit parang baliktad?" Tanong ni Jungkook.

"Hindi ko pa masasagot 'yan ngayon but we will conduct an investigation about this. Don't worry, once na nalaman na namin ang sagot. We will inform you. Excuse me." Lumabas ito ng clinic.

YG Univeristy | JenLisa (Book 1)Where stories live. Discover now