Chapter 27: Saved

1K 30 0
                                    

Jennie's Point of View

Muli kong kinuha ang aking bag at sinulyapan si Kai na mahimbing ng natutulog sa kalasingan.

Bumuntong-hininga nalang ako napailing. Hindi naman kasi basta-basta umiinom ng alak si Kai, ewan ko nga ba kung bakit naisipan niyang magpakalunod sa alak.

Pagkalabas ko ay agad na hinanap ng mata ko ang mga kaibigan ko, ngunit kahit isa sa man sa kanila ay wala akong natanaw.

Asan na ba ang mga 'yon?

Naglakad ako patungo sa wide space kung saan alam kong nakatambay ang lahat. Kapansin-pansin ang pag-iiwasan ng lahat. Kapag may makakasalunbong sila ay pareho silang nlalayo ng ilang metro na animo'y takot na baka may basta sumaksak na lang sa kanila.

"Hoy!"

Sinamaan ko ng tingin si Jungkook nang gulatin niya ako ngunit tinawanan niya lang ako.

"It's not funny!"

"I know." Nakangiting sagot niya. "Aalis na sana ako rito pero nakita kita." Dugtong pa niya.

"Asan ang iba?"

Nginuso naman niya ang isang bruhang may kasamang lalaki na nakaupo sa isa sa mga benches dito sa wide space.

"Sino ang kasama ni Nayeon?" Tanong ko.

Nakatalikod sa akin ang lalaki kaya hindi ko mamukhaan.

"Jinyoung." Tipid na sagot niya.

Kumunot ang aking noo bago napagtanto kung sino ang Jinyoung na 'yon. Siya 'yong lalaking tinukso ko dati kay Nayeon sa cafeteria. 'Yong lalaking pasimpleng sinusulyapan ng mga babae.

Bumalik ang tingin ko kay Jungkook na hindi magawang sulyapan ang dalawa. I can smell something kaya hindi ko nagawang pigilan ang pagngisi. Hindi naman nahalata ni Jungkook ang ngisi ko dahil sa iba siya nakatingin.

"I know what you are thinking." Sambit niya na hindi man lang sumusulyap sa akin.

Pft.

"Samaham mo nalang ako hanapin ang iba." Suhestyon ko. Tumango nalang siya at sabay kaming naglakad.

"S-Sino ang iyo?" Tanong ko. Kanina pa kasi bumabagabag sa aking isipan ang tanong na 'yon at hindi talaga ako mapapakali hanggat hindi ko naitatanong.

I really can't control my curiosity.

"Anonymous." Biro niya. Naramdaman niya atang hindi ako natawa sa sinabi niya kaya isang mabigat na hininga ang pinakawalan niya. "May mga bagay na hindi na natin kailangang malaman, bagy na hindi natin dapat pagtuonan ng pansin." Banggit niya.

Natahimik ako. Bakit ba kasi napaka matanong ko? Kahit naman ako siguro ang nasa sitwasyon niya ay hindi ko magagawang sagutin ang tanong na 'yon. I must keep it a secret at mahirap isiwalat ang pangalan ng taong dapat mong patayin.

Sigh...

Pero ang sure ako ay may pangalan siyang nakita. Definitely, alam niya kung sino ang dapat niyang puntiryahin para makaligtas sa kapahamakan.

"C-Can you kill that person?"

Shit! Jennie Kim! Hindi mo talaga kayang pigilan ang bibig mo. Sermon ko sa sarili ko.

"Uh... sorry. Okay lang kahit hindi mo sagut-"

"Why not?" Nalagutan ata ako ng hininga matapos marinig ang diretsong sagot niya. "If that's the only way. I must." Dugtong niya.

YG Univeristy | JenLisa (Book 1)Where stories live. Discover now