Chapter 11: Past Newbies

1.1K 30 0
                                    

Jennie's Point of View

 Nakasunod kami kay Supremo na banayad lang na naglalakad.  Nasa gilid ko ang lalaking nanginginig pa rin hanggang ngayon, kasama rin namin sina Jimin at Yeji na hindi rin kumikibo.

Kung tutuosin ay maliit na bagay lamang para sa atin ang matapunan ng juice, I mean magagalit tayo pero hindi naman hahantong sa ganito. Hindi ko pa nakikita ang Dark Hell Jail or DHJ, pero hindi ko pinapangarap na mapasok doon. I am sure na kamatayan ang hatid noon sa kahit na sino.

"Ayoko pang mamatay..." Ang paulit-ulit na katagang lumabas sa bibig ng lalaking katabi ko na si Seok-jin o Jin, ayon sa sinabi nya kanina.

Nakaramdam ako ng awa pero hindi ko kayang magsalita at sumalungat kay Lisa. Hindi ngayon na nag-aapoy sya sa galit. Nakita ko na naman ang demonyong nagkukubli sa kanya. Nakakakilabot.

Habang palayo nang palayo ang nilalakaran namin ay palayo kami ng palayo sa YGU, I mean parang likod ito ng YGU. Mga nagtataasang puno lang ang narito at mga talahib. Mabuti na lang at tanghali pa lang kaya hindi mahirap lakarin.

"Ayoko pang mamatay..." Muling sambit nito sa sarili na halatang kahit na anong oras ay iiyak na.

Tumingin ako kay Jimin na kanina pa buntong ng buntong-hininga.

"Once she said it, no more question. That's who Lisa Manoban is." Sambit ni Jimin.

"Kung ako sa'yo Jen, bitawan mo na ang pwesto. Hindi mo gugustuhing makita ang buong demonyo na nakakubli sa loob nya." Pananakot ni Yeji na nakangisi.

"I am not scared." Matigas kong sambit na mahinang ikinatawa nya.

"Really? Pero ako, oo. Nakita ko na minsan kung gaano siya magalit. Silent but deadly." Bulong nitong muli na hindi ko na pinansin.

Yes. Alam ko na hindi ko pa nakikita ang buong Lisa at inaamin kong nakakaramdam din ako ng takot sa kanya. She is the President of this Hell for pete's sake. She is a devil with an evil mind.

Huminto kami sa nag-iisang kulungan sa gitna ng parang gubat na ito.

Sementado ang kabuuan nito. Tanging nag-iisang pinto lang ang meron ito at malakas na klase ng bakal ito na hindi basta-basta nasisira. Wala akong makitang kahit na ano sa loob dahil madilim. Ano kayang meron sa loob? Kamatayan.

May kinuha si Lisa sa kanyang bulsa. Isang susi, ang susi ng DHJ. Binuksan nya ito at masangsang na amoy ang nasingot namin na ikinaatras namin ni Jimin at Yeji.

Ang bakal na pinto ay may bahid ng mga natuyong dugo. Shit! Anong kaparusahan ito?

"Don't let me push you inside." Walang emosyon na sambit ni Lisa na seryosong nakatingin sa lalaking tahimik na lang at parang tanggap na ang katapusan nya.

Kinilabutan kami nang lumawak ang ngisi sa labi ng lalaking mahinang tumatawa na ngayon.

"Kilala kita Supremo. Alam ko ang sikreto mo."

Unti-unting ngumisi rin si Lisa nangayon ay lumapit na sa lalaki.

"I know, kaya nga kita dinala rito eh. Alam ko rin ang sikreto mo." Sagot ni Lisa na ikinakunot ng noo ng lalaki.

Anong sikreto ang sinasabi nila? May mga sikreto pa bang nakakubli?

"P-Paano mo nalaman?" Tanong nito.

"Hindi ako ganon kababaw para lang sa natapon na juice ay parusahan ka ng ganito. Alam ko ang ginawa mo, ikaw ang pumatay kay Yeri." Sagot ni Lisa. "Alam mong hindi ito magugustuhan ni Sana kapag sinabi ko ito sa kanya."

YG Univeristy | JenLisa (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon