Chapter 9: Siya

1.2K 38 1
                                    

Jennie's Point of View

Ang huli kong naaalala bago ako tuluyang mawalan ng malay ay bago pa man ako bumugsak, may umalalay na sa akin. Malabo na ang lahat kaya hindi ko na makita ito. Ang sakit na rin ng aking ulo na parang binibiyak na ito.

"Salamat at walang nangyaring masama sa'yo. Buti na lang talaga at dumating ang misteryosong babae. 'Yon nga lang ay lalagyan ka pa nya ng peklat sa dibdib." Sabi ni Rosé.

Hindi ko napigilang mapangiti. Nakaramdam ako ng hapdi kanina na paranag may napunit sa akin kasabay ng kung akong likido na pinainom nila sa akin na walang lasa. Para lang itong tubig.

"Iyong blue elixir. Sino sa tingin nyo ang nagbigay non?" Tanong ni Nayeon.

Walang nagtangkang sumagot dahil walang nakakaalam ng sagot. Kung sino man ang mga misteryosong tao na tumulong sa amin, utang namin sa kanila ang aming buhay.

Sabay-sabay kaming napalingon nang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Nurse Joy na mawalak ang ngiti. Nawala rin ang ngiti nito nang mapansin ang basag na bintana bago lumapit sa amin ang kanyang tingin.

"G-Gising na pala kayo." Halata ang gulat sa mata nito pero sinusubukan nyang takpan ng ngiti.

"Bitch." Dinig kong bulong ni Nayeon kaya hinawakan ko ang kanyang kamay para pakalmahin.

"Yes, salamat sa tulong Nurse Joy." Ani Kai na mababakas ang galit pero mukhang hindi naman nakahalata si Nurse Joy dahil mas lumawak ang ngiti nya.

"You are welcome. Tungkulin naming sumagip ng buhay."

Hindi ko maiwasan ang pagngisi. Really Nurse Joy? Sagipin ang buhay? O tuluyan ang buhay namin? How dare you bitch.

"Bumilib nga ako sa iyo Nurse Joy." Lumapit si Rosé sa kanya na nakangisi. "Nagawa mong iligtas ang buhay nila ng sandaling minuto. Magaling ka talaga pala." Puri ni Rosé.

Ngumiti itong mula. Tanga ba siya? Bakit hindi siya marunong makiramdam? Ang katangahan mo Nurse Joy ang magpapahamak sa'yo. Sunod-sunuran ka lang nila at sa huli, wala ring kwenta ang buhay mo sa kanila.

Kinabukasan ay balik sa dati ang lahat. Matapos ang insidente kagabi ay walang nagchismisan tungkol dito, parang sanay ma sila na laging may ganong insidente.

"Good morning, class." Bati sa amin ni Sir Seo-joon.

As usual ay walang nag-abalang batiin siya pabalik. Gusto ko sanang bumati pero tinatamad ako. Psh!

Nag-umpisa na itong magturo. Nakatingin lang ako sa kanya habang ang aking isip ay lumilipad sa kung saan.

"Tignan mo ang paligid." Bulong sa akin ni Wendy na katabi ko.

Nagkaroon na kasi kami ng seating arrangement at siya ang katabi ko. Pinansin ko naan ang paligid gaya ng sinabi nya.

Tahimik ang lahat na nakikinig. Parang ordinaryong  estudyante na nakikinig para matuto at makakuha ng mataas na marka, to make their parents proud.

"Sa tingin mo. Sinong kalaban sa kanila?" Tanong nya na ikinalingon ko sa kanya.

Nakatingin ito kay Sir Seo-joon.

Anong sinasabi nyang kalaban? Sa mga kaklase namin may kalaban? Sino? Paano nya nalaman?

"Anong sinasabi mo?" Tanong ko.

Nanatili ang tingin nya kay Sir Seo-joon na nagsusulat ng equation sa blackboard. Unti-unting lumapad ang kanyang labi hanggang sa mahinang tumawa na ito.

YG Univeristy | JenLisa (Book 1)Where stories live. Discover now