Chapter 20: Together

1.1K 32 0
                                    

Jennie's Point of View

My jaw literally dropped when I heard that. Tumingin ako sa mata ni Madame Dara na nakangiti pa sa mga estudyante. She must be crazy! Bloody Week? That's insane! It is too much!

Tumingin ako kay Supremo na hindi man lang nabigla at parang inaasahan na nya talaga ito. Hindi rin ako nakarinig ng pagtutol mula sa mga estudyante na animo'y kagat-kagat nila ang kanilang dila at nagbubulag-bulagan sa mga nangyayari.

"Do you have a problem with that, Miss Kim?" Tanong ni Min-ho.

"What? Should I be surprised? What do I expect from insane leaders?" Hindi ko talaga mapigilan ang aking bibig. Honestly, I was really shocked, pero kung ipapakita ko ang takot ay mas matutuwa sila, nah.

"Stop it, Miss Kim. You must not talk to them that way, they are still higher than us."

I rolled my eyes. "Yeah right, Supremo. Excuse me." Nagwalk out na ako dahil narinig ko na rin naman ang walang kwentang announcement nila.

Sino ba kasing matinong pinuno ang magpapatupad ng ganon? Isang linggong legal ang pagpatay, kahit umaga! UGH! They are really making fun of usa. Parang pinaglalaruan na lang nila kami.

Walang tao sa hallway, tanging pag-ihip lang ng hangin ang naririnig ko. Ang tahimik ng paligid. Mas magiging tahimik ang paaralan na ito sa lunes, ano kayang mangyayari? Parataing na ang delubyo na sinasabi nila. Ano kaya ang pinaplano nila?

Pagkapasok ko sa loob ng dorm namin ay gising na si Nayeon na pinapainom na ni Jungkook ng tubig. "Kumusta na pakiramdam mo?" Bungad na tanong ko bago umupo sa tabi ni Kai.

"Okay na. Anong nangyari? Bakit andito ako?" Sunod-sunod na tanong nito.

Hindi ko alam pero napangiti na lang ako. Kumunot ang noo nya sa akin at nagtaas pa ang kilay. "Anong nginingiti mo?" Tanong nya na ikinalingon nilang lahat sa akin.

"You're scaring us, Jen." Sambit ni Jisoo na ikinatawa ko.

Umiling na lang ako. "I was just amazed by you, Nayeon." Panimula ko. "Hindi ka natakot magsalita, sumalungat sa kanila. You are one hell of a brave girl to contradict them." Halata sa tono ng pananalita ang pagkamangha ko kay Nayeon.

I actually didn't expect that one of my friends would do such thing.

"Eh? Ang OA nito." Aniya na namumula pa ang pisngi. Sus! Nahiya pa ang bruha.

"I must agree! Mas lalo tuloy akong nainlove..." Biro ni Jungkook kaya binatukan siya ni Nayeon na sobrang pula na ang pisngi.

"You must be awarded." Gatong ni Rosé na natatawa.

"Tumigil nga kayo!" Aniya sabay isinubsob ang mukha sa throw pillow na kinuha nya sa gilid nya. Natawa na lang kami sa inasta nya.

"But let's not also forget the secretary." Ani Kai na nakangisi sa akin.

Ngumisi silang lahat sa akin kaya ako na naman ngayon ang nakaramdan ng awkwardness. Umangat ang ulo ni Nayeon na nakakunot ang kilay, oo nga pala. Nawalan siya ng malay kaya hindi na nya alam ang mga nangyari kanina.

"Alam kong kamanghamangha na si Jennie, pero ano ang ginawa nya kanina? Siya ba ang dahilan kaya hindi ako nahatulan ng kamatayan?"

"Yes, Jennie saved you from death and awaken us to that rule." Sagot ni Kai na halatang proud na proud.

Hmp!

Napayuko na lang ako sa hiya. Hindi naman nila kailangan magsalita ng mga ganito, 'yong mga papuri kasi nila ay iba, ang OA na.

"What rule are you talking about?"

"Ang kamatayang paruse na ipinapatupad dito sa YG University ay magiging mabisa lang kapag pinahintulutan ng SSG President, tanging si Supremo lang, walang kapangyarihan ang kahit na sino, kahit ang pinakamataas na pinuno ng YGU ang magpataw ng parusang ito."

Mautak talaga si Supremo. Siya ang gumawa ng parusang 'yon, siya lang ang maaaring magpataw, siya lang ang maaring bumuwag, siya lang, tanging si Lisa Manoban lang.

"G-Ganon?" Gulat na tanong ni Nayeon. Tumango na lang ako bilang sagot. "Waaah!" Napahiga ako sa sahig nang biglang yumakap sa akin si Nayeon.

"Idol talaga kita!" Sigaw niya.

Natawa na lang ako. Masaya ako na nailigtas ko si Nayeon sa bingit ng kamatayan, kung may nangyari lang talagang masama sa kanya ay hinding-hindi ko mapapatawad ang aking sarili. I promised to protect them, if it cost my life.

"Oo nga pala, hindi na problema ang mga grade natin! Si Sir Seo-joon na ang bahala, kinausap ko na siya!" Masaya kong sambit.

Inaasahan ko na magsisisigawan sila, magtatalon sila sa tuwa but silence just ate them. Anong nangyari? Bakit ganon ang reaksyon nila?

Nabigla ako nang bigla akong niyakap ni Rosé na umiiyak. Hindi ako nakagalaw sa pagkabigla. Si Rosé, hindi siya basta-basta nanyayakap. Hindi siya basta-basta umiiyak sa walang kwentang bagay pero ngayon ay lumuluha na siya. Anong nangyari?

"Bakit, Jen?! Bakit ka naglihim sa amin?" Tanong nya pagkaalis nya sa pagkakayakap sa akin.

"A-Anong sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ko.

Hindi ko maintindihan ang inaakto nila. Anong sinasabi nyang lihim?

"Alam na naming alam mo na ang sikreto ng YGU. Hindi ka na makakaalis dito." Sambit ni Kai na animo'y galit.

Natigilan ako at hindi nakapagsalita. Nalaman na pala nila 'yon. Sinong nagsabi? Shit!

"Bakit Jen?! Tinutulungan mo kami, laging ikaw ang nagliligtas sa amin. Bakit hindi mo naiisip ang sarili mo? Paano ka? Paano kung makalaya kami at maiwan ka?! Paano Jennie?!" Sigaw ni Rosé.

Hindi ko alam pero bigla na lang tumulo ang luha ko.

"I will protect you! Gagawin ko ang lahat para makalabas kayo rito sa impyerong ito!"

"Damn! How about you Jen?!" Inis na tanong ni Kai.

"What about me? What? Wala akong pakialam sa aking sarili! Tanggap ko na, dito ako mamatay! Hindi na nila ako papakawalan! Alam ko na ang pinaka-iniingatang sikreto ng YGU! How about you guys? Wala kayong alam at hinding-hindi ko sasabihin sa inyo!"

"Dr. Yeo." Natigilan ako sa sinabi ni Jisoo.

"Sikretong sangkap. Isang formula na kayang bumuhay sa patay." Dugtong ni Jungkook.

"Nasa paligid lang natin ang may hawak ng nawawalang sangkap." Ani Nayeon.

Hindi na ako nakapagsalita sa gulat.

"Iyon ang iniingatang sikreto ng YGU." Sambit ni Rosé na nagpupunas ng luha.

Sumikip ang aking dibdib nang mapagtanto na alam na nila. Alam na nila ang pinakainiingat-ingatang sikreto ng YG University. Isa lang ang ibig sabihin nito. Sabay-sabay na kaming makukulong sa impyernong ito. Walang ni isa ang makalabas sa amin.

"Ngayon, Jen. Sabay-sabay na tayong mamamatay sa lugar na ito. Hinding-hindi ka naming iiwang mag-isa. Mamamatay tayo ng sama-sama."

YG Univeristy | JenLisa (Book 1)Where stories live. Discover now