Chapter 28: Co-Leader

1K 32 3
                                    

Jennie's Point of View

I need to calm myself. Saglit kong pinakiramdaman ang paligid, nang marinig ko na ang hudyat. Mabilis akong tumayo at sinuot ang blazer ko na may hood. Sinulyapan ko sina Rosé at Nayeon na mahimbing na natutulog. Wala na naman si Jisoo. Hays.

Nakabenda pa rin ang kanang braso ni Rosé.

Maingat na pinihit  ko ang pinto ng kwarto namin. Hindi sila dapat magising, sigurado akong tututulan na naman nila ako at baka hindi na naman ako makakilos.

Pagkalabas ko ng kwarto namin ay pinuntahan ko ang kwarto ng mga boys. Kahit na inasahan ko ng walang tao akong makikita roon ay hindi ko parin maiwasang kabahan.

Ilang araw na rin akong binabagabag na alamin ang nangyayari sa aming mga lalaking kaibigan at si Jisoo ngunit ngayon lang ako muli nagkaroon ng lakas nag loob para sundin ang nais ko.

I know this time, it is no longer just my curiosity. I am not aiming for danger that usually caused by my curiosity but the eagerness to help my friends. I know there's something going on about them that's why they are doing this dangerous move.

Mahigpit ang kapit ko sa aking blazer habang pinipihit ang seradula ng front door. Mas lalaong humigpit ang hawak ko rito nang tuluyan ko nang mabuksan ang pinto. Sinalubong ako ng malamig na hangin, tahimik na paligid, at kadiliman.

Maingat na isinara kong muli ang pinto bago lumingon-lingon sa paligid.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga bago naglakad palayo sa dorm na hindi lumilikha nang anumang ingay galing sa aking mga sapin sa paa. Hindi rin maalis ang kabog sa aking dibdib.

Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Jeongyeon. I have to break this rule to seek the information that I need and definitely, I already did. I broke the rule.

Napahinti ako sa paglalakad kasabay nang panlalambot ng aking tuhod nang makarinig ako ng kaluskok galing sa kung saan.

Mas humigpit ang hawako ko sa laylayan ng aking blazer. Kinakain ako ngayon ng pangamba at takot.

Mabilis na lumingon ako sa aking likod kasabay nang pagtakbo ng isang- "Pusa." Wala sa sariling sambit ko.

Damn that cat! Halos mamatay na ako sa takot dahil sa kanya! UGH! I will surely punish you once I see you again.

Nagpalingon-lingon ako sa paligid at sinuri kung may kakaiba pa bang bagay maliban sa pusa na 'yon. Tahimik ang paligid kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Fuck! Ang lawak ng YG University! Paano ko sila hahanapin sa impyernong ito?! Baka abutan nalang ako nang pagputok ng araw na hindi pa ako nakakalahati sa YGU.

Mabilis na nagtago ako sa likod ng isang malaking trash can nang makarinig ako ng tawanan hindi kalayuan sa akin. Pigil ang paghinga na ginagawa ko habang palapit nang palapit ang tunog ng mga lalaking sa tingin ko ay nasa dalawa lang.

Biglang sumagi sa isipan ko ang patalim na ibinigay sa akin ni Lisa. I should have brought it! Nakalimutan ko dahil sa pagmamadali! UGH! Wala akong anumang armas. Kailangan kong mas maging maingat.

"Ano ba kasing nakita sa kanya ni Boss? I am better than him."

Hindi ko alam kung nanadya talaga sila at malapit sa akin pa sila nagkwentuhan. Halos hindi pa rin ako huminga, hindi lang makagawa ng anumang ingay na siguradong ikapapahamak ko.

"Better than him? Woah! He is better- I mean  wala ka sa kalingkingan niya."

"Gago."

YG Univeristy | JenLisa (Book 1)Where stories live. Discover now