Chapter 10: Accepted

1.2K 39 7
                                    

Jennie's Point of View

Naglakad ako palabas ng office ni Madame Mina na tulala. Bwisit na president! Binigyan pa ako sa sakit ng ulo!

Hindi ko naman sinerysos ang mga sinabi nya. Malamang ay nantitrip lang 'yon at gusto nya lang pasakitin ang ulo ko sa kakaisip. Hmp!

"Ms. Kim!"

Tinanaw ko sa hindi kalayuan ang tumawag sa aking pangalan. Mabilis na lumapit ako sa kanya.

"Bakit po Sir Seo-joon?" Tanong ko.

Hawak nito ang tatlong libro na ginagamit nya habang nakasakbit sa kanyang braso ang kulay itom nyang shoulder bag. Masasabi kong may itsura talaga ito na sa palagay ko ay nasa mid 30's ang edad nya.

"Maaari ba tayong mag-usap?" Seryosong tanong nya.

Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin pero dahil sa alam kong seryoso ito at halatang importante ang sasabihin ay pumayag na ako.

Pumunta kami sa cafeteria at umorder siya ng dalawang juice para sa aming dalawa. Nakaupo kami sa dulong bahagi ng cafeteria kung saan hindi kami gaanong kita kapag may mga bagong pumapasok dito.

"I need your help."

Wala sa sarili nakagat ko ang straw ng orage juice ko dahil sa sinabi nya. Seryoso ito at hindi ka makakita ng kahit anong expression sa kanyang mata kundi ang pagsusumamo na tulungan ko siya.

"Para saan po sir?" Tanong ko.

Sumandal ako sa upuan at tumitig sa kanyang seryosong mata. I have a bad feeling about this, may panibago na naman ba akong poproblemahin? Andami ko ng iniisip.

"I am not just a teacher. I am also a detective. They sent me here to rescue you all. Tulungan mo ako."

Hindi ko nagawang ibuka ang aking bibig dahil sa gulat. Hindi ko inakalang detective siya dahil hindi halata sa kanya. Pero anong sinasabi nyang irescue kami?

"What are you talking about?"

"Listen Jen, isa akong detective at the same time ay secret agent. Dati pa namin minamanmanan ang lugar na ito pero hindi kami makakuha ng impormasyon. Hindi rin namin kayang pakialaman ang university na ito dahil hindi siya sakop sa gobyerno, that's why patago ang ginagawa ko. Isang buwan na ako rito pero wala pa rin akong makitang maaring maging butas ng YGU, ililigtas ko kayong lahat but I can't do that by myself that's why I am asking for your help."

Nanatili ang mga mata ko sa seryosong nyang mata. Gusto kong tumanggi pero gusto ko rin namang makatulong.

"Wala akong maitutulong sa inyo." Pagsasabi ko ng totoo.

I am just an ordinary student. Wala akong alam sa YGU, wala akong maibibigay na impormasyon sa kanya. Isa pa rin kaming newbies dito.

"Malaki Jen, malaki ang maitutulong mo. Accept their offer."

Kumunot ang noo ko bago napagtanto ang ibig nyang sabihin.

"Secretary... You want me to accept it?" Tanong ko.

Madiin itong tumango bago sumimsim sa kanyang juice.

"If you have the position, it would be a big help. Malalaman mo ang hindi nalalaman ng iba. Alamin mo kung saan ang Hidden Laboratory nila rito."

"Laboratory?"

Lumapit siya ng bahagya sa akin.

"Yes. They are hiding their laboratory, pinag-aaralan nila ang formula na nakuha nila bago mamatay si Dr. Yang."

YG Univeristy | JenLisa (Book 1)Where stories live. Discover now